Chapter 2

338 13 0
                                    

Tulad ng mga nagdaang araw ay maaga akong nagising. I quickly changed into my school uniform after taking a bath. Hindi na ako kumain pa at naisipan nalang na dadaan mamaya sa isang kalenderya.

Nagpaalam na ako kina manang. Tulog pa kasi sina Tita Yvonne pero nagpasabi na ako na si manang nalang ang magsabi na umalis ako.

I walked across each alley of this big subdivision. Malaki ang subdivision at sa mga interior palang ng bahay ay hindi mo makakaila na mayayaman ang nakatira.

It took me 40 minutes until i reached Aling Bebang's kainan.

"Ate, isang kanin po saka dalawang serve ng adobo." Agad naman akong nilingon ni aling bebang.

"Take out ba, ineng? O dine in?" Napatawa naman ako. Sosyal ni aling bebang ah.

"Dito ko na ho kakainin." Binayaran ko na ang binili ko at dumeretso na sa pinakadulong upuan kung saan malapit ako sa electric fan.

Habang kumakain ako ay nakikita ko ang mga estyudante na kaparehas ko ng uniform. Each student with this uniform had their own luxury to show off. May kanya-kanyang hawak ng mamahalin na inumin habang ang iba naman ay di sasakyan pa kung maglalakwatsa. Some even had, large diamonds and gems hangging in their ears. Napailing naman ako.

I never tried dressing like that. Or as they say, dress to impress. Because strictly i was raised to know the real worth and importance of money. Hindi madaling humanap ng pera.

"Sabaw, ineng. Gusto mo?" Tumango naman ako at nagpasalamat.

Ng matapos akong kumain ay dumeretso na ako sa school. Binati pa ako ni manong guard.
This school is a really large school, iisa na kasi ang elem hanggang college.

Dumeretso na ako sa classroom. Pagbukas ko palang ng sliding door na pinto ay agad akong sinalubong ng iba't-ibang amoy. Not body odor, okay? What i mean is perfume.

Matatapang ang amoy ng mga yun, at alam mo talagang may kamahalan iyon. Everybody calls this section, The Elites.

Kasi sa room nato halos nakapaloob ang mga anak ng mayor, business man, artista at ang iba ay sila mismo ang celebrity. While me? Nakapasok lang ako dito dahil sa impluwesiya ni Tita Yvonne. They also call me here "Ozias Baby Sister." And i hate it.

Umupo ako sa upuan na nasa gitna ni Nike at Beana. And for this two, anak mayaman na talaga sila. Nike is the eldest son of The worlds largest supplying oil company. While, Beana is the daughter of our former Miss Universe.

"Hey, bakit ngayon ka lang?" Nilingon ko naman si nike saka pinakita sa kanya ang braces ko.

Kumunot pa ang noo niya.

"What about that?" Aniya. Tumawa naman ako at humilig sa upuan ko.

"I tried eating bulalo at my favourite place. Kaso masakit pa rin pala siya, two weeks na kasi, ng ipalagay to." I said while trying to hold the brackets of my braces. Hinila naman ni nike yung kamay ko.

"Kadiri ka. Di ka pa siguro naghuhugas." Inirapan ko lang siya saka naman kinuha ang wiped sa bag ko at pinunasan ang daliri ko.

"Hindi ba tumatawag sayo ang ate mo?" Umiling naman ako.

"This week she's quite busy with her shop. Saka ayaw ko na muna silang disturbohin, she has her own life too. Tama nang sinuportahan ako nila with my studies and all these." Tumango naman si Beana.

Maliban sa iba kong kapamilya, nike, abby and beana are the ones who know about my situation.

"After this school year, saan mo balak pumasok? Maybe ateneo? UP? UST? Brent? Or maybe abroad?"  Napaisip naman ako sa sinabi ni nike.  Yeah, ito na ang last year namin and after 2 years I'll be going to college.

"Siguro kung kaya ko, I'll choose UP or UST, pwede ring Ateneo. Depende na sa kung saan kaya ng utak ko." Saad ko then i shrugged. Naramdaman ang mahinang pagpalo sakin ni Beana.

"Nahiya rin ako sa utak mo." She said then she rolled her eyes. Napatawa naman ako.

Maya-maya ay pumasok na si Prof. He's in his usual white polo tucked inside his black pants paired with black leather shoes and finishing of with his gold Rolex and his gold piercing.

"Laway mo sis." Asar ni Beana habang kunwari ay sinasalo ang imaginary laway ko. Inirapan ko siya saka kinuha yung MacBook ko.

Nang-aasar na tiningnan niya ako saka sinundot-sundot pa yung pisngi ko. At dahil, dakilang pikon ako ay umurong ako palapit kay Nike saka binelatan si Bea.

"Miss Valuencia, whats with your noises?" Galit na ani ni prof.

Kaya naman halos lahat ng kaklase ko ay tumingin sa akin. They were eyeing me badly.

"Boom! Barado ka ng kuya mo." Rinig ko pang bulong nitong impaktang katabi ko kaya patago kong kinurot si Beana.

"Wala po, sir. Sorry po." Ani ko sabay yuko. I even heard nike's soft chuckle.

"Burn." Bulong niya sakin. Inirapan ko lang siya.

"Goodmorning, class. I'm Moie Ozias Estevan. I'm a BS- biology student. And currently, im in my second year in college. Due to Ms. Buencita's absence, I'll be her replacement for today. So that means, i will be your science teacher for today. So, are there questions?" Tanong niya.

Halos naman lahat ng babaeng population sa classroom ay nagtaas ng kamay.

"Yes, you lady in blue." He randomly pointed out.

Tumayo naman ang babae saka malanding ngumiti.

"Sir, how old are you? And are you single?" Nakita ko naman siyang tumawa.

"I'm 20 at the moment and yes, i am single." Narinig pa namin ang mahinang tili ng babae bago ito umupo.

"Yes, how about you?" Turo na naman niya sa isang chinese na babae.

"Sir,kailan niyo po balak magpakasal?" He laughed at the question.

"Siguro kung kailan na handa yung babaeng mamahalin k0." Nakarinig pako nb tilian. Napairap naman ako.

"Sus, bitter." Komento pa ng katabi ko.

Madami-dami pang nagtanong sa kanya at ang iba ay halos napakalayo na ng mga tanong.

"Okay last one."

Nagulat ako ng hilain ni Nike and upuan ko paatras at kinurot ni Beana ang tagiliran ko kaya sapilitan akong napatayo. Napatingin namna agad sakin si Moie.

"Yes, Ms. Valuencia?" Napakamot naman ako sa noo ko saka masamang tumingin sa dalawang katabi ko.

"How can you ensure us that you are capable of teaching us the necessary things to be learned without it being meddled with non-related topics,sir?" Tila ba may ginawa pa akong masama dahil sa masasamang tingin na pinukol sa akin ng mga kaklase ko. What?

Nilingon ko si Moie and just like me ay nakataas rin ang kilay nito. Taray ka sis?

"Don't worry, Ms. Valuencia, i don't mix my work with my personal business. So let's start." Anito bago tumalikod at nagsulad sa white board.

Nang makaupo ako ay nagfist bump pa ang dalawa sa harapan ko.

"Galing mo, ah. Wag kasing selos ng selos. Tingnan mo tuloy yung tanong mo, nag-ala questioner pa." Natatawang saad ni Beana.

Umirap lang ako sa kanya saka badtrip na nakinig sa mga tinuturo ni moie.

Badshot tuloy ako kay crush!

The Girl Who Can't Be MovedWhere stories live. Discover now