Chapter 14

1.2K 36 0
                                    

HABANG naglalakad ako papasok nang Avida Towers ay napaigtad ako nang makita ang nakangiting si Clyde na nakaupo sa may lobby.

Tumayo ito at sinalubong ako. "Clyde?...what are you doing here?." takang tanong ko.

"Naniningil.." nakangiting saad nito.

"Ahhmm...kanina ka pa?."

"Hindi naman, I did call earlier pero mukhang busy ka kaya naman inabangan nalang kita dito."

Hindi ko alam kung papapasukin ko ito sa unit ko o hindi. Naisip ko na mas maigi kung sa labas nalang kami nito mag-uusap. "Pasensya na, as much as gusto kitang papasukin sa loob nang condo ko, medyo makalat eh." pagdadahilan ko nalang.

"Tha't fine, alis nalang tayo for dinner, okay lang?."

Gosh! Medyo rude naman siguro kung tatanggi ako, saka may utang naman talaga akong dinner dito.

"Sure..let's go?."

"Great!." masayang saad nito. Itinuro nito sakin ang sasakyang dala at dali-dali itong naunang maglakad konti para pagbuksan ako nang pinto.

"Thanks.." nasabi ko nalang.

Nagpark ang sasakyan nito sa isang Italian Restaurant. Nakakatuwa dahil napakagentleman nito dahil pinagbuksan na naman ako nang pinto at pinaghila pa nang upuan nang marating na namin ang pangdalawahang lamesa.

Hinayaan ko nalang si Clyde na umorder nang pagkain para samin.

This is just a friendly date! Pilit kong tinatatak yun sa utak ko dahil medyo nakakaramdam ako nang guilt at pagkamiss. Yes pagkamiss, dahil si Liam ang nasa isip ko ngayon.

"You okay?.." malambing na tanong ni Clyde sakin.

"Yes...so kumusta kana?." naisip ko nalang na itanong.

Masayang nagkwento si Clyde tungkol sa mga nangyayari sa buhay nito ngayon. Kahit nang dumating ang pagkaing inorder nito ay tuloy parin ang pagkukwento nito. Panay din ang pagjojoke nito kaya naman madalas ay napapahalakhak ako.

May times pa nga na napapatingin ang mga tao sa ibang table dahil sa lakas nang pagtatawanan namin.

"So..enough about me..ikaw kumusta kana?." maya-maya ay baling na nito sakin.

"Ayun pagkatapos ko makagraduate, tinayo namin ni Ker ang Yates bar.."

Ngumoso ito. "Ker?."

"Ex ko..yung bar namin...dyan lang sa Makati."

"Hhmmm...I would love to visit you one of these days." uminom muna ito nang tubig bago magsalita ulit. "I have another question though, a bit personal." at tumitig ito sa mga mata ko.

Tumikhim ako. "Ano yun?."

"May boyfriend ka ba ngayon?." sinalubong ko ang mga nangungusap nitong mga mata.

"Yes..he's name is Liam."

Napansin kong natigilan ito. "You don't mean Liam Andrada right?." pagkaklaro nito. Napansin ko din ang konting galit sa mga mata nito.

Ako naman ngayon ang natigilan. Kilala nito si Liam?

Marahan nalang ako napatango. Ibig sabihin ay magkakilala ang dalawa?

"Well, we don't really know each other...I mean I know him, he don't know me..probably."

Sa nababasa ko sa mukha nito ay parang hindi nito gusto si Liam. Ano naman ang ibig sabihin na kilala nito si Liam, pero si Liam ay hindi sya kilala? Pero malamang dahil nang banggitin ko ang pangalan ni Clyde kay Liam ay mukhang wala talaga itong alam.

Never Gonna Let You Go | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon