NANG makapagpasya nakong lumabas nang aking sasakyan ay saka lumakas ang kaba sa dib-dib ko. You can do it Bon! pagpapakalma ko sa sarili.
Bakit naman ako kakabahan? Hindi ba't dapat ang Liam na yun ang kabahan sa mga gagawin ko? Iniisip ko kung papalitan ko ba ang pangalang sasabihin dito, pero sa huli ay napagpasyahan din na Bon parin ang ibigay dito. Definitely kailangan kong ibahin ang last name ko. Dela Torre ang naisip ko na gamitin. Bon Dela Torre. Okay naman ang tunog di ba?.
Teka? Paano nga pala ako makikipagkilala dito? I need to think of a plan para makausap ito. Base sa hitsura nang cafe nito ay hindi ito ang tipo nang tao na nakikipaghalubilo sa mga customers. What kind of guy are you Liam Andrada? Pati buhay ko ay nagugulo nang dahil sayo!
Nang makaisip nako nang gagawin ay naglakad na ko papunta sa entrance nang cafe nito. Doon naman na lalong lumakas ang kabog nang dib-dib ko. "Calm down Bon." Halos pabulong na nasabi ko sa sarili.
"Welcome po Ma'am!." nakangiting bati sakin nang host nang cafe. Yes may sariling itong host. Tinanong ako nito kung may kasama ba akong darating. Nang sinabi kong nag-iisa lang ako ay iginiya ako nito sa isang pandalawahang lamesa.
Agad nitong binigay sakin ang menu at sinabing may lalapit sakin mamaya para kunin ang order ko. Pagkabukas ko nang menu ay namangha ako nang makita ang mga inooffer nitong cakes and beverages. Pati narin ang light lunch menu and dinner nito. Nang makalipas ang halos limang minuto ay lumapit na sakin ang isa sa mga staff.
"Hi Ma'am, can I take your order now or should I give you more time?." magalang na sabi nito sakin.
"No, I'm ready. Can I please have a slice of Potica and a double shot espresso please."
Ngumiti ang babaeng staff sakin at magalang na nagpaalam. Nang makaalis na ang babae ay bahagya kong iginala ang mga mata sa paligid. Andito kaya sya? Bigla na namang nagtambulan sa loob nang dib-dib ko nang maalala ang dahilan kung bakit ako nandito.
Kung gaano ako humanga sa exterior nang cafe nito ay mas lalo akong humanga sa interior design niyon. High-end yet may pagkacozy ang ambience nang loob. Yung tipong hindi ka magsasawang tumambay doon.
Hindi nga nagtagal ay dumating na ang order kong cake at coffee. "Thanks." sambit ko dito, bago ako iniwan.
Bata palang ay mahilig na kami nang Kuya Miggy ko na kumain nang cake, ito ang madalas na bonding naming magkapatid lalo na kapag naghahanda kami saming school exams. Nakakarelax kasi iyon sa amin. Kaya ba nagjowa ito nang isang Patissier?
Hindi nagtagal ay sumubo na ako nang cake na inorder. Ang sarap! pero iniba ko ang reaksyon nang aking mukha.
"Ano ba to?!." kunwari ay tanong ko sa sarili. Ngunit sinadya ko talagang lakasan nang kaunti para makuha ang atensyon nang mga staff nito. Nagpapasalamat ako at hindi pa gaano ganun karami ang mga customers na nasa loob nang cafe nito.
"May problema po ba Ma'am?." concern na tanong nang staff sakin. Ito rin ang babaeng staff na kumuha at naghatid nang order ko. Oh good Lord! forgive me! Naawa man ako sa inosenteng babae ay wala na akong magagawa, kailangan ko itong gawin para makita ang lalaking yun.
Teka? Kailangan talaga laitin mo Bon ang cake nito? May mas marami namang okay na paraan. Pero ngayon pa ba ako aatras?
"There is something wrong with this cake, can I speak to your Manager?." Nang kunwari ay makapag-isip ako ay binawi din iyon. "No, actually I want the owner? nandito ba sya?."
Sana ay nandito sya! Sayang naman ang acting ko na minana ko pa sa Lola Serina ko.
Naiilang na tumango ang staff. Mukhang ito ang kinakabahan. "Hey, it's not your fault." alo ko dito. "Pakitawag nalang sya please?... "
BINABASA MO ANG
Never Gonna Let You Go | Completed
Romance"Posible kaya? Bahala na! Kailangang mafall ka sakin Liam Andrada.!" *** Kailangang mailayo ni Bon ang kapatid na lalaki sa kasintahan nitong si Liam, dahil narin sa kahilingan nang kanyang Lola Serina. Sa pag-aakala na tama ang taong sinabi nang ka...