Chapter 12

1.2K 41 0
                                    

HINDI pa oras para pumunta ako nang Yates pero no choice nako. Tumambay nalang ako sa loob nang office ko. Marahil ay by this time nakuha na ang kotse ko nang mekaniko na tinawagan ni Ker.

Kahit kailan talaga hindi na nagsawang ayusin ni Ker ang buhay ko. And I don't have the guts to say no dahil lagi namang tama ito. Naputol ang pag-iisip ko nang kumatok si Marco. Nang makapasok ito ay may dala itong paper bag. Maaga ring pumasok sina Marco at Josh dahil may rehearsal ang mga ito.

"Ano yan?." tanong ko dito pagkakita sa dala-dala nito.

"Food, nagpadeliver kasi si Ker." sagot ni Marco sa tanong ko at inilapag ang dalang paper bag sa mesa ko.

Aakmang lalabas na ito nang humarap na naman ito sakin." Oh by the way, your guy is outside.."

Natigilan ako. Guy? Sinong guy? Si Liam?

"Si Liam?..."

"Bakit may iba ka pa bang guy?.." nakangisi ito. Inirapan ko ito at agad na lumabas nang office ko. Si Marco ang pinakamaloko sa mga kaibigan ni Ker. Mabait naman ito kaso ay talagang malakas lang ito mang-asar minsan.

Nang pababa nako nang daghan ay agad kong nakita si Liam na kausap si Ker. Mukhang parehas na hindi maipinta ang hitsura nang dalawa.

"What are you doing here?." tanong ko kay Liam.

Nagbago agad ang ekspresyon nang mukha nito nang makita ako. Nangungusap ang mga mata.

May sasabihin pa sana si Ker nang hilahin ko ang kamay ni Liam palabas nang bar.

Agad kong binitiwan ang kamay nito nang makalabas na kami at hinarap ito.

"Ang bilis mo naman atang nakabalik galing nang Tagaytay?." nakataas ang isang kilay na sabi ko. Gusto kong ipaalala at isaksak sa marupok kung puso na galit ako dito.

Sana lang makisama ito! Please lang heart makisama ka!

"Hindi ako tumuloy..." mahinang sagot nito. Nakatitig parin ito sa mga mata ko.

Shit! Bakit ba hindi ko magawang magalit dito?

"So? bakit nandito ka? Ang pagkakaalam ko wala na tayo dito?."

Lintik lang ang walang ganti!

Lumapit pa ito sakin na dahilan para mapaatras naman ako. "Ano ba?.."

"I came back because I miss you.." malambing nitong saad at hinawakan pa ang pisngi ko.

"Oh talaga? Bipolar ka ba? Kanina lang tinataboy mo ako...tapos ngayon."

"Please forgive me Bon..." sabay akmang hahalikan ako nito nang umiwas ako.

Nakagat nito ang pang-ibabang labi sa ginawa ko, at lihim akong napangiti dahil dun.

Ang cute lang! Kaya ko pa palang magpakipot dito?

"Umalis ka na.. istorbo ka sakin eh." pagkukunwari ko.

Napansin kong nasaktan ito sa sinabi ko. Pero engot naman ako kung agad ko itong babawiin.

"Okay fine, iiwan na muna kita ngayon. But you can never get rid of me." pagkasabi non ay tumalikod na ito at agad na nagpara nang taxi.

Napabuntong-hininga nalang ako nang makasakay na ito sa taxing nakuha.

Buong gabi akong nasa bar, bored na bored ako. Dahil wala naman talaga akong ginagawa dito, aakyat na sana ako sa office ko nang biglang magring ang cell phone ko.

Agad akong kinilig nang makita ang numerong hindi naka save sa contacts ko. Isa lang naman ang taong nabigyan ko nang number ko kamakailan.

"Hello?."

Never Gonna Let You Go | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon