ANNA
"Nick lalabas ka ba ngayon?" Tanong ko sa kanya pagkapasok ko ng kanyang silid, hindi ko sya nakita pero dinig ko ang paglagaslas ng tubig sa banyo...
"Oo mamaya, may pabibili ka ba?" Ang pasigaw nyang sagot at tanong...
"Wala naman, gusto ko kasing libutin ang syudad ng mag-isa, kaya gusto ko sanang magpaalam" Pagpapaalam ko sa kanya saka bumukas ang pinto ng banyo, nakatapis lang ito at nakasuot ng manipis na sando..
Pasimple akong tumalikod saka lumabas sa kanyang silid...
Inabutan nya akong nakaupo sa sala habang naghihintay sa kanya..
"Sigurado ka bang magiging maayos ka lang? Pwede kong macancel ang schedule ko para sayo" Pag-aalala nitong tanong...
"Ang mga kauri mo dapat ang iyong isipin, wala silang magagawa na makakasakit sa akin, ngunit ako, marami akong paraan para masaktan sila" Pahayag ko na ikinakamot nya lang ng noo saka tumango...
Sabay kaming umalis sa condo nya at ibinaba nya lang ako sa isang gusali na mall kung tawagin...
Binigyan nya rin ako ng isang maliit at manipis na bagay na kung tawagin ay credit card, pwede ko kasi yung gamitin kapag may gusto akong bilhin...
Kahit isang linggo na ako dito sa mundo ng mga mortal ay ngayon lang talaga ako makakapaggala...
Noong mga nakalipas na araw kasi ay ginugol ko sa paghahanap ng paraan para ako ay makabalik, ngunit aking pagkakadismaya ay wala akong nakita, ang mga nakapaloob sa mga computer ay pawang mga walang silbi, at ang tanging pagpipilian ko na lang ay ang babaeng kayang kumontrol ng anino, ngunit hindi ko rin ito mahagilap kahit pa gamitin ko ang mga ritwal na alam ko...
Lahat ng madaanan kong kainan ay talagang pinapasukan ko at bumibili ng isang putahe para tikman, noon sa palasyo ay hindi ko ito nagagawa dahil masyadong strikto ang aking personal na kusinera pagdating sa aking kinakain, kailangan ay hindi ako tataba sa mga inihahain nya na pawang paulit-ulit lamang...
Kaya susulitin ko ang araw na ito...
NARRATOR's POV
Samantala habang may kanya-kanyang ginagawa ang grupo nina Arya sa pagmonitor kay Anna ay napagdesisyunan ni Hailey na umidlip...
Ngunit pagkapasok nya pa lang sa kanyang silid ay isang pangyayari ang nangyari...
Biglang may lumukob na ilaw sa kanyang buong katawan na kulay lila...
Nang mawala ang ilaw ay makikita ang pag-babago sa pisikal na katawan ng dalaga, naging mas balingkinitan ang katawan nito na may napakaamo at nakakaakit na itsura, ang kanyang presensya din ay mas naging maawtoridad at naramdaman iyon nina Hades at Arya...
Nagkatinginan ang dalawa ngunit tanging si Arya lang ang may bakas ng pagtataka sa presensyang nadama...
"The Goddess of Love has descended" Sabi lang nito saka may dahan-dahan na lumabas sa pasilyong patungo sa kanilang mga silid...
Napatulala silang lahat habang nakatingin kay Hailey na mababakas ang malaking pagbabago sa aura...
"Kneel" Isang malakas na pwersa ang biglang humila sa kanila paluhod...
Tanging si Hades at Arya lang ang naiwang nakatayo, kahit si Krysta ay hindi nakayanan ang malakas na pwersa...
"I did not expect to see you here Hades, helping a mortal is not your style if I remember" Malumanay ngunit naghahatid ng masarap at delikadong pakiramdam sa lahat ng naroroon...
"And you" Patukoy nito kay Arya na halatang hindi komportable sa ipinupukol na tingin ni Hailey gamit ang kulay lilang mga mata...
"Why I feel the presence of darkness in you? Who are you?" Maawtoridad nitong tanong...
"You can't use your ability in her Aphrodite, she has Nyx in her" Pagpapaalam ni Hades...
"Nyx? The Primordial Goddess?" Nakakunot nitong tanong na ikinatango ni Hades, agad na makikita ang galit sa mga mata nito habang nakatingin kay Hades at kay Arya..
"Mukhang traidor ka na nga Hades, siding with a titaness" Komento nito saka umupo sa couch na nasa tabi nya, nawala na rin ang pwersa na humihila sa iba pababa kaya nakatayo na sila at nagtago sa likod ni Arya...
"K-Kung ganun hindi na si Hailey yan?" Tanong ni Chase na ikinatango ni Arya...
"Mukhang iniwan na ni Aphrodite ang olympus upang tumawid sa tarangkahan, at dahil mukhang mahina ang will ng babaeng yan at agad na nakuha ni Aphrodite ang katawan nya" Paliwanag ni Hades sa kanila..
"Kung ganun nasaan na ang totoong Hailey?" Tanong Helios...
"She is still here, sleeping" Sagot ni Aphrodite saka bored silang tinignan isa-isa...
I can see all the memories of this girl, looks like may kailangan kayong icontain...
Puna nya saka ngumiti ng matamis, agad naman makikitaan ang pagkamangha at paghanga ang tingin ng tatlong lalaki dito...
"I can help you with that, sa tulong ng kapangyarihan ko ay kaya kong paibigin ang warlock na yun sa lalaking kasama nya mismo, love can be a gift but sometimes it can cause destruction" Nakangisi niyang sabi, tango lang ang sinagot ng mga lalaki habang parang nauulol na nakatingin dito, habang sina Arya naman at Krysta ay nagkatinginan lang at napailing, kung ano man ang binabalak ni Aphrodite sana nga ay makatulong ito sa kanila, sa isip ni Arya...
ANNA
Naghihintay ako ngayon kay Nick dito sa labas ng mall, sinabe nya kasi kanina na dadaanan nya ako kapag tapos na sya sa trabaho...
Nakapaglibot-libot na din ako kanina, hindi lang dito sa mall kung hindi sa ibang parte pa nang lungsod, bumalik lang ako dito ng mag-aalas singko na...
Maya-maya ay pumarada ang pamilyar na sasakyan ni Nick, bumaba ang car window nito at nakangiti syang tumingin sa akin..
Lalabas pa sana sya ngunit umikot na ako sa kabilang bahagi ng kotse ay umupo sa tabi nya...
"Kamusta ang paggagala mo?" Tanong nito sa kakaibang tono, yung tipong nakangiti sya at napakalambing ng boses nya...
"Ayos naman, ikaw? Kamusta ang trabaho mo?" Balik kong tanong sa kanya..
"Maayos narin, ngayon nakita kita" Tuluyan nang napakunot ang noo ko dahil sa sinabe nya...
"Anong kalokohan yang pinagsasabe mo?" Tanong ko sa kanya..
"Wala, sabi ko tara na" Nakangiti nyang sabi saka pinaandar ang sasakyan, nakakunot lang akong tumango saka tumahimik na...
Pasimple lang akong humawak sa dibdin ko at pinakinggan ang tibok ng puso ko...
Mabilis ito na parang hindi ako makahinga pero masarap sa pakiramdam...
Ngayon lang ako nakaramdaman ng ganitong pakiramdam...
Napatingin ulit ako kay Nick na nakangiti parin, ng mahuli ako nito ay hindi ko mapigilang uminit ang aking pisngi...
Anong nangyayari sa akin? B-Bakit ako nahihiya sa kanya?
Ano ang bagong pakiramdam na ito? At bakit kay Nick ko lang iyo naramdaman?
BINABASA MO ANG
Herrscher: The Mistress of Shadows
FantasyIn the battle between light versus darkness, given in the circumstances, the light should always win, however not all darkness is evil, and how can a light shines when there is no darkness? Right?