DAHAN-DAHAN akong naglakad papuntang pintuan nang may magdoorbell. Naisip ko na baka may nakalimutan si Ker.
Nasa bar ako kanina nang sumakit ang sikmura ko. Kararating lang kasi ni Ker nang Cebu at may dala itong mga hilaw na mangga na pinasalubong nya sa amin. Well hindi para sa akin, dahil alam na alam ni Ker na bawal ako sa mga maaasim na prutas dahil may ulcer ako. Pero nang makita ko sina Josh at Marco na kumakain nang mangga ay syempre kumain narin ako.
Grabe ang paninirmon sakin ni Ker kanina, alam na alam na nya kasi ang mangyayari, lalo pa't wala pang laman ang tiyan ko.
Napangiti ako nang pagbukas ko nang pinto ay si Liam ang nakita ko. Ang gwapo kong boyfriend. Pero nawala ang mga ngiting yun nang mapansin ko ang sama nang mukha nito na nakatingin lang sakin. Bigla akong kinabahan, dahil parang ngayon ko lang ito nakitang ganito.
"Hi babe... come in." napansin kong may hawak-hawak itong box.
"How are you feeling? Sabi ni Ker umandar daw ang ulcer mo?." tanong nito na hindi man lang nakatingin sakin.
"Oo.. naparami yung kain ko nang mangga kanina."
"You got a package..." sabay abot nang box na dala nito.
"Oh thanks." sagot ko. Nang tignan ko ang box ay nanigas ang buong katawan ko. Ngayon na ba ang araw nang paghuhukom? Agad akong nagtaas nang tingin dito.
Parang sasabog ang dibdib ko sa paraan nang pagkakatitig sakin ni Liam.
"Care to explain to me kung bakit Yllana ang epilyedo mo dyan? Bonifacia?."
"Liam, ipapaliwanag ko sayo..."
"Kaya nga..explain to me everything Bon!."
Nagulat ako sa naging tono nito. Galit na ito sakin...nababasa ko sa mga mata nito iyon. Natatakot ako. Hindi ba ko mapapatawad nito?
"Wag ka munang magalit sakin please..."
Napapikit ito saglit, pero halatang hindi naman humupa ang galit nito. "Pagpapaliwanag ka ba o hindi? Ayoko lang na sabihin mo na hindi kita binigyan nang chance..."
"Dahil kay Kuya Miggy... I mean nang malaman nang Lola ko na bakla si Kuya, naghysterical sya. Lalo na nang malaman nya na may karelasyon to. Kaya..."
"Kaya ano?." masama parin ang tingin nito sakin.
"Pinakiusapan nya ko na... na... ilayo kay Kuya Miggy yung guy..."
"You mean si Ricky?." nakataas na ang isang kilay na tanong sakin. Kung papaano ito makatingin sakin ay parang gusto kung umiyak dahil nasasaktan ako. Ngayon lang ako tinitigan nang ganito ni Liam. Puno nang panghuhusga.
"Ang buong akala kasi namin ikaw..ikaw yung karelasyon ni Kuya.. kaya..."
"That is why you seduced me? Ganun ba?."
Seduce? Parang ako nga ang inakit mo Liam.
Gusto kong sagutin ito, pero tanging tango lang na nagawa ko.
"So plinano mo pala talaga ang lahat! Yung pagpunta at pagkocomplain mo sa cafe ko na wala namang sense...everything was a plan to get my attention right?."
"Pero lahat nang pinakita ko sayo at sinabi Liam, yung lahat sa Cebu na nangyari satin...lahat yun totoo!."
Mapakla itong ngumiti. "Totoo? san banda dun Bon? Siguro tuwang-tuwa ka kasi ni hindi ka man lang nahirapan sakin, because you had me by hello. Tama ba ko?!."
"That's not true. Liam My feelings was true..."
"Congratulations Bon because you succeded on making me fall in love with you, deeply. But shit happens woman because you fucking got the wrong guy!."
BINABASA MO ANG
Never Gonna Let You Go | Completed
Romance"Posible kaya? Bahala na! Kailangang mafall ka sakin Liam Andrada.!" *** Kailangang mailayo ni Bon ang kapatid na lalaki sa kasintahan nitong si Liam, dahil narin sa kahilingan nang kanyang Lola Serina. Sa pag-aakala na tama ang taong sinabi nang ka...