"There she is!"
Napalingon ako sa sumigaw at nakita ang isang lalaki na naka purong puti na may mga kasamang armadong lalaki...
Agad akong umalis sa aking pinagtaguan at tumakbo, hindi ko maalala kung bakit ako tumatakbo at bakit ako narito, basta ginagawa ko lang kung ano ang sinasabe ng utak ko, kailangan kong makaalis sa lugar na ito, yun ang tanging nasa isip ko...
Habang tumatakbo ay napadaan ako sa silid na bukas, dahil ayaw kong magpahuli ay pumasok ako dito at mabilis na isinara ang pintong bakal...
Rinig ko ang komosyon sa labas at pilit nilang binubuksan ang pinto...
Muli akong tumakbo pero isang dead end ang napuntahan ko, nasa isang mahabang tulay ako at sa ibaba ay malaking tangke ng tubig...
'Astrid'
Napalingon ako sa paligid ng makarinig ako ng pagtawag sa pangalan ko, ngunit nang nakaramdam ako ng mahinang vibration ay hinanap ko kung saan ito nanggagaling at nalaman kong galing ito sa tangke na puno nang tubig na nasa ibaba ng tulay kung saan ako naroroon...
Sinipat kong mabuti ang ibaba nito at nakita ang isang bolang itim na nakalutang sa kaibuturan ng tangke, dito nanggagaling ang boses at mahinang vibration na nararamdaman ko...
"Freeze! Wala ka nang matatakbuhan!" Sigaw mg isang lalaki at tinutukan ako ng baril...
Tatakbo na sana ako sa kabilang dulo ng tulay ng bumukas din ang pinto doon at pumasok ang mga armadong lalaki...
"Wag nyu syang sasaktan!" Sigaw ng isang lalaki kaya napatingin ako dito, nakaputing damit din ito pero mukhang coat ang suot nito....
Di katulad sa mga nakita ko kanina na mukhang yari sa plastic...
"Subject 001, kumalma ka lang, nandito kami para tulungan ka" Mahinahon nyang pahayag pero hindi ako nakinig, sinasabi ng utak ko na wag magtiwala sa kaniya, sa kahit na sino man sa kanila na naririto sa loob ng gusaling ito....
'Tumalon ka'
Utos ng boses kaya napatingin ulit ako sa tangke...
'Astrid, tumalon ka'
Pag-uulit nito kaya madali akong sumampa sa railings ng tulay kung nasaan ako...
"Wag! Subject 001! Bumaba ka dyan, masyadong delikado dyan!" Halatang nagpapanic ang boses nito at may halong kaba...
Ngunit hindi ko sya pinakinggan, nagpatihulog ako sa tangke at narinig ko pa ang pagputok ng baril bago ko naramdaman ang mainit at masakit na sensasyon sa aking baywang...
Ang kaninang makinang at klaeong tubig ay dahan-dahan na naging pula dahil sa paghalo dito ng aking dugo...
Hindi ko na lang iyon pinansin, sa halip ay pinilit kong inabot ang itim ma bola na mas lalong lumalakas ang vibration na inilalabas, hanggang sa nakita ko ang pagkalat nito sa loob ng tangke at sinakluban ko...
Dahan-dahan na ding bumibigat ang talukap ng mga mata ko dahil sa panghihina, ngunit bago ako tuluyang mawalan ng ulirat ay nakarinig ako ng nakapalakas na pagsabog....
BINABASA MO ANG
Herrscher: The Mistress of Shadows
FantasyIn the battle between light versus darkness, given in the circumstances, the light should always win, however not all darkness is evil, and how can a light shines when there is no darkness? Right?