MAAGA akong pumunta sa cafe ni Liam. Kagagaling ko lang pumunta sa condo nito sa may Alabang. Ang sabi nang isa sa mga staff ay nakaalis na daw ito. Para akong ewan, halos wala pa nga akong tulog dahil kahapon ay nagpakita nako sa bar.
Agad akong nagdrive papuntang Dorahali. Sakto naman ang dating ko dahil nasa labas ito kasama ang dalawang babae.
Pagkakita ni Liam sa sasakyan ko ay nakita ko itong napabuntong-hininga.
Akala mo titigilan kitang lalaking ka?
Pagkababa ko nang sasakyan ay napansin kong bumulong si Tessa sa katabi nitong babae, na sigurado akong si Elisse. Alam ko na kung bakit ito nagustuhan ni Liam. Nakakainsecure ang ganda nang babae, marahil ay kung hindi lang naging LDR ang relasyon noon nang dalawa ay malamang hindi ito pakakawalan ni Liam.
Wag mong hamakin ang sarili mo Bon? Pano ka sasabak nyan sa gyera kung ganyan ka?
At bakit nga ba ito nandito? Hindi ba't dapat nasa New York ito?
Sinalubong ako ni Liam. "What are you doing here?."
"Sabi ko diba pupunta ako dito ngayon.."
Parang napipikon na ito sakin. "May lakad nga kami ngayon di ba?."
"Kaya nga, wag kang sumama sa mga babaeng yan."
Wow Bon!
Sarkastikong napangiti ito sa sinabi ko. "At sa tingin mo susundin kita?."
"Kapag...sumama ka sa kanila..."
"Ano? magagalit ka?.." hamon nito.
"Kapag sumama ka sa kanila, talagang tapos na ang lahat satin..." pagbabanta ko.
"Hindi ba't nung isang araw ko pa sinabing tapos na tayo?."
Ouch!
"Pero ako na to, kapag sumama ka sa kanila... pumapayag nakong makipagbreak sayo."
Natigilan ito na para bang hindi inaasahan ang mga sinabi ko.
"Hindi nako magpapakita talaga sayo kapag umalis ka ngayon." gusto ko na umiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil nakakahiya naman sa dalawang babae nasa likuran nito. Mabuti na lamang at medyo nakadistansya ito samin.
"Edi wag ka nang magpakita..." parang labas sa ilong na sabi nito.
Sinalubong ko ang mga mata nitong nakatingin sakin. "Seryoso ako Liam."
"Good.."
Hindi ko alam na ang simpleng pagsama nito sa Tagaytay kay Tessa at Elisse ay syang makakapaghiwalay samin ni Liam nang tuluyan. Mukhang ayaw na talaga nitong makipag-ayos sakin.
Puro nalang ba panghahabol sa ex ang gagawin ko? Ang una si Ker ngayon naman si Liam. Hay!!
"Good bye Liam..." pagkasabi non ay tinalikuran ko na ito. Susundan pa sana ako nito nang tawagin na ito ni Elisse.
Bitch!
Pinaharurut ko ang sasakyan ko palayo sa cafe ni Liam.
Damn you Liam! Who u kana talaga sakin!
Oo na't ako ang may kasalanan pero ang piliin nito ang pagsama kina Elisse sa Tagaytay ay parang sampal sa side ko. Hindi ba nito alam na labis akong napahiya sa mga ito?
Marahil nga ay hindi talaga ako nito mahal, tulad nang akala ko. Mukhang okay na naman ito dahil iyon nga at lumalabas pa kasama ang ex!
Yaaaaaaa! hindi ko na napigilang sumigaw sa loob nang sasakyan ko. Nang makarinig ako nang boooggg!
BINABASA MO ANG
Never Gonna Let You Go | Completed
Любовные романы"Posible kaya? Bahala na! Kailangang mafall ka sakin Liam Andrada.!" *** Kailangang mailayo ni Bon ang kapatid na lalaki sa kasintahan nitong si Liam, dahil narin sa kahilingan nang kanyang Lola Serina. Sa pag-aakala na tama ang taong sinabi nang ka...