Matapos magpakilala ng grupo ni levin ay syang pagpasok ni rare, skyler at levin kasama ang mga miyembro ng dalawang lieutenant.
"Hi eury, this is my team" sabi ni rare at hinayaan magpakilala isa isa ang miyembro nya.
"Hi i'm hiroshi, hiro for short"
"I'm eryell, thr only girl"
"I'm Gabriel, gab for short and this is Dylan"
"Hi"
Matipid nya namang tinanungan ang mga ito at saka naman lumapit sa harap nya ang grupo ni skyler.
"Light here as in liwanag"
"Aceziel milady"
"Grim here"
"I'm Roah"
Pagpapakilala ng mga ito at nag umpisa na silang mag usap usap. Tumikhim naman si levin kaya napunta sa kanya ang paningin ni eury.
"Let's start the meeting" usal ni levin kaya nagsipagseryosohan silang lahat at nag kanya kanya ng upo.
"We will leave here tomorrow morning, kailangan nating iligtas ang mga tao at ang mismong Garnedia village" umpisa ni skyler sa mga ito, nakayuko naman si eury at animo'y natutulog.
"Ang grupo ko at grupo ni skyler ang mauunang umalis para ayusin ang Trap sa gitna ng kagubatan" sabi ni rare na parte ng plano.
"Susunod tayo after an hour at tayo mismo ang magdadala sa kanila sa mismong trap eu--" naputol ang kanyang sasabihin ng linungin nya si eury na mukhang natutulog.
"I think she's tired" sambit ni rare na nakatingin din kay eury maging ang ibang miyembro.
"I'm listening, continue with the plan" sabi ni eury at nag angat ng ulo. Kumuha naman ng panali si eury at nag ipit ng sariling buhok.
"Tss, kapag papasok na tayo sa gubat ay magpapalit ka na ng anyo hanggang sa ma attract mo ang mga higanvirous" at saka nya tinapos ang pagpupulong nila.
"I'll bring my team and tamara's team, they will be my protector. Mauuna ang team nyo, clear the path way." pinal na sabi ni eury at nagpatiunang umalis para puntahan ang kapatid nya.
***
"Eury!" Masayang sigaw ni sue sa pangalan ng kaibigan at napalingon naman sila tamara sa pwesto nila."Sinaktan ka ba nila?" Tanong ni tamara sa malamig na tinig ngunit makikitaan ng matinding pag aalala sa mata.
"Ready yourselves, sasama kayo bukas. Inform your team and sue will inform my team" paalala ni eury at saka nagpaalam upang umalis.
Dumating nang alas tres ng umaga at nagsipaghanda ang grupo nila rare at skyler para sa pag alis nila dahil mahina ang vision ng mga giants sa gabi kaya naman dito sila kikilos.
"Don't let your guard down" sambit ni levin at nagsisakayan sila sa kanilang mga kabayo.
Habang sila'y naglalakbay ay may isang babaeng higante ang humarang sa kanilang daan. Hindi mawari kung anong uri ito dahil ang mga mata nya ay katulad sa mga ahas at napaka liksi nitong kumilos.
"Part ways!" Sigaw ni sue sa lahat at nahati ang kanilang grupo. Iniiwasan nila ang higanteng ito dahil sa bilis ng kilos.
"Sht! Walang kakapitan ang rope natin!" Sigaw ni dustin na nagpapalinga linga sa paligid.
"Kailangan na nating umalis" malakas na utos ni levin sa lahat na patuloy namang umiiwas sa higante.
"We can't leave this giant here! Gagawa at gagawa ito ng ingay. Mahihirapan tayo" sabi ni tamara at saka winasiwas ang kanyang espada. Gayundin ang iba pang mga frontier dahil hindi nila kayang lumapit sa leeg nito.
"Fck may isa pa! Iwas!" Sigaw ni cloud kay mika at grace na miyembro ni tamara. Agad namang nakaiwas ang mga ito.