KINABUKASAN ay balak ko sanang daanan si Kath sa bahay nito kaso ay nagtext ito na may biglaang lakad daw. Hindi na ako nag-usisa dahil naisipan kong ngayon ko na kakausapin ang Kuya Miggy ko.
Pinuntahan ko ito sa Manila Doctors Hospital. Hindi yata nito nabasa ang text ko dahil nagulat ito nang makita ako. Pagod ang hitsura nito, marahal ay kakatapos lang nang night shift nang kapatid ko. Mas lalo tuloy akong nabahala sa mga sasabihin ko dito.
"Is everything okay?." masuyong tanong nito sa akin. Puno nang pag-aalala na nakatingin ito sakin, dahil alam naman nito na hindi ko ito kikitain kung hindi importante ang pakay ko.
Nakaupo kami ngayon sa isang cafeteria na malapit sa ospital na pinapasukan nito. Parehas kaming omorder nang black coffee.
"I need to tell you something Kuya... maiintindihan ko kung magagalit ka." nakatungong sabi ko dito nang makaupo na kami.
"Look at me Bonifacia... what is it about?."
Mahal ko ang Kuya Miggy ko, kahit ano pa ito ngayon ay hindi magbabago ang pagtingin ko dito. Ito lang ang Superman nang buhay ko. Never kaming nag-away nito, minsan syempre nagkakatampuhan pero normal lang naman iyon sa pagkapatid. Never din itong naging madamot sa akin. Ito ang naging Nanay at Tatay ko nang mawala ang mga magulang namin sa murang edad.
Ngayon na ako nakakaramdam nang sobrang pagsisisi sa lahat. Paano nalang pala kung si Liam talaga ang boyfriend nito at hindi si Ricky?. Ibig bang sabihin ay talagang masisira ko ang relasyon nang mga ito?
"Bonifacia?..."
"Kuya kasi... Matagal nang alam ni Lola Serina ang tungkol sayo..."
Natigilan ito. "Paano?."
"Hindi ko alam, basta isang araw sinabi nalang nya sakin ang lahat."
"You mean nung time na nag-usap tayo ay alam mo na noon ang lahat?."
"Opo..."
"Why didn't you tell me then?." may pagtatampo ang tono nang boses nito.
"Kasi Kuya natakot ako."
"Natakot saan?."
"Sayo..."
Tumawa naman ito sa narinig kong sagot. "At bakit naman?."
"Kasi nalaman din ni Lola na may karelasyong kang lalaki."
Sumeryoso naman ang mukha nito. "Then?."
"Sinabihan nya akong gumawa nang paraan para paghiwalayin kayo nang bf mo."
"At?.."
"I mean nagawa ko na naman."
"May relasyon kayo ni Ricky?.."
"Kuya hindi po, wala kaming relasyon."
"I don't get it Bon.."
"Maling impormasyon ang binigay sa akin ni Lola. Ang buong akala namin ni Lola ay si... si Liam Andrada ang boyfriend mo."
Naglaki ang mga mata ni Kuya sa narinig. "Don't tell me?..."
"Yun na nga po, walang kaalam - alam si Liam. Natatakot nga ako Kuya kasi alam kong magagalit sya."
"I can help you. Do you want me to tell him?." seryosong tanong nito. "Kaibigan namin sya ni Ricky. Actually sila talaga ni Ricky ang magkaibigan tapos , pinagpakilala nya kami sa isa't-isa."
"Now I know... I was fucked up, akala ko talaga total stranger sya."
Napabuntong-hininga naman ito. "Mabuti naman pala at nagkamali kayo, I can't believe it Bonifacia. Mali yung naisip nyo alam mo ba yun?."
BINABASA MO ANG
Never Gonna Let You Go | Completed
Любовные романы"Posible kaya? Bahala na! Kailangang mafall ka sakin Liam Andrada.!" *** Kailangang mailayo ni Bon ang kapatid na lalaki sa kasintahan nitong si Liam, dahil narin sa kahilingan nang kanyang Lola Serina. Sa pag-aakala na tama ang taong sinabi nang ka...