Chapter 21

1.2K 28 3
                                    

HINDI ko talaga mapigilan ang sarili ko na mainis nang makita ang pangalan ni Tessa sa cell phone ni Liam. Sabihin nang mababaw ako pero kahit ako ay hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. At ang mokong parang wala atang balak magpaliwanag sakin. Teka magpaliwanag? At bakit naman Bon?

"Masarap ba ang luto ko?." basag nito sa tahimik naming pag-aalmusal.

"Well what can I say about bacon and egg Liam." mataray na saad ko.

"Listen, matagal na kaming walang kumunikasyon ni Tessa, hindi ko alam kung bakit tinawagan nya ako."

"I'm not asking..."

"I know, pero halatang galit ka parin kay Tessa hanggang ngayon. Matagal ko na syang hindi kinakausap same with Elisse."

Nagtaas ako nang tingin at agad namang sinalubong ni Liam ang matalim kong pagkakatitig dito. "At hindi ka na galit sa kanya?."

"Nothing happened Bon..."

Napakunot ang nuo ko sa sinabi nito. "What do you mean?." bigla-bigla ay lumakas ang tibok na puso ko, na para bang kahapon lang nangyari ang nasaksihan ko na katabi nito si Elisse sa iisang kama.

"It was a set up. Wala talagang nangyari samin ni Elisse, inamin sakin yun ni Elisse at Tessa. You didn't even give me a chance to explain myself that day, basta mo nalang akong iniwan."

Sa narinig ay ramdam ko ang sakit na naramdaman nito nang basta ko nalang itong tinakasan. Parang gusto kung sampalin ang sarili sa nalaman ko nang mga oras na yun. For 2 years buong akala ko ay niloko ako nito, ang lakas pa nang loob kong magalit at pagsungitan ito.

"I'm... I'm sorry..." nagbaba ako nang tingin dahil bigla ay hindi ko kayang magkipagtitigan dito. And now the table turns, I now owe Liam an explaination. Pero paano? paano ko ipapaliwanag dito na sa labis na sakit nang nakita ko ay naging sarado ang utak at puso ko para sa kanya noon.

"Well, that's all in the past now Bon... bumawi ka nalang sakin."

Napangiwi ako sa sinabi nito. Parang alam ko na ang ibig nitong sabihin sa salitang bumawi. "Mmmm...may tanong nga pala ako..." hindi ko alam kung tama bang itanong ko ito.

"Ano yun?.."

"Hmm... hindi ka naman siguro celibate habang wala ako diba?." napansin kong natigilan ito sa tanong ko.

"To be honest, I was.. halata naman siguro nung time na may nangyari satin sa kasal nina Kath."

Gustong kong pigilan ang sarili ko na ngumiti, pero mukhang nahalata parin ito ni Liam. "Really Bon?.." parang naiirita nitong tanong sakin.

"I'm sorry...babawi naman ako diba..." sa narinig ay parang nagliwanag agad ang mukha nito. Oh my Liam Andrada.

"I'll hold on to that then..." pilyo itong nakangiti habang kumakain.

"So ano naman kaya ang kailangan sayo nang butihin mong kababata?."

"Leave it, wala naman akong balak sagutin ang tawag nya."

"Good boy..." malambing ko saad dito. At ngumiti naman ang mokong nang napakatamis sakin. "Good boy talaga ako...babawi ka pa sakin eh."

"Exactly..." sabay kindat ko dito.

That's right. Babawi ako kay Liam, pasalamat talaga ako at hinintay pa talaga ako nito sa loob nang dalawang taon na hindi ako nagpakita sa kanya.

***

PAGKAPASOK na pagkapasok ni Liam sa loob nang cafe nya ay nakita na nya si Tessa na nakaupo at mukhang hinihintay sya. Tumikhim sya para kunin ang atensyon nito, dahil mukhang malalim ang iniisip nang kababata.

Never Gonna Let You Go | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon