KAMPANTE akong nakaupo sa may Starbucks Greenbelt, habang inienjoy ang aking Iced Caramel Macchiato. May usapan kasi kami ngayon ni Kath na magkikita. Mga ilang araw narin kaming hindi nagkikita ito, ang dami ko pa namang ikukwento dito.
Agad kong kinawayan si Kath nang makita ko itong papasok sa may entrance. Humihingal ito nang makaupo, kinuha pa nito ang mineral water ko na nasa lamesa at ininom.
"Oh okay ka lang? Parang may humahabol sayo..."
Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita. "My god! talagang may humahabol sakin. Buti na nga lang nailigaw ko sya."
"Ha? sino ba yung humahabol sayo?." napatingin-tingin tuloy ako sa may glass wall nang coffee shop.
"Si Jake..."
Napaisip ako sa pangalang binanggit nito. "Jake? as in Jake Villianco? yung ex mo?."
Si Jake Villianco ang first love ni Kath. Naging mag-on ang dalawa nang nasa high school kami ni Kath. Ang kaso naghilaway ang dalawa sa mismong araw nang graduation namin. Masyado kasi babaero si Jake, nalaman ni Kath na may pinopormahan itong ibang babae. Pagkatapos non ay hindi na nagkita ang dalawa dahil magkaiba namang university ang kinuha nila nong college.
"Oo..sya nga." pairap na sabi nito.
"O eh bakit ka naman nya sinusundan?." takang tanong ko. Actually bagay na bagay ang dalawa noon, isa nga ako sa mga nalungkot nang maghiwalay ang dalawa.
"Nagkita kasi kami ulit nung isang linggo, ang loko isa sya sa mga model na featured sa magazine namin."
Tinignan ko ito nang mapanuksong tingin. Mukhang nagets naman nito ang ibig kong sabihin.
"Wala nakong gusto sa kanya no!."
"Boses mo naman Kath, depensive ka masyado."
"Kasi naman, ang kapal nang mukha! Sinabihan ba naman ako na kung wala akong boyfriend ngayon eh baka daw pwede kaming magdate?!."
Natatawa ako dito. Mukhang naiinis ata talaga ito sa ex, si Kath kasi yung tipo nang tao na hindi madaling mainis o mapikon. Kaya kung galit ito, eh talagang galit ito.
"Ano namang sinabi mo?."
"Syempre sabi ko hindi, ang kapal nang mukha..akala mo walang atraso sakin."
"So inistalk ka nya ngayon, ganun ba?."
"Ganun na nga, parang timang...hindi ko alam kong pano nya nalaman ang address ko pati yung cell number ko." nakasimangot na reklamo nito.
"Ano kayang meron ngayon sa earth, bakit nagbabalikan ang mga past natin?." nakapangalumbaba kong saad.
"Bakit anong meron sayo?."
"Naalala mo si Clyde Sarmiento?."
Nanlaki nang mga mata ni Kath. "Bakit nakita mo sya?."
Agad kong kinuwento kay Kath ang lahat nang nangyari samin ni Liam at ang tungkol sa pagkakabangga ko sa sasakyan ni Clyde.
"Anong gagawin mo kapag nanligaw sayo si Clyde?." inosenteng tanong ni Kath sakin pagkatapos.
"Gage, hindi ako liligawan non." nakakatawa naman kung nagkita lang eh liligawan na agad.
"Eh pano nga kung ligawan ka?." nakangisi na ito ngayon, nakalimutan ata nito saglit si Jake.
"Syempre basted, taken nako no. Saka mahal ko si Liam."
"Hmmm...sabagay.."
PAGKATAPOS nang kwentuhan namin ni Kath sa Starbucks ay dumiretso nako sa bar. Si Kath naman ay may dadaanan pa daw na kaibigan bago umuwi nang bahay. Ilang beses pa nga ito palingon-lingon bago sumakay nang sariling sasakyan. Baka daw kasi sundan na naman sya ni Jake.
BINABASA MO ANG
Never Gonna Let You Go | Completed
Roman d'amour"Posible kaya? Bahala na! Kailangang mafall ka sakin Liam Andrada.!" *** Kailangang mailayo ni Bon ang kapatid na lalaki sa kasintahan nitong si Liam, dahil narin sa kahilingan nang kanyang Lola Serina. Sa pag-aakala na tama ang taong sinabi nang ka...