ELVYRA
Huminto ang bus sa isang trail papataas kaya agad akong bumaba...
Sinimulan kong tahakin ang trail na yun hanggang sa nakaabot ako sa elevated platform na may sememtadong hadgan pataas...
Hindi ko ininda ang pagod at nagpatuloy lang sa pagakyat, inabot ako ng kalahating oras bago ko matanaw ang isang maliit na kubo...
Nang makalapit ako dito ay nakita ko ang aking anak habang napaliligiran sya ng mga sari-saring itim na pigura, may mga hayop, hugis tao at may mga animoy usok na lumilipad sa tabi nya...
"Arya?" Tawag ko sa kanya kaya napalingon sya sa akin...
May sinabe sya sa mga itim na pigura at agad naman itong nawala, saka sya lumapit sa akin at yumakap...
"Sinasanay mo na naman ba ang ability mo?" Tanong ko sa kanya habang umuupo kami sa kahoy na bangko na nasa lilim ng isang puno malapit sa kubo...
"Oo mom, mas madali na sa akin ang manipulahin ang mga anino, naging mga kaibigan ko din sila" Paliwanag nya na ikinangiti ko, ngunit sa aking isip ay hindi ko maiwasang hindi mag-alala, bawat araw na lumilipas ay lalong lumalakas ang ability nya kaya napagdesisyunan kong itago sya, malaki kasi ang chance na madetect ng organization ang kahit na anong malakas na energy na nagcoconcentrate sa isang lugar...
"Tsaka ang mga nilalang na iyon ay pawang mga pumanaw na, ang mga anino nila ay naglalakbay lamang palibot dito sa bundok na syang aking napapansin at kapag pinansin ko sila ay nagiging minions ko na sila" Paliwanag nya na ikinatango ko...
Gusto ko man syang pag-aralan ay kulang ako sa materyales at matinong laboratoryo...
"Kamusta ka naman dito anak?" Paglilihis ko ng usapan saka sinuklay ang kanyang buhok...
"Ayos naman Mom, namimiss ko lang ang buhay ko sa syudad" Nakangiti nitong sagot...
"Pagpasensyahan mo na Arya, para din ito sa kaligtasan mo" Paliwanag ko sa kanya..
"Alam ko naman po iyon"
May mga pinag-usapan pa kaming ibang mga bagay at nagtanghalian, bago mag-alas tres nang hapon ay nagpaalam na ako sa kanya, masyado na lasing delikado kapag inabutan ako ng gabi sa daan pababa...
ARYA
Nang makaalis si Mom ay muling nagsilabasan ang mga aninong nakapaligid sa akin kanina...
Merong mga usa, ibon, ahas at iilang pigura ng tao...
Ilang buwan na din matapos ang insidente sa organization at mula noon ay hindi ko na din nakita pa si Nyx, pero habang tumatagal ay ramdam ko na lalong lumalakas at lumalawak ang aking ability na syang hindi ko masundan, may ilang mga gabi napakaingay nila at hindi ako tinitigilan hanggang sa dumating ang umaga...
Nagpunta ako sa paborito kong spot dito sa bundok, isang talampas at kitang-kita dito ang papalubog na araw...
Gaya ng araw-araw kong ginagawa ay hinintay ko ang paglubog ng araw...
Nang tuluyang sumakop ang dilim ay naramdaman ko naman ang biglang paglakas ng kapangyarihan...
Agad ding tumubo ang aking itim na mga pakpak na yari sa itim na balahibo ng ibon...
Dahan-dahan kong ikinumpas ang mga ito hanggang sa tuluyan akong umangat sa ere...
Isa ito sa mga hindi ko sinabe kay Mom, na bigla akong tinutubuan ng pakpak tuwing sumasapit ang gabi at lalong lumalakas ang aking ability...
Lumipad ako palibot sa bundok hanggang sa napagdesisyunan kong lumipad pataas...
Habang lumilipad ay pinagmasdan ko ang kagandahan ng mga bituin at itinaas ang aking mga kamay na animo'y aabutin ko ang mga ito...
Natigil lang ako ng mapansin ko ang bahagyang pagkidlat sa isang specific na parte ng isang ulap...
Lumipad ako pababa at tinanaw ang mga kidlat na animo'y kinokrontol ng isang lalaki at pinapatamaan ang lalaking nagliliyab..
Bukod sa kanila ay may babae ding nakasuot ng itim na chiton at nakasuot ng itim na korona, sa tabi nya ay isang lalaki na nakaitim at nakahawak ang kanang kamay sa balikat ng babae...
Ikinukumpas ng babae ang kanyang kamay at sa di-kalayuan ay may tatlo pang teenagers na pilit iniiwasan ang mga diamanteng sumusunod sa bawat kumpas ng babae...
Nang ibalik ko ang tingin lalaking nagliliyab ay natamaan sya ng napakalakas na kidlat dahilan para mawalan sya ng malay at mahulog....
"Helios!"
"Pagbabayaran nyu ito!" Sigaw ng pang babae at naglabas ng kulay lila na aura, sa di malamang dahilan ay nagsilitawan ang ibat-ibat uri ng bulaklak sa paligid at kinontra ang paggalaw ng diamante...
Dahil doon ay nagkaroon ng pagkakataon ang dalawang lalaki na sumugod sa isang lalaki na gumagamit ng kidlat....
Dahil sa mga occupied sila ay hinayaan kong bumulusok ang aking sarili at agad na sinalo ang lalaking nawalan ng malay...
Nang mailapag ko sya sa ligtas na lugar ay tumingin ulit ako sa nangyayari sa taas...
Hindi ko mapigilang wag mapailing dahil sa mga sirang nagawa ng kanilang paglalaban...
Malakas kong ikinumpas ang aking pakpak saka tumigil sa gitna nila, ibinuka ko ang mga kamay ko dahilan para kumawala ang itim na tinta sa akin at iginapos silang lahat na ikinabigla nila...
"Enough!" Sigaw ko sa kanila at hinagis sila pababa na naging dahilan ng ilang pagkasira ng daan...
Bumaba ako sa pinagbagsakan nila at pinamaywangan silang lahat...
"Hindi nyu ba alam na sinisira nyu na ang syudad dahil sa paglalaban nyu!?" Singhal ko sa kanila...
"How dare you yell at me!" Sigaw ng isang lalaki na nakasuit at sa natatandaan ko sya yung kayang komuntrol ng kidlat...
"Bakit sino ka ba!?" Sigaw ko ulit sa kanya...
"Ako lang naman si Zues! Ang hari ng mga diyos!" Pagpapakilala nya, kaya pala ganyan ang ugali nya...
Bigla ding kumidlat sa taas namin at balak ata nya ata akong patamaan...
"I wouldn't do that if I were you" Babala ko sa kanya ngunit ginawa nya pa rin...
Pinatamaan nya ako ng malakas na kidlat agad kong sinalag ng itim kong tinta...
Ipinikit ko ang aking mga mata at sa paligid namin ay bumangon ang isang batalyong mga anino...
Kung paano ko nagagawa ang bagay na mga ito ay hindi ko alam...
"Titaness Nyx" Sambit ng babae kaya napatingin sa kanya ang lalaking nakasuit, habang ang apat na kasing edad ko ay nasa gilid at pinoprotektahan ang lalaking sinalo ko kanina...
"I have her power but I am not her" Paliwanag ko saka mabilis na lumapit sa kay Zues at sinakal sya gamit ang isang kamay...
"Sa pagkakaalam ko ay kinatatakutan mo ang kapangyarihan ko, ngunit kung si Nyx ay hahayaan kang maghari-harian, pwes ibahin mo ako, siguro nga at hari ka ng olympus, ngunit sa ngayon wala ka sa iyong teritoryo kaya umayos ka" Paliwanag ko sa kanya at hinagis sya sa isang puno na agad namang nabuwal...
"Maswerte ka at nasa sayo ang kapangyarihan na yan!" Nanggagalaiti nitong sigaw saka lumipad pataas...
Nagbago na din ang anyo ng babaeng naka-itim na chiton kanina na ngayon ay nakapajama na...
"Nasaan si Nyx?" Tanong ng nakaitim na lalaki sa tabi ng babaeng nagpalit ng suot...
"Matapos ang nangyari sa organization ay hindi na sya nagpakita, ngunit ang kapangyarihan nyang nasa akin ay unti-unting lumalakas" Sagot ko saka ikinumpas ang mga kamay at mabilis na lumubog ang mga anino sa dilim...
"Ano ang iyong pangalan?" Tanong nito ulit sa akin..
"Ang pangalan ko ay Arya"
BINABASA MO ANG
Herrscher: The Mistress of Shadows
FantasyIn the battle between light versus darkness, given in the circumstances, the light should always win, however not all darkness is evil, and how can a light shines when there is no darkness? Right?