ARYA
Matapos kong ayusin ang sarili ay mabilis na akong umalis at pumunta sa Pandemonium, isang sikat na bar sa buong syudad...
Pagdating ko doon ay naabutan ko na masayang nagkukwentuhan sina Emily at ang dalawang kambal habang may tatlong lalaki na nakaupo sa mga tabi nila...
Maaga pa pero lumalandi na sila, napailing na lang ako saka naupo...
"Akala namin di ka na dadating, kanina pa kaya kami naghihintay" Tampong salubong sa akin ni Hannah..
"Nakatulog kasi ako, tsaka mukhang nag.eenjoy naman kayo eh" Parinig ko habang nakatingin sa kanilang tatlo...
"Well, halata ba masyado, anyways boys this is Arya, our other friend na kanina pa namin kinukwento, Arya, this is Jack, Victor and Jess" Pakilala sakin ni Emily kaya ngumiti naman ako at naglagay ng inumin sa extrang baso na nasa mesa...
"Mukhang kung ano-ano ang mga pinagsasabi nyu sa tatlong ito tungkol sa akin, tsaka wag nga kayong mang-inggit" Reklamo ko sa kanila nang makita na oara na silang mga kambal na saging dahil sa dikit na dikit sila...
"Oh come on Arya, girls night ngayon at alam mo naman kung ano meaning nun diba?" Tanong nito na ikinairap ko, may mabibinyagan na namang bulaklak...
Binottoms up ko na lang ang kakalagay kong inumin saka tumayo...
"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Helga ng mapansin na tumayo ako...
"It would be unfair na ako lang ang walang partner diba" Nakangisi kong sagot sa kanya at napangiti narin sya...
Umalis ako sa table at pumunta sa Bar counter, umorder ako ng isang ladies drink at pasimpleng sinipat ang mga lalaking nasa paligid...
Maya-maya ay napabuntong-hininga na lamang ako, bakit ba ako naghahanap ng lalaki eh alam ko naman sa sarili ko na hindi naman iyon ang pinunta ko dito...
"Looks like you have a big problem" Napalingon ako at nakita ang isang lalaki, he's hot but not my type...
"Hindi naman malaki, disappointed lang ako kasi after the quarantine I expected na magiging literal na night girls out namin ngayong gabi but as expected mga tigang lang pala ang mga gaga" Pagkukwento ko na ikinatawa nya...
"Sorry sa words pero ganun talaga ako magsalita, I always speak whats in my mind" Pagrarason ko saka ininom ang alak na nasa harap ko...
"Don't worry, I like those kinds of traits in people" Nakangiti nitong sabi kaya ngumiti din ako...
'Run away Arya!'
Bigla akong nabingi at tanging pamilyar lamang na boses ang aking naririnig...
'They are here Arya!'
Napahawak ako sa aking ulo at napasandal sa counter, naramdaman kong may humawak sa akin, iwinaksi ko ito at sinubukang magtungo sa cr...
Pagtingin ko sa repleksyon ko sa salamin ay nakita ko sa tabi ko ang babaeng sumusunod sa akin kanina, ganoon parin ang suot nya....
"W-Why are you following me!?"Sigaw ko sa kanya...
'Nandito sila para kunin ka'
Babala nito saka itinuro ang bintana namg cr na bukas...
'Run Arya!'
Sigaw nito at biglang nagbago ang itsura, dumilim ang buong mata nito na may tumutulong itim na likido, nabasag din ang salamin kaya mabilis akong lumabas ng cr, pero imbis na sumunod sa sinabe nito ay bumalik ako sa pwesto namin....
"San ka pupunta Arya?" Pagtatakang tanong ni Emily...
"Biglang sumama ang pakiramdam ko" Sagot ko saka sinubukang umalis pero may humawak sa braso ko...
"Are you okay? You look pale" Nahintakutan ako sa ngiting ibinigay sa akin ni Helga, alam kong siya iyon pero may nagsasabing ding wala sya sa sarili nya ngayon...
Isa pa purong itim ang mga mata nya at nang tignan ko ang mga tao sa paligid ay ganoon din ang sitwasyon nila, na parang sa isang iglap ay naging mga puppet sila...
"Let's stay for a while Arya" Sabat ni Hannah, nagpumiglas ako para makawala sa hawak ni Helga...
'Kung hindi ka ba naman matigas ang ulo' Singhal ng boses sa utak ko at sa isang iglap ay tumigil ang lahat ng tao sa paggalaw...
'Now run, wag kang lumabas sa front o back door, doon ka sa banyo lumabas' Insist kaya agad ko naman itong sinunod...
Nilock ko muna ang cr at saktong bigla itong kinalampag na ikinasigaw ko...
'Wag ka nang pabebe lumabas ka na' Halos mabingi ako sa sigaw nang nasa utak ko...
Pilit kong iniangat ang sarili ko at lumabas sa bintana, nagpatihulog na lang ako dahil mga kumpol naman ng trash bag ang nasa baba....
"Now what?" Tanong ko sa boses na nasa utak ko...
'Run and never looked back, never trust anyone unless I say so' Babala nito at kahit naguguluhan ay patago akong umalis sa lugar....
Halos mawalan ako ng hininga at papasok na sana sa apartment ko ng may pumigil sa aking mga kamay, ng lingunin ko ang nagmamay-ari ng kamay ay nakita ko ang babaeng kanina pa nagsasalita sa utak ko...
"Lets leave this place tonight, dalhin mo lang ang importane sayo tulad ng pera" Utos nito kaya iwinaksi ko ang kamay nitong nakahawak sa kamay ko...
"Sino ka ba? At bakit ko kailangan umalis? Bakit kita kailangan pagkatiwalaan?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya...
"Ako si Nyx, bakit mo kailangan umalis? Sabihin na nating may naghahanap sayong isang organisasyon, they want something from you" Paliwanag nito....
"Organization? What organization? At ano yung kailangan nila sa akin?" Naguguluhan kong tanong...
"Ipapaliwanag ko sayo mamaya basta ang importante makaalis tayo ngayon dito, lalo na ikaw"
"No! Hindi ako aalis hanggat hindi malinaw sa akin ang mga nangyayari!" Sigaw ko sa kanya at binuksan ang pinto, na syang dapat ay hindi ko ginawa, bigla kasing umulan ng bala at kung hindi dahil sa isang itim na likido na sumalag sa mga bala ay patay na ako ngayon...
'I will have to control your body, mas matigas pala ang ulo mo kesa sa inaasahan'
Sabi ng boses na nasa utak ko at naramdaman ko ang mabilis na paggalaw ng katawan ko...
Napasigaw na lamang ako sa isip ko ng tumalon ang katawan ko sa hagdan, nang papalapag na ako sa semento ay biglang bumagal ang pgkahulog ko na parang may umalalay sa akin, nang tuluyan na akong nakatapak sa ground floor ay mabilis muling kumilos ang katawan ko, ngunit pagkalabas ko mula sa lobby ng building ay isang net ang sumalubong sa akin dahilan para mapatigil ako...
'Humans!' Sigaw ng boses sa utak ko bago ko naramdaman na bumalik na ang pandama ko, mukhang binalik na nito ang kontrol sa sarili kong katawan...
"Arya Anderson, ako si Smith, isang kawani ng secret organization sa ilalim ng gobyerno, I hope you will help us determine, what are you" Yun ang mga huli kong narinig bago ako turukan ng isang lalaki sa leeg na ikinahilo ko hanggang sa mawalan ako ng malay...
BINABASA MO ANG
Herrscher: The Mistress of Shadows
FantasyIn the battle between light versus darkness, given in the circumstances, the light should always win, however not all darkness is evil, and how can a light shines when there is no darkness? Right?