ARYA
Iminulat ko ang mga mata ko at bahagyang napahawak sa aking ulo ng bigla itong sumakit...
Maingat akong tumayo mula sa bathub at lumipat sa shower, nakatulog pala ako sa pagbababad...
Nang makapagbihis ay agad akong pumunta sa living room at binuksan ang tv...
Weekend ngayon kaya heto ako, mamamatay sa buryo, hindi naman kasi pwede gumala dahil hindi pa tapus ang quarantine na ibinaba ng gobyerno dahil sa isang pagsabog na naganap 1 week ago sa isang government facility na malapit lang dito...
Abala ako kakanuod ng tv ng biglang tumunog ang telepono na nasa side table na nasa tabi ng couch na inuupuan ko...
"Hello Honey, kamusta ka?" Malambing na sabi ni Mom mula sa kabilang linya..
"Ayos lang Mom, ikaw? Seryoso ba talaga ang nangyayari dyan? Buryong-buryo na ako dito, Gusto ko nang gumala" Reklamo ko sa kanya...
"It well be back to normal soon Honey, pero sa ngayon wag ka munang gumala, inaanalyze pa namin kung may nangyaring chemical leak mula sa pagsabog, basta wag ka munang lumabas, and take care yourself, always" Napangiti na lamang ako saka nya ibinaba ang tawag...
Pero kahit ganun hindi parin nawala ang pagkaburyo ko, kaya napagdesisyunan ko na umakyat sa rooftop at doon tumambay...
Sumalubong sa akin ang sikat nang araw at medyu malamig na simoy ng hangin...
Tinanaw ko ang mga karatig na gusali at inaliw ang sarili sa panonood nga mga taong tulad ko ay nasa kani-kanila ring rooftop...
"Arya"
Bahagya akong napatigil sa pagtanaw sa mga gusali at nilingon ang aking likuran...
Sa pintuan kung saan ako kanina lumabas ay may nakadungaw na isang babae, hindi ko sya kilala kaya napakunot naman ang noo ko kung paano nya nalaman ang pangalan ko...
"Kailangan mong mag-ingat, dahan-dahan na silang nagigising" Sabi nya saka pumasok sa loob, nagtataka naman akong lumapit sa pinto at hinanap ito ngunit hindi ko na ito nakita...
Nagkibit balikat na lamang ako saka pumasok para bumalik sa apartment...
Dumaan ang ilang linggo hanggang sa ipinawalang bisa na ng awtoridad ang quarantine, at balik narin sa dati ang mga buhay-buhay ng bawat tao na nandito sa syudad...
"Arya, night out tayo mamaya? Namiss naming gumala" Aya ni Emily habang nasa tabi nito ang kambal na Williams, sina Hannah at Helga...
"Oo nga Arya bonding naman tayo" Sabay nilang kumbinsi sa akin na ikinangiti ko...
"Sure, namiss ko rin naman kayo so, after class diretso night out na tayo" Sagot ko sa kanila na ikinatalon ng kambal, habang na masayang nakatingin sa kanila ay nabaling ang tingin ko sa bintana na nasa hallway ng classroom namin, doon nakita ko ang pamilyar na babaeng nakatingin mismo sa akin...
Itinuro nya ang wrist nya na animoy may gustong sabihin, tinignan ko na rin ang wrist ko at nakita ang wrist watch ko, nang tignan ko uli sya sa kinaroroonan nya ay wala na naman sya...
"Arya, okay ka lang?" Tanong ni Hannah saka tumingin sa labas ng classroom...
"I didn't know you have a thing for Kyle" Biglang puna ni Helga na ikinakunot ng noo ko..
"Ano? Hindi noh, beside he's not the I'm looking" Paliwanag ko saka kinuha ang bag ko at tumayo...
"Magkita na lang tayo sa tapat ng Pandemonium" Paalam ko sa kanila at lumabas ng classroom..
Habang naglalakad ay napansin ko ulit ang babaeng nagpakita kanina sa labas ng classroom, she keep gesturing me her wrist, umakto na lang ako na hindi ko sya napansin at binilisan ang paglalakad...
Nang makita ang pupuntahan kong store ay agad akong pumasok...
At tulad parin ng huli kong pagbisita ay ganoon oaein ang lugar, puno ng mga tatto design at medyu dim ang mga ilaw...
"Arya, hindi ka man lang nag-abiso na dadalaw ka" Gulat na pahayag ni Ted, isang Tattoo Artist...
"Kamusta? May mga customer ka na ba?" Tanong ko dito saka inilapag ang bag sa couch na nasa mini lounge nya...
"Wala pa naman, pero baka maya-maya meron na, andito ka na eh" Bola nya saka may kinuhang album na mukhang bagong design ng mga tattoo na ipinipresent nya sa mga customer nya...
"Mukhang marami kang nagawa noong may quarantine ah" Puna ko habang iniisa-isa ang mga gawa nya....
Napatingin ako sa kanya nang maupo sya sa opposite na couch at nakitang tinitignan nya ako ng mabuti...
"Ano ba talaga ang sadya mo dito?" Tanong nito na ikinabuntong hininga ko...
"Naka-experience ka na ba na may sumusunod sayo?" Tanong ko sa kanya...
"So may stalker ka?" Balik nyang tanong sakin na ikinailing ko..
"Hindi, may isang babae kasi na kahit saan ako magpunta nakikita ko sya and she keep gesturing her wrist na parang tinutukoy nya ang oras" Paliwanag ko...
Tinignan nya lang ako na parang nakadrugs ako saka umiling...
"Pasensya pero hindi ko masasagot yan, para kasing hallucination yang nararanasan mo, I suggest you should see a doctor or tell that to your Mom" Payo nya....
"I don't know, masyado paring busy si Mom, pag-iisipan kong pumunta sa doctor gaya ng sabi mo, but tonight, magnanight out kami ng mga girls" Sabi ko sa kanya saka nagpuppy eyes...
"Titignan ko kung makakahabol ako, isa pa girls night out yan, hindi naman ako babae" Natatawa nyang sagot kaya nagpaalam na ako sa kanya...
Pagkalabas ko inilibot ko ang paningin sa paligid pero wala na ang babaeng nakaitim na bestida...
Ngunit pagpihit ko ng aking katawan paharap ay halos matumba ako sa gulat ng dahil naroon sya, sa mismong aking harapan dalawang metro ang layo mula sa akin...
"Don't stay in the dark for too long" Sabi nito at tumalikod...
Naglakad ito papalayo sa akin, hindi ko maiwasang mapatingin dito at isang bagay ang napansin ko...
Sa lahat ng taong kasabay nya, ay sya lang ang walang anino...
BINABASA MO ANG
Herrscher: The Mistress of Shadows
FantasyIn the battle between light versus darkness, given in the circumstances, the light should always win, however not all darkness is evil, and how can a light shines when there is no darkness? Right?