CHAPTER 23

1.8K 71 4
                                    

(Author's Note: Shou Gonglu's modern looks on the multimedia.👆)


CHAPTER 23










NAGLALAKAD AKO papuntang kusina dahil gusto kong kumain ng dumpling. Madilim na kaya tahimik ang paligid.

Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng yabag. Napakunot ang noo ko ng makita ang isang maid na lumabas mula sa kusina.

Huh? I thought dalawang maid servant lang ang kinuha ni Shou Gonglu para umasikaso sa'kin?

Napakibit balikat nalang ako at pumasok sa kusina. Nahagip ko pa ang isang tray na may takure at mga baso na halatang bago lang.

Binuksan ko yung takip kung saan tinago yung mga dumplings. Napangiti pa ako at kumuha ng lima pagkatapos ay bumalik na sa Manor na binigay sa'kin ni Gonglu.

"Tianshang.."-tawag ko kay Tianshang.

Nasa loob kami ng space ring at nasa true form parin siya kaya green parin ang buhok at mata ko hanggang ngayon.

"Hmm?"

"May alam ka ba tungkol sa Underworld?"

Natigilan ito at natagalan bago sumagot. "They are the reason why Lady Xiao Li died. The time they found out that Lady Xiao Li is Master's weakness they abduct her and kill her together with my Master."-paliwanag nito.

"Are they... Shou Gonglu's enemies? But who exactly is his enemy?"-curious na tanong ko.

"His brother. The demon Lord."

Nanlaki ang mata ko sa gulat pero hindi ko na nagawang magtanong ulit. Lumabas ako sa loob ng space ring at saktong paglabas ko ay padabog na bumukas ang pinto. Pumasok si Yaojing na parang may humahabol sa kanya.

"Lady Lerian!"-natatarantang tawag nito sa pangalan ko.

Kumunot ang noo ko. "Anong problema?"

Puno ng pag-aalala ang mukha nito. Hindi ko alam kung bakit bigla rin akong kinabahan.

"My Lord... My Lord needs your help."-hinihingal na sagot nito.

Mabilis akong tumakbo palabas at pumunta sa Manor ni Shou Gonglu. Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto niya ay natigilan ako.

"Oh my God! Why are you naked?!"-gulat kong singhal at napatakip sa mata.

Sino ba namang hindi magugulat eh halos hubo't hubad na ito sa kama?!

"Hot.... I-it's hot.."-nahihirapang sambit nito.

Mabilis akong lumapit dito. Lumipat ang tingin ko kay Yaojing.

"Ano bang nangyari?"

"H-hindi ko alam. Pinainom ko lang naman sa kanya yung nakahandang tsaa na galing sa kusina."-kinakabahang sagot niya.

"Tsaa?"-napaisip ako bigla. "Yung bagong servant."

"Bagong servant? Lady Lerian. Dalawa lang ang servant sa Divine Palace."

Napakunot ang noo ko. "Eh sino yung servant na pumasok sa kusina kanina?"

"A demon."-rinig kong bulong niya.

Demon?

Mabilis na inamoy ko ang lagayan ng tsaang ininom ni Gonglu. Nanlaki ang mata ko ng maamoy ang pamilyar na gamot.

"Aphrodisiac.."-bulong ko.

"What?"-biglang singit ni Yaojing.

Nilingon ko siya. "Aphrodisiac."-pag-uulit ko.

The GENIUS PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon