Chapter 25

1.3K 38 1
                                    

BIGLA akong nagmulat nang mga mata ko nang maramdaman na parang hinahalukay ang tiyan ko. Dali-dali akong bumangon at tumakbo papuntang banyo.

Parang wala naman akong maalalang nakain na hindi maganda kahapon, para sumama ang tiyan ko?. Grabe naman, parang ang dali naman na ata masira ang tiyan ko ngayon? Natanong ko nang maalala kung ilang beses nakong gumising sa umaga na parang nasusuka.

Pagkatapos kong sumuka ay agad akong nagtoothbrush. Nanghihina parin ang katawan ko nang bumalik ako sa higaan. Gusto ko pa sanang matulog ulit pero nawala na talaga ang antok ko.

Nang maramdaman ko na medyo umayos na ang pakiramdam ko ay bumangon ulit ako at naligo. Pagkatapos magbihis ay bumaba nako papuntang kusina para makapag-almusal.

Napatanga ako nang makita si Liam na nakatalikod at nagluluto. Mukhang kanina pa ito dito sa loob. Noong nakaraang araw lang ay pinilit ako nitong ibigay ang isang susi nang bahay ko, para daw makapunta ito sa bahay ko kung kelan nya gusto. Hindi nako umanagal sa trip nito. Tumikhim ako para mapansin ako nito.

"Babe!...gising ka na pala. Have a seat... malapit natong maluto." Masayang bati nito sakin. Binitiwan muna nito ang hawak na spatula para lumapit sakin at humalik pero agad kong iniwas ang mukha ko dito.

"Lumayo ka nga sakin..." sita ko dito. Di hindi man lang ako nakaramdam nang awa dito nang makita ko ang lungkot sa mga mata nito at pagkagulat sa pinakita ko.

"Babe, bakit? May nagawa ba ko sayo?..." akmang lalapit na naman ito sakin. Pero mabilis kung naiiwas ang sarili ko. "Please lang umalis ka na. Ayaw kitang makita...naiirita ako sa mukha mo." nakasimangot na sita ko dito.

Napatanga naman ito sa narinig. Mukhang hindi ito makapaniwala. "Babe, ba't ka naman ganyan...sa gwapo kung to..naiirita ka sakin? Bon naman..." mukhang wala talaga itong balak na umalis.

"Please, leave! Saka sino namang may sabing gwapo ka?!." naiiritang singhal ko dito. "Alis na..para makakain nako nang almusal ko."

"Seryoso ka talaga babe?." pagmamakaawa nito sakin.

"Seryoso ako. Sige na, wag kanang pagpacute dyan. Alis!." Lumingon ito sa niluluto nito. "Hindi pako tapos,.." mahaba ang nguso na sabi nito.

Lumapit ako sa niluluto nito at kinuha ang binitiwan nitong spatula kanina. "Ako na ang bahala dito."

Ni hindi ko man lang ito nilingon nang inumpisahan ko nang ipagpatuloy ang niluluto nitong fried rice. Ilang minuto lang ang lumipas ang narinig ko na ang mga yabag nito na papalayo, at napabuntong-hininga nalang ako nang marinig ang pagsara nang pintuan nang bahay ko. Liam did really left, ngayon naman ay parang namimiss ko naman ito.

Habang nagluluto ay hindi ko rin maiwasang mapaisip sa inasal ko kay Liam nang makita ko ito. Talagang naiirita lang ako sa pagmumukha nito, pero nakaramdam naman ako nang inis nang umalis nga ang loko. Hay! Ano ba talaga Bonifacia?!

***

NAPAMURA si Ker nang mapagbuksan sya nito nang pintuan. Wala na itong nagawa at pinapasok nalang sya nang kaibigan. "Ang aga mo namang mangapit-bahay, at para lang sa kaalaman mo. Hindi ako makikipag-inuman sayo." Pagkaklaro agad nito sa kanya nang maka-upo na sya sa may sofa nito.

Napabuntong-hininga si Liam sa sinabi nito. "May problema ako Ker."

"Sabi na eh...hindi ka naman pagpapakita sakin kung wala. At uulitin ko sayo Li, hindi nako makikipag-inuman sayo."

Nairita sya sa pinagsasabi nito. "Oo na! Hindi naman kita yayayaing uminom. Paulit-ulit ka pa!." singhal nya dito.

"Ano na naman ba kasi ang nangyari sa inyo ni Bon?." tanong nito at umupo sa sofa na nakarahap kay Liam. "Inassume ko na si Bon ang problema mo. Sya lang naman ang nakakapagpaganyan sayo."

Never Gonna Let You Go | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon