KRYSTA
Matapos kong isara ang shop ay lumabas ako ng backdoor at mula sa isang eskinita ay lumabas ako sa isang side walk...
Nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin at napangiti...
"Masyado kang mababaw mortal" Rinig kong puna ng isang malalim na boses at sa tabi ko, naroon si Hades, nakasuot sya ng purong itim na kasuotan, sa katunayan sobrang gwapo nga nya at bagay sa kanya ang kulay itim, mas lalong mapupuna ang maputi nyang balat at perpekto nitong mukha...
"Bakit mo naman iyan nasabi?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami..
"Iyon naman ang katotohanan diba, mga mababaw kayong nilalang" Napasimangot naman ako sa kanya dahil sa sinabe nya, mukha kasing pinapalabas nya na walang kwenta ang mga bagay na nagpapasaya sa amin...
"Alam mo kasi Hades hindi lahat ng bagay ay nakukuha naming mga mortal, hindi kami tulad nyung mga Diyos na immortal, na kayang mapa-ibig ang sino man sa amin, at isa pa wala kaming kapangyarihan" Paliwanag ko sa kanya...
"Kaya ba nilalasap nyu ang bawat oras ng inyong buhay?" Tanong nya at tumango naman ako...
"Tsaka minsan masaya ang maging mababaw, kasi madali mo lang mahahanap ang kasiyahan na gusto mo, kayo bang mga diyos, ano ba ang nagpapasaya sa inyo?" Balik kong tanong sa kanya...
Natahimik sya sandali ngunit agad ding ngumiti, ngiti na may naalala..
"Isa lang ang nagpapasaya sa akin, at yun ang aking reyna, si Persephone" Sagot nya kaya sinundot-sundot ko ang tagiliran nya kaya naman nakiliti sya, tumigil lang ako ng may nakasalubong akong dalawang matanda at nagbubulungan habang nakatitig sa akin...
"Hindi porket sinabe ko sayo ang nakakapagpasaya sa akin ay ibig-sabihin magkaibigan na tayo, mortal ka lang at diyos ako, tandaan mo yan" Namumulang nyang pahayag kaya umuoo na lang ako...
"Nga pala Hades, hindi ba maaaring magkasundo kayo ng mga Titans? Yung mamuhay na lamang kayo ng payapa habang magkasama" Paliwanag ko sa kanya na agad naman ikinaseryoso ng mukha nya...
"Iniisip mo ba ang pinag-usapan namin ng gatekeeper kanina?" Tango lang ang isinagot ko at hinintay ang sagot nya...
"Magkaiba kasi ang pag-iisip naming mga Olympians at ng mga Titans, kahit kami nga ay minsan ring nag-aaway para sa dominance namin sa isa't-isa" Sagot nya...
"Isa pa magiging livestock tayong lahat kapag sila ang naghari sa mundo" Dagdag pa nya...
"Hindi rin pala kayo naiiba sa aming mga mortal" Komento na ikinatahimik nya lang...
Malapit na ako sa apartment na tinutuluyan ko ng bigla akong makarinig ng sunod-sunod na kidlat...
Dumilim din ang kalangitan na animoy uulan...
"Maghanda ka Krysta, mukhang nasa paligid si Zues" Napahigpit naman ang hawak ko sa sling bag na suot ko dahil sa sinabe nya, maya-maya ay may tumamang kidlat ilang metro mula sa amin na syang ikinasigaw ko...
"Hello Brother" Pagtawag ng isang baritonong boses mula sa usok na nilikha ng kidlat...
Nang nahawi ang usok ay tumambad sa akin ang isang middle age man na nakasuot ng sira-sirang suit...
"One day I'm in olympus then in a second I'm trap with this filthy body" Pang-iinsulto nito sarili saka lumapit sa akin...
"Bakit naman ganyan ang itsura mo?" Alanganin kong tanong sa kanya...
"Well when I open my eyes I was falling in an active volcano, and the rest is history" Paliwanag nito at kahit labag sa loob ko ang magpapasok ng isang divine entity sa bahay ko ay ginawa ko, buong magdamag ding hindi umiimik si Hades sa tabi ko...
"Why on Olympus I am here anyway?" Tanong nito sa akin kaya napatingin ako kay Hades, ano namang isasagot ko, tsaka bala patamaan ako ng kidlat nito kapag hindi nito nagustuhan ang sasabihin ko...
"Baka mahigop ka din ng tarangkahan na binuksan ng gatekeeper kaya ka nandito" Paliwanag ni Hades na halatang walang gana..
"The gatekeeper!? How dare she!?" Napasigaw ko ng sabay upo ng biglang kumidlat ng malakas...
"Kumalma ka Zues, kung ano ang plano ng gatekeeper at binuksan nya ang tarangkahan ay hindi ko pa alam" Paliwanag ni Hades kaya muling umupo si Zues..
"Tsss" Suplado nitong sagot saka umirap...
Napabuntong-hininga na lamang ako saka pumasok sa kwarto...
Una isang gatekeeper ngayon nandito naman sa mismong bahay ko ang hari ng mga diyos, nakakastress, sana naman ito na ang huli...
Hating gabi ng magising ako dahil sa pagkauhaw, paglabas ko ng sala ay wala doon si Zues at wala akong pakialam, mabuti na nga iyon...
Lalagok na sana ako ng tubig ng isang pagsabog ang sumira sa sala ko...
Nang lingunin ko ang sala ay naroon si Zues sa sirang couch duguan pero nakangiti...
Nakanganga akong lumapit sa kanya pero kaagad syang lumipad, nang tignan ko kung saan sya nagtungo ay kaharap nya ang apat na teenagers, anong nangyayari??
"Maghanda ka Krysta, mukhang hindi pa nagigising ang mga diwa ng apat na olympians na yan" Biglang paglitaw ni Hades sa aking tabi...
"Anong gagawin natin? They destroyed my apartment!" Tili dahil sa pagkairita...
"Bakit, kaya mo na bang lumaban?" May pan-iinsulto niyang tanong na ikinasama ng titig ko sa kanya...
Inisip kong lumutang papunta sa tabi ni Zues and surprisingly ay agad naman akong umangat...
"Mortal, I am terribly sorry about your home" Matalim lang na tingin ang ipinukol ko sa kanya kaya agad itong tumahimik...
"Sino kayo at bakit kayo nanggugulo?" Tanong ko sa kanila...
"We protect this city from the entities like you" Sagot ng nag-iisang babae sa kanila...
"Excuse me, eh nananahimik ako sa bahay ko tapus bigla kayong maglalaban!" Bulyaw ko sa kanila at napansin na biglang nagbago ang aking damit, biglang napalitan ang pajama ko ng itim na chiton na may mga gintong linings, napansin ko din ang itim na koronang lumitaw sa ulo ko....
"Damn! You look badass!" Komento ni Zues na hindi ko pinansin...
"Now if you want a fight, I will gladly give it to you" Sabi ko at nagpalabas ng ibat-ibang hugis ng diamonds mula sa aking kamay na agad na pamalibot sa akin...
Sa pagkumpas ko ay parang buhangin na sinunod ng mga diamante ang aking gustong ipagawa sa kanila..
Mabilis naman na nakailag ang apat na naghiwa-hiwalay...
"Now beat them one by one" Sabi ko kay Zues na agad nyang ikinangiti..
"My pleasure!" Mabilis syang nawala sa aking tabi at hinarap ang lalaking may kakayahan na kayang kumontrol ng apoy...
"Para sa unang beses, ang iyong kakayahan ay sadyang nakakahanga" Komento ni Hades habang nakalapat ang isang kamay sa aking balikat...
"Ang apat na yan ay sina Apollo, Ares, Aprhodite at si Hermes" Papapaalam ni Hades...
"Helios!" Sigaw ng nag-iisang babae ng makitang nawalan ng malay ang lalaking sinapian ni Apollo at nahulog...
"Pagbabayaran nyu ito!" Sigaw nya saka nag.emit ng kulay lilang aura...
At may masama akong kutob sa aura na lumabas na yun sa kanya...
BINABASA MO ANG
Herrscher: The Mistress of Shadows
FantasyIn the battle between light versus darkness, given in the circumstances, the light should always win, however not all darkness is evil, and how can a light shines when there is no darkness? Right?