ARYA
Habol ko ang hininga ng bumalikwas ako ng bangon...
Inilibot ko ang tingin at nasa isang masikip na kwarto ako at tanging higaan lang kung saan ako nahihiga ang naroroon...
Nasaan ako? Anong lugar ito?
'Nahuli tayo ng Organization dahil sa kakulitan mo' Biglang sabat ng pamilyar ma boses, nang mapatingin ako sa salamin na nasa gilid ay doon ko sya nakita na nakaupo sa tabi ko...
Sa pagkaka-alala ko ay Nyx ang pangalan nya...
"Anong gagawin nila sa akin? sa atin?" Tanong ko sa kanya na ikinataas ng kilay nya...
"Aba malay ko, basta ang alam ko lang noon ay may gusto humabol sa atin yun lang" Sagot nya...
"Ganun ba, pero may isang malaking tanong talaga ang bumabagabah sa akin, ano ba kita? At bakit ka nasa loob ko?" Tanong ko sa kanya...
"Isinilang ako noong isinilang ka, ngunit nagkamalay lamang ako ilang linggo na ang nakakaraan, tsaka mukhang nasa dugo na ng pamilya mo ang pagiging ganito" Paliwanag nya...
"Mas mabuti pang ang iyong ina mo na lang ang tanungin mo, isa pa isa din sya sa mga scientist na nagtatrabaho dito" Dagdag nya na ikinagulat ko...
Kung nandito si Mom paniguradong makakaalis kami dito...
Habang nasa ganoon kaming pag-uusap ay bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking may name tag na Smith...
"Follow me" Maikling sabi nito saka lumabas...
Nag-aalangan man ay tumayo ako at lumabas ng silid na iyon...
Isang maliwanag na hallway ang sumalubong sa akin at tanging pagsunod lang kay Smith ang aking ginawa...
"Humihingi ako ng paumanhin sa paraan kung paano ka namin kinuha" Sabi nito ng hindi tumitingin...
Mas binilisan ko ang lakad hanggang sa magkasabay kami...
"Ayos lang, alam ko naman kung bakit nyu ako kailangan hulihin" Sagot ko na ikinatigil nito...
Humarap sya sa akin at tinignan ako ng mabuti bago magsalita...
"Kung ganun tatanungin kita kung ano ang mga nalalaman mo tungkol sa mga nangyayari" Hamon nito, sasagutin ko na sana sya ng magsalita si Nyx...
'Wag na wag mong sasabihing naninirahan ako sa katawan mo' Babala nito...
"Uh, lately kasi mga hallucinations akong nakikita" Panimula ko saka biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito...
'Binabalaan kita Arya, kaya ko ulit saniban ang katawan mo, kaya kung gusto mong makita ang ina mo wag mong ipaalam sa kanila na nag.eexist ako'
"Ayos ka lang ba?" Ang tanong nito kaya pilit akong ngumiti at tumango...
"Yun po, mga mga hallucination akong paminsan-minsan at noong hinahabol nyu ako ay desperado akong tumalon mula sa fourth floor at naglanding sa ground floor ng wala man lang galos" Paliwanag ko sa kanya, bahagya pang sumingkit ang kanyang mga mata saka nagpatuloy sa paglalakad...
Pumasok kami sa isang silid na mayroong heavy metal door at sumalubong sa akin ang isang silid kung saan may mga iilang kaedaran ko ang nakakulong sa isang glass cubes...
Pito lahat sila at sa pinaka-unahan ay mayroong itim na cocoon at bahagyang nagliliwanag ng itim na ilaw...
"These are containment cubes, dito namin kayo inilalagay since hindi pa namin alam kung ano ang mga kaya nyung gawin, delikado kayo hindi lang sa amin kung hindi pati na rin sa inyong mga sarili" Paliwanag nya saka ko naramdaman ang biglang masakit na tumurok sa akin at muli na naman akong nakaramdam ng antok...
ELVYRA
Padabog kong binuksan ang opisina ni Smith at malakas na hinampas ang kanyang mesa na hindi man lang nya ikinatinag...
"Bakit nandito ang anak ko!?" Bulyaw ko sa kanya, wala akong pakialam kung mas mataas ang posisyon nya sa akin, mas mahalaga naman ang kontribusyon ko sa organisasyon kesa sa kanya...
"Alam mo ang protocol since nagmerge ang Void at si subject 001, kailangan nating tipunin ang lahat ng taong naapektuhan ng inilabas nilang radiation, at isa doon ang anak mo" Kalmado nitong paliwanag...
"Kung ganun sana hindi mo ja lang sya inilagay sa containment cube, kasama ng cocoon na iyon" Singhal ko sa kanya...
"Hindi pa natin alam kung ano ang kinalabasan ng pagmemerge ni Subject 001 at ng void, kaya posibleng maging lethal sa mga naroroon ang paglalagi sa silid na yun" Paliwanag ko sa kanya...
"Well its your job to determine the effect of that cocoon not only to the subjects but also to everyone" Walang pakundangan nitong sagot kaya nag-aalburuto akong lumabas at dumiretso sa labas ng containment room, mula sa kinaroroonan ko ay kitang-kita ko ang kalagayan ni Arya, ng aking anak, wala itong malay at nakahiga sa matigas na glass....
"Doctor" Dinig kong pagtawag sa akin kaya napalingon ako at nakita ko si Harold, ang senador na nakahawak sa buong organization..
"Senator" Sabi ko sabay ngiti..
"Dumaan lang ako dahil gusto kong malaman kung may progress ba sa ginagawa mong pag-aaral sa cocoon" Pagpapaalam nito kaya ibinigay ko ang folder na nakalimutan kong ibigay ky Smith dahil sa galit...
"It seem na nag-iipon ng enerhiya amg cocoon gamit ang mga itim na strings na nakaattack sa pader, kung paano nya ito nagagawa ay dahil parang may magnetic pulse ang nasa dulo ng mga strings at hinihigop ang maliliit na radiation mula sa paligid" Paliwanag ko habang binubuklat nya ang papel na nasa folder...
"Alam mo ba kung bakit nya ito ginagawa?" Tanong nito saka binigay ang folder sa secretary nito...
"Hindi pa kami sigurado, pero sa teorya ko ay kailangan nito ng sapat na enerhiya upang makompleto ang nasa loob nito"
"Si Subject 001" Tango lang ang isinagot ko...
"Senator" Pagtawag ko dito kaya napatingin ito sa akin...
"Pwede bang ilipat sa ibang silid si Arya?" Tanong ko sa kanya na sana ay pumayag sya, ngunit alam ko namang imposible iyong mangyari...
"You know the protocol Elvyra" Maikli nitong sagot saka umalis...
Naikuyom ko ang palad saka bumalik sa research laboratory, all my time I dedicated for this research, kahit na sana ay oras ko sa anak ko ay isinakripisyo ko dahil ang research na ito ang magpapabago sa future ng bawat tao, ni minsan ay hindi ako humingi ng pabor, ito lang para lang sa anak ko, pero hindi pa nila maibigay....
SMITH
"Mukhang hiningan ka din ng pabor ni Elvyra" Sabi ko kay Harold ng magkaharap kami sa aking mesa...
"Oo, ngunit hindi ko sya pinagbigyan" Simpleng sagot nito...
"Hindi ka ba nababahala na baka maging dahilan ito upang sumama ang kanyang loob?" Tanong ko ulit sa kanya...
"You cant find someone like her Harold, mas mabuti nang sumama ang loob nya sa akin wag lang sayo" Dagdag ko...
"Bakit? Pagsinabe ko bang pakawalan mo ang anak nya ay gagawin mo?" Balik nitong tanong sa akin...
Huminga lang ako nang malalim saka sya sinagot...
"Ikaw ang pinakamataas na tao sa organization, with just one word with you, gagawin ko agad" Sagot ko sa kanya...
Napangiti na lang sya at napailing...
Of course I know pa rin sya papayag....
BINABASA MO ANG
Herrscher: The Mistress of Shadows
FantasyIn the battle between light versus darkness, given in the circumstances, the light should always win, however not all darkness is evil, and how can a light shines when there is no darkness? Right?