TGS 7

18 0 0
                                    

Kinabukasan ay dumating ang paglilitis sa nangyaring laban at sa kinasangkutan nila tamara. Nasa gitna sila sue na pinapaligiran ng mga hunters at nasa bisig ni tamara si eury na wala pa ring malay.

"Eury, wake up!" Pag gising ni sue at dahan dahang minulat ni eury ang mga mata nya.

"Are you okay twin?" Nag aalalang bungad ni tamara sa kambal. Hindi alintana ang mga nakapalibot sa kanila.

"Sue? Bakit tayo pinapalibutan? Bakit nakatingin silang lahat satin.. na parang mga mahilaw tayo?" Nagtatakang tanong ni eury pero wala itong nakuhang sagot.

"Eury Parker! Tatanungin kita ng diretso. Ano ka ba? Tao o higante?!" Sigaw na tanong ni captain rios kay eury mula sa taas ng arena.

"Hindi kita maintindihan!" Naguguluhang tanong ni eury dito at kita ang kalituhan sa mga mata nito.

"Dare to play dumb? Isa kang halimaw! Madaming nakakita na lumabas at nanggaling ka sa katawan ng higante!" Sigaw ni captain rios sa pwesto nila eury.

"No way... Tao ako!" Sigaw nito pabalik pero para sa kanya ay kinukumbinsi nya ang sarili nya at naguguluhan sa nalamang impormasyon sa kanilang pinuno.

"I see! So be it... If I'm not mistaken! Wala ni isa dito ang makakapagpatunay na hindi ka isang higanteng hamilaw!" Sabi ni captain rios at inutusan nito na humanda na at ihanda ang cannon para sa pag atake sa pwesto nila eury. Sa kabilang dako naman ay kahit gustong tumulong nila nick ay di nila magawa sa takot na madamay sila.

"Sue, tamara" mahinang usal ni eury na tanging silang tatlo lang ang nakakarinig at saka nagbigay ng hudyat si captain rios para paputukan ang pwesto nila.

"Hindi ito personalan" sabi ni captain rios at nag umpisa ng magpaputok ng cannon ang mga nasa taas na bahagi ng arena at dahil sa instinct ay agad sinugatan ni eury ang sarili kaya nagtransform ang giant cell ni eury para protektahan sila na naging sanhi kung bakit sobrang usok sa pwesto nila at dahil din sa mga pagsabog.

"It's done" usal ng kanilang pinuno pero nagulat silang lahat dahil sa tumambad sa kanila ng mawala ang usok.

"Anong nangyayari dito? Okay lang ba kayo?" Nag aalalang tanong ni eury sa dalawa at walang pakealam sa paligid nya.

"Eury.. ito?" Gulat na usal ni sue sa higanteng nakita nya rin sa labanan kahapon.

"Hindi ko alam, pero pagkatapos nito nawalan na ko ng lakas. Aalis ako sa frontier at aalis din ako sa kampo" sabi ni eury ng makita na totoo ang sinasabe ng pinuno nila.

"Kung ganun ay saan?" Tanong ni sue dito.

"Kahit saan ay pwede, sa oras na maging higante ulit ako sa huling pagkakataon ay aalis ako. Wag nyo na kung tulungan at pagtakpan para di na kayo mapahamak pa" sabi ni eury sa seryosong tono at tumingin sa dalawa.

"Kung aalis ka ay aalis din ako, we're sisters you know. Wag kang mag alala kung ikabagsak man to ng posisyon ko hindi rin naman kita susundin" nakangiting saad ni tamara sa kapatid.

"Teka lang tammy... wag kang magpadalos dalos. Kung makukumbinsi ni sue ang buong hunters ngayon, pagkakatiwalaan ko sila at susundin." Pangungumbinsi ni eury sa kapatid nya dahil ayaw nyang mapahamak ang dalawang importante sa buhay nya.

"Eury? Bakit mo inaasa lahat ng to sakin?" Gulat na tanong ni sue habang prinoprotektahan sila ng higante.

"Lagi mong ginagawa ang tama tuwing nasa mabigat tayong sitwasyon kaya gusto kung ibigay ang tiwala ko sayo" sabi ni eury dito.

"Bakit mo pinagdesisyunan ang ganitong bagay?" Nagtatakang tanong ni sue.

"Madami nang nangyari hindi ba? Kung hindi mo tinawag ang uncle namin noon paniguradong kinain na kami ng kambal ko" sabi ni eury na sinang-ayunan ni tamara.

"Sue, kung may naiisip kang ideya ay susuportahan ka namin" sabi ni tamara at natahimik ito na parang nag iisip saka humarap sa kambal.

"Papatunayan ko sa kanila ang kabaliktaran. Ipakita nyo sakin na wala kayong balak traydurin ang kampo" sabi ni sue at alam nito na nakumbinsi sya ng kambal dahil buong akala nito ay wala syang kakayahan kaya naman tumango ito sa dalawa at tumakbo palabas sa higante.

"Huminto ka!" Sigaw ng kanilang pinuno kaya huminto ito sa gitna at itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko. Nagulat naman ang buong frontier leads at frontier first district.

"Hindi natin sya kalaban!" Pahayag ni sue at natakot ang karamihan sa kahangalan ni sue.

"Sinabe mong hindi sya kalaban! Patunayan mo!" Sigaw ni captain rios. Ibinaba naman ng mga hunters ang kanilang armas sa pag atake para makinig.

"Hindi na kailangan ng proweba dahil hindi ang pagiging higante nya ang problema dito kundi kayo! Madaming hunters ang saksi at madaming tao ang nakakita kung pano labanan ng mga higante si eury. Kung paano tayo atakihin ng mga higante ay ganun din kay eury and that's the fact!" Usal ni sue sa lahat at mukhang nakumbinsi nya ang mga ito.

"Humanda sa pag atake! Wag kayong maniwala sa kanya!" Sigaw ng pinuno nila kaya naman nagsihanda ulit sila sa susunod na pag atake kaya lumingon si sue sa kambal.

"Eury... tamara" tanging sambit nya at tumango naman ang mga ito na parang nagkakaintindihan at umayos ito ng tindig at sumaludo ng buo.

The Giant Slayer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon