"HOW MANY TIMES DO I HAVE TO TELL YOU THAT I DONT WANT ANY OF THIS PIECE OF TRASH!" Napayuko nalang ako habang tinitingnan ko ang cake na pinaghirapan ko para kay Ozias.
The beautiful looking Cookies and Cream Icecream cake now looks like a piece of trash habang paulit ulit iyong inaapakan ni Ozias.
Lumuhod ako sa paanan ni Ozias para sana kunin at pulitin ang isang bagay na sinama ko sa cake. Ngunit mabilis na hinila ni Beana ang kamay ko.
"Gaia ano ba!" Mabilis nila akong naiangat. Nagpumiglas ako saka sinubukang pulutin muli ang bagay na iyon.
Abot kamay ko na sana iyon ng may matipunong braso ang yumakap sa bewang ko at inalis ako doon. Natatabunan na ng mga luha yung paningin ko. Pero kailangan ko yun.
Sinubukan kong magpumiglas pero dahan dahan kong naramdaman ang hilo at maya maya ay unti-unti ng nawawala ang mga tao sa paningin ko hanggang sa tuluyan ng mangitim ang lahat.
Nagising ako na nakapalibot sila sa akin. Pinapaypayan ako ni Abby habang si Beana ay sinusubukang talian ang buhok ko. Biglang pumasok si Nike na masama ang tingin sa akin.
"What we're you thinking in doing that stunt? Hindi ka ba nagiisip? You fainted because of exhaustion. Hindi mo man lang ba kinonsidera yang puso mo? You have a weak heart, gaia! At isang sakit pa niyan baka tumigil na yan sa pagtibok." Umiwas nalang ako ng tingin saka sinubukang umupo ng maayos.
Narinig ko pa ang malalim na buntong-hininga ni nike. Maya-maya'y umupo siya sa gilid ng kama.
"Gaia, im doing this because I love you, not only me but us. Maraming nagmamahal sayo. And you risking your life like nothing is heartbreaking? Paano nalang kami, ha?" Saad niya saka hinaplos ang buhok ko. Nilingon ko naman siya saka nagpeace sign.
"That was just exhaustion. Not merely a heart attack. So there's no problem." Ani ko.
Napailing nalang siya saka tinulungan akong umupo ng maayos. Nakita kong kumuha si Abby ng extrang damit. Binigay niya sa akin.
"Bihis ka muna." Tumango naman ako at dahan-dahang bumaba sa kama. Nike helped me.
Pumunta ako sa banyo at nagbihis. At ng makapagbihis ako ay agad naman akong lumabas. I feel much better now.
Umupo ulit ako sa kama at pumikit sandali at muling dumilat. Umupo ako sa kama at tinitigan silang lahat.
"Sorry." I guiltily said.
Sabay naman nila akong niyakap lahat except for nike. Na Masama parin akong tinititigan.
I looked around and notice na nasa loob kami ng clinic. Nilapitan ko ang mga gamit ko na nakalapag sa lamesa, akmang aalis na sana ako ng hilain ako ni nike.
"Where are you going?" Tanong niya.
I smiled at him and poked his nose. Kumunot naman agad ang ilong niya. Ang cute!
"Uuwi nako." Ani ko. Kinawayan ko na sila at lumabas ng pinto.
Dumeretso na agad ako sa gate at nagsimula ng maglakad. Malapit lang naman ang bahay sa school. It would only take 20 minutes to reach the house.
Ng makita ko ang asul na malaking gate ay napalunok ako. The feeling i felt suddenly came back. Humarap ako sa surveillance camera at maya-maya naman ay bumukas ito. Sinalubong naman agad ako ni manong guard.
"Ang aga niyo naman ho ata, Ma'am gaia."
"Umalis po ako." Ani ko sabay alis na.
Sinalubong naman agad ako ng sandamakmak na kasambahay. Indeed this house was big. Its not just big, it's enormous. Kung susukatin ko to ay halos sobra pa ang sukat nito sa isang mall. Hindi nako magtataka. They're rich anyway.
Ng makapasok ako ay nagsiyukuan sila. Sabay-sabay pa nila akong binati. Dumeretso naman ako paakyat sa hagdan. Hindi pa nangangalahati ang akyat ko ng salubungin ako ni Tita.
"Hija, you're home." Bineso-beso niya ako bago niya tiningnan ang kabuohan ko.
"Okay ka lang ba, hija? Did something happen in school?" Saad nito ng may pagaalala.
Umiling nalang ako at duneretso sa aking kwarto. Nang makapasok ako ay agad akong humilata sa kama. Yes, i am home. But the feeling is still foreign.
Malaki ang kwarto na ito sa nakasanayan kong kwarto. This room has its own refrigerator, sala set, television, walk-in closet and even a huge bathroom to start with. Umupo ako at tiningnan ang sarili ko sa malaking vanity mirror na nasa harap ko. This is not me.
Tumayo ako saka pumasok sa walk-in closet. I chose to wear a simple navy blue v-neck shirt and paired it black leggings. Tinali ko ang mahaba at straight kong buhok. May ilang hibla pang kumawala papunta sa mukha ko.
Lumabas na ako at dumertso sa kusina. Sinalubong ako ni manang at agad naman siyang ngumiti sa akin.
"Gutom ka ba, ineng? Gusto mo lutuan kita ng paborito mo?" Nangingiting tumango naman ako.
Tinulungan ko si manang na ihanda ang mga sangkap. Ako na rin ang nagslice ng mga gagamitin. Maya-maya ay nakarinig kami ng pagsirado ng pinto. Bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko at napatigil ako sa paghihiwa ng mga sangkap. Napansin rin ata ni manang ang pagtigil ko.
"Okay ka lang, hija?" Tumango naman ako at pinagpatuloy ang paghihiwa.
Ng matapos ako sa lahat ng dapat hiwain ay pinaupo nalang ako ni manang at hinayaan na siya na magluto.
I looked down at the marble table that i am at. I intertwined my hands and started to think kung ano ang maari kong sabihin sa kanya. Maybe i should tell him that i was just joking? Or maybe that it was just a misunderstanding? At ng mapagtanto ko ang sasabihin ko ay umalis na ako. Only to be startled at the person who's standing near the kitchen corridor.
He looked dashing in his PJ's. The white sando defined his muscular body. Dagdag mo pa na mas pinapakintab ng kulay ng pajama niya ang kutis niya. Kahit naman siguro dahon ng saging ang ipasuot mo sa kanya ay agaw pansin parin siya.
"Oh, hijo nandito ka na pala. Hija, nandito na ang kuya mo. Bakit pala hindi kayo sabay na umuwi anak?" Salubong agad ni tita sa anak.
He coldly looked at me before looking at his mom.
"Maaga atang umuwi si gaia. I heard she had her stomach aching." Anito bago umalis sa kusina.
Nagaalalang lumapit si tita sa akin at hinawakan ang tiyan ko. I smiled and told her its okay.
Lumabas na ako at tiningnan kung nasaan ang lalakeng yun. Siguro naman nasa labas na siya.
Luminga-linga ako para hanapin kung saan siya.
"Who are you looking for?" Napaigtad pa ako ng marinig ang boses niya.
Nilingon ko siya at buong puso kong ningitian.
"How was your day? Okay lang ba? Gutom ka ba? May ka———." He cut me off even before i can even finish my words.
Tinitigan niya ako ng masama bago mapalitan iyon ng pandidiri.
"I know my moms very fond of you. And she will be always be there everytime you whine but remember this, not because they made you live here, makes you apart of us. And please, can you keep your own distance. It's irritating."
He spat those words like venom. Slowly burning and killing my heart. And it also reminded me.
I'm not part of this family.