Chapter 18

1.2K 40 0
                                    

"WOW!..ang ganda naman nang bride." puri ko kay Kath pagkatapos itong mamake-apan. Halata ang saya sa mga mata nito, at masayang masaya din ako para sa kaibigan ko.

"Kinakabahan ako Bon, mamaya kasi matapilok ako sa sobrang pagkaexcited."

"Umayos ka, kung hindi nakakahiya yun." at sabay kaming nagkatawanan. Natigil lang ang kwentuhan namin nang biglang magring ang cell phone nito. Napangiti ito nang magkatamis-tamis nang makita ang pangalan ni Jake sa screen.

"Hello?.." kinikilig na sagot ni Kath sa kabilang linya.

Ako naman ay napanguso. "Hoy tama na yan, ikakasal na nga kayo naglalandian pa kayo."

"Che, inggit ka lang kamo." singhal nito sakin pero agad din namang nagliwanag ang mukha nang maibalik ang atensyon sa kausap sa kabilang linya.

"Labas na muna ako Kath. Lalabas muna ang single mong bestfriend." natawa nalang ako nang hindi nito narinig ang sinabi ko dahil nga kilig na kilig ito sa groom na kausap.

Ang totoo nyan ay hindi naman talaga ako bitter, kinilig pa nga ako nang makitang masayang-masaya si Kath sa piling ni Jake. Hay...

Kailan naman kaya ako sasaya sa lovelife ko? Eh wala nga akong lovelife.

Napailing-iling nalang ako sa sariling tanong ko. Naisipan kong magkalad-lakad na muna sa may bandang likod nang villa. Naexcite ako nang malaman na sa Amanpulo gaganapin ang beach wedding nang dalawa. Kahit papaano ay makakapag-relax din ako, lalo na't first time ko ring makapunta dito.

Magsisindi sana ako nang sigarilyo nang may biglang tumikhim sa may likuran ko dahilan para mapatigil ako at lingunin ito.

Biglang nagtambulan ang puso ko nang magtama ang mga mata namin. Sa lakas nang tibok nyon ay wala akong nagawa nang mas lalo pa itong lumapit sa kinatatayuan ko.

"Liam..." tanging nasambit ko.

"Hi Bon..." hindi ko alam kung gaano kami katagal nagkatitigan ni Liam. Parang wala sa aming dalawa ang may lakas nang loob nang magsalita pa.

Bon gising!

"A..anong ginagawa mo dito?." tanong ko nang medyo matauhan ako.

Mataman parin itong nakatitig sakin. "I was invited...bakit ayaw mo bang nandito ako?." halata ko ang lungkot sa mga mata nito.

Bon, alam kong marupok ka pero utang na loob magmatigas ka naman!

"Kahit naman ayaw ko, wala naman akong magagawa..." akmang iiwan ko na ito nang mabilis ako nitong pigilan sa siko.

"Please...can we talk?." halos pabulong na hiling nito.

"Tungkol saan?." buong tapang kung hinarap ito muli. "Mind to remind me Liam?."

Sasagot pa sana ito nang may biglang humila sakin.

"All good baby?." tanong sa akin ni Miko.

Si Miko? Anong ginagawa nito dito?

Napansing kung nagtagis ang bagang ni Liam habang nakatingin sa kamay ni Miko na nakahawak sakin.

Is he jealous?

Wag kang mag-assume Bonifacia!

Mapakla itong ngumiti. "Look's like the boyfriend is here...I'll see you around Bon." at iniwan na kami nito.

Kahit nakaalis na si Liam ay malakas parin ang tibok nang puso ko. Hindi ko akalaing ganito parin ka lakas ang epekto nang lalaking ito sakin. Hindi! Hindi ko dapat ito maramdaman! Hindi ba't nakamove-on nako?

Never Gonna Let You Go | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon