Chapter 22

1.2K 29 3
                                    

PAGKAPASOK namin sa venue nang party ay di ko maiwasang hindi purihin ang pagkakaayos nang mga table at ang buong dekorasyon nang hall. Kinuha ni Miko ang kaliwang kamay ko at pinagsiklop ang mga kamay namin. Hindi nako tumutol dahil alam kong wala naman itong malisya.

"Baby, always stay with me ha..." bulong nito sakin.

Kumunot ang nuo ko dito. "That's my line baby."after calling Miko baby, I felt a slight guilt. Mukhang hindi na yata tama na tawagin ko itong baby, lalo na't nagkaayos na kami ni Liam. Speaking of Liam, marahil ay nasa birthday party narin yun ni Tessa ngayon. Kukunin ko na sana ang cell phone ko na nasa loob nang clutch na dala ko nang maramdaman kong humigpit ang paghawak ni Miko sa kamay ko.

Agad akong nag-angat nang tingin kay Miko at sinundan ang mga mata nito. Mmm must be the ex.

Naningkit ang mga mata ko nang mamukhaan ang babaeng ngayon ay naglalakad na papalapit samin. Don't tell me, sya ang ex na matagal nang kinukwento sakin ni Miko? Maging ito ay halos di rin makapaniwala. Pero ang mas na nakapagpalakas nang tibok nang puso ko ay ang lalaking kasama nito na masama ang tingin kay Miko at kamay naming magkahawak. Si Liam.

"No way..." tanging nasambit ko sa mahinang boses na narinig naman ni Miko.

Nang makalapit na ang dalawa samin ay nakatuon lang ang mga mata ko kay Liam, ni hindi ko pinansin si Tessa na nakangiti samin, pero halatang napipilitan lang ito.

"Hi Miko... I'm so glad to see you, akala ko talaga hindi ka pupunta." panimula ni Tessa sa ex boyfriend na si Miko. "Hi Tes..what a small world.. hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni Liam, Bon's ex boyfriend." kalmadong bati ni Miko sa dalawa. Pero sa higpit nang pagkakahawak nang kamay nito sakin alam kong hindi talaga ito kalmado gaya nang pinapakita nito.

Biglang tumalim ang mga mata ni Liam na sumulyap kay Miko at sakin. Nagtatanong ang mga mata nito, na hindi ko kayang salubungin dahil talagang hindi ko napaghandaan ang eksenang to. Bakit ba kasi kahit kelan ay hindi nabanggit ni Miko ang pangalan nang ex nito?. Kung alam ko lang na si Tessa pala yun ay nunka na sasama ako dito.

Wala sa loob na napatingin ako kay Miko, at nakaramdam nang awa dito. Ito kasi ang unang pagkakataon na nakita ko itong nagselos at malungkot. Teka nagseselos ba ito kay Liam?

"Nga pala Tes, I'm sure kilala mo na si Bon but still I want to officially intruduce her to you as... my fiancee." walang kagatulgatul na sabi ni Miko.

It took me a couple of seconds bago pagsink-in sakin ang sinabi nito, o ang pagpapakilala nito sakin. At syempre pa hindi na napigilan ni Liam ang sarili na umangal sa narinig.

"Are you sure about that?!." halata na ang galit sa boses nito.

But Miko stayed calm like he's being honest with all his words. "Yes, hindi nya ba nasabi sayo?." tumingin sakin si Miko. "Right Bon?...hindi mo pa ba nasabi kay Liam ang tungkol sa balak nating pagpapakasal baby?."

"Bon di ba friends naman tayo?." serysong tanong ni Miko sakin.

"Oo...bakit ba?."

"Basta friends tayo tas tutulungan mo ko di ba?. I mean you got my back di ba?."

"Wala basta...suportahan mo nalang ako sa mga desisyon na gagawin ko. Hindi naman kita ipapahamak eh."

Saka ko lang naalala ang lahat nang napag-usapan namin ni Miko noong isang araw. Ito ba ang ibig nyang sabihin? At dahil sa emosyon na nakikita ko sa mga mata nito ay wala akong lakas nang loob na ilaglag ito. This will definitely hurt Liam, but I can't let Miko down, no..not infront of Tessa.

Never Gonna Let You Go | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon