Chapter 9

1.2K 39 0
                                    

NANG makapasok na si Liam nang Dorahli Cafe ay agad syang nilapitan at binati nang isa sa mga staff nya na si Liezel. "Sir Liam may bisita po kayo sa office nyo..." nag-aalalang balita nito sa kanya. "Sino?." takang tanong naman nya. Wala naman syang inaasahang bisita ngayong araw na yun.

"Bakit naman pinapasok nyo sa office ko?." iritadong tanong nya.

"Nagpumilit po sya eh. Babae po... hindi naman po nagsabi nang pangalan. Ang sabi lang po close daw kayo."

Bahagya syang napangiti. Naisip na baka ay si Bon ang bisita nya. "It's fine...pupunta nako dun." Agad nagbago ang kanyang tono.

Habang naglalakad na sya ay saka naman nya naisip na baka naman hindi si Bon ang bisita nya dahil ilang beses na nyang dinala doon ang kasintahan at imposible namang hindi ito mamukhaan nang mga empleyado nya. Still he was hoping na si Bon ang makikita nya. Inayos nya muna ang sarili bago pihitin ang door knob nang kanyang office. Halos dalawang araw narin silang hindi nagkikita ni Bon, nagpunta daw si Ker nang Cebu dahil sa konting problema kaya ito na muna ang naiwang namamahala nang bar.

Nakangiti syang pumasok nang biglang makilala ang babaeng nakatalikod. Nang maramdaman nito ang prisensya nya ay lumingon ito, at masayang lumapit sa kanya. "Liam!."

"Tessa?.." nakangiting bati nya sa babaeng dumating. Yumakap ito nang mahigpit sa kanya.

Kababata nya si Tessa. Sabay silang lumaki nito dahil magkapit-bahay sila noong nasa Laguna pa ito nakatira. Nagkahiwalay lang sila nang piliin nitong mag-aral nang kolehiyo sa ibang bansa. Madalas naman itong umuwi nang Pilipinas noon pero nang maging busy na ito sa pagiging modelo ay halos dalawang taon narin nya itong hindi nakikita.

"How are you?." masaya nyang tanong dito. Parehas na silang nakaupo ngayon sa may sofa nang kababata.

"I'm great, ikaw kumusta kana?.. parang mas lalo kang naging gwapo ah." puri nang kaibigan sa kanya, na tinawanan lang nya.

Sa pagiging malapit nila ni Tessa simula nang mga bata pa sila ay marami ang nagtataka kung bakit hindi naging higit sa pagkakaibigan ang kanilang samahan. Parang kapatid lang talaga ang turing nya dito, maganda si Tessa at maganda ang hubog nang pangangatawan kaya nga bagay talaga dito ang career na kinuha.

"Nga pala, kelan ka pa dumating? Sana nagsabi ka para ako mismo ang sumundo sayo."

"Nah.. okay lang. Actually tumawag ako noong isang araw sa assistant mong si Larry, hindi na kasi kita makontak dun sa dati mong number."

"Oo.. nagpalit kasi ako nang number." napakamot sya sa batok sa sinagot.

"Ohh... mukhang may tinataguan ka na naman ah."

Yun kasi talaga ang lagi nyang ginagawa kapag katatapos nya lang sa isang break up. Pero gaya nga nang sinabi nya kay Ricky. Maayos syang nakikipaghiwalay sa kanyang mga nakarelasyon, kaya lang naman sya nagpapalit nang numero ay para mawalan na talaga sya nang communications sa mga ito.

"Magtatagal ka ba dito sa Pinas?."

"Yup, may isang company kasi na nag-offer sakin na maging main talent nang modeling company nila. The price was too good for me to turn it down." ngisi ni Tessa sa kanya.

"Anyways, nasabi ni Larry..may dinadate ka daw ngayon?..." panunukso nang dalaga sa kanya.

"I'am, kaya nga good boy na ko ngayon." pagmamalaki nya.

"Awww... sasabihin ko pa naman sana sayong kasama kung bumalik dito si Elisse. This news will break her heart for sure."

Hindi nya alam kung niloloko lang sya ni Tessa na ikasasama nang loob ni Elisse kapag nalaman nito na may girlfriend na sya ngayon. Hindi naman kasi ito yung tipo nang babae na madaling magselos. Pero kahit ano pa man ang maging reaksyon nito ngayon ay wala na syang pakialam.

Never Gonna Let You Go | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon