ARYA
Papunta kame ngayon ni Krysta sa meeting room kaya iniwan ko muna si Mom sa kwarto kung saan ito inilagay ni Uriel...
"There is some enchantment present in your Mom's body" Biglang sabi ni Hades sa akin na nagpatigil sa amin ni Krysta...
"Enchantment?" Pagtataka ko sa kanya...
"Yes, a magic done by a warlock, nakakita na ako nun kaya alam ko kung paano kumilatis ng klase ng mahika, mukhang warlock ang nilalang na nakasagupa mo" Sabi pa nito...
Kung ganun kailangan kong balikan si Mom...
"Arya?" Tawag sa akin ni Krysta...
"Wala kang dapat gawin mortal, kapag nalagay na ang isang enkantasyon ay maaari lang itong mawala kapag pinahintulutan nang syang may gawa nito, ang mas mabuti mong gawin ay makipagtulungan kung paano ninyu mahuhuli ang warlock, sa ganung paraan ay maliligtas ang iyong ina" Labag man sa aking loob ay sumang-ayon ako kay Hades, isa syang diyos kaya dapat lang na sundin ko ang mga payong ibibigay nya...
Pumasok kami sa meeting room at bumungad sa amin ang isang di-kalakihang silid ngunit may mga computers at projectors na naroroon...
"Ngayong kumpleto na tayo ay sisimulan na natin ang pagpaplano" Sabi ni Helios saka bumaling sa akin...
"Arya, sa naiisip mo anong ability ang mayroon ang nakalaban mo?" Tanong niya sa akin, napaisip naman ako saka ko binalikan ang pakiramdam habang ginagamitan ako ng ability ng babaeng warlock...
"Hindi ako sigurado pero parang may kinokontrol sya sa akin, not my brain kasi nakakapag-isip parin ako, ano ba yung present sa body natin na parang pangkalahatan?" Tanong ko sa huli...
"Well our body is 70% percent dependant, baka isang water bender ang warlock na iyon" Sabat ni Hailey na halatang hindi seryoso...
"Well we can consider it, ano pa ang kaya nyang gawin?" Tanong nito na ikinailing ko, yun lang naman kasi ang ginawa nya sa akin....
"Warlocks are opposite of Mages or Magus, mas gamay nila ang Dark Magic o mga Ancient magic, nakakagawa din sila ng enkantasyon na umuubra lang kapag natapos nila ito sa isang ritual" Sabat ni Hades na ikinatango ni Helios...
"Now saan mo sya last na nakita??" Napaisip naman ako...
"Isang depatment store malapit sa bundok kung nasaan ako, pero bukod sa kanya may kasama syang lalaki" Kwento ko saka diniscribe ko ang itsura ng lalaki, may kung anong kinalikot si Helios sa computer saka lumabas ang imahe ng lalaking nakita sa projector...
"His name is Nick Henderson, anak ng isang middle-time businessman at may ilan silang pagmamay-ari na condo unit dito sa city" Sabi niya saka ulit kumalikot ng keyboard...
"Sa ngayon na floor 20, room 213 sya ng Albion Tower ngayon and base sa CCTV ay umuwi sya kani-kanina lang na may kasamang babae" Monologue ni Helios saka zinoom ang part kung saan nakatitig ang warlock sa mismong cctv...
"She gives me creep, sya ba yan Arya?" Reklamo at tanong ni Hailey na ikinatango ko naman...
"Now that we know where our target is, we need to have a plan" Mukhang ito ang magiging unang official mission namin as a team, I wonder kung kamusta naman si Astrid sa paghuhunting nya sa organization...
Napagdesisyunan naming mas obserbahan pa si Nick at si Anna, ang Warlock na syang target namin, nalaman namin ang pangalan nya noong magising si Mom at mukhang wala sa kontrol nito...
Pero agad din namin itong pinatulog gamit ang mahikang alam ni Hades...
Maaari kasing gamitin sya ni Anna laban sa amin kaya mas mabuting immobilize sya habang ginagawa namin ang obserbasyon at kapag isasagawa na namin ang plano...
Magtatakip-silim na at kasalukuyan akong nasa rooftop habang nakatingin sa paligid...
Papalubog na ang araw at nararamdaman ko na rin ang dahan-dahan na pagkagising ng aking kapangyarihan...
Napapikit ako ng maramdaman ko ang paglabas ng maitim kong pakpak...
Kahit ilang gabi na itong lumalabas sa likod ko ay hindi ko parin magawang masanay...
"Long time no see, Arya" Bigla akong napadilat at napalingon sa direksyon kung saan nanggaling ang pamilyar na boses...
At mula sa kinatatayuan ko, nakita ko si Nyx, nakasampa ito sa railings at nakadipa ang dalawang mga braso sa ere habang inaalon ang napakaitim nitong buhok...
"Hindi ako magtatagal Arya, gusto ko lang sabihin na--" Tumigil sya sa pagsasalita at ngumiti nang nakakapangilabot, agad kong naalala ang itsura nya noong huli ko syang makita, isa syang bangungot, lalo na ang presensya na naramdaman ko sa kanya noong mga oras na yun...
"Ikaw ang magiging dahilan ng aking pagkakaroon ng katawang lupa at katapusan ng kasalukuyang mundo" Saka sya biglang mawala...
Naging alerto pa ako at luminga sa paligid bago ako pumasok sa gusali...
ANNA
"Nick, pwede ba tayong umakyat sa rooftop ng gusaling ito?" Tanong ko sa kanya habang sya ay nagtatrabaho...
"Hindi pwede Anna, exclusive lang kasi ang rooftop sa may ari ng penthouse na nasa pinakataas na palapag, at isa pa may sariling elevator at staircase ang penthouse na yun na tanging ang may-ari lang ang may access" Paliwanag nya na ikinatango ko...
Napasingkit na lang ang mata ko habang nakatingin sa kisame, nakakapagtaka kasing hindi ko maramdaman ang presensya na nasa pinakamataas na palapag, pero nararamdaman kong may lumulukob doong uri ng proteksyon...
Hindi kaya may Magu o Warlock din ang nasa gusaling ito? Ang nakakapagtaka din ay hindi ko na mapasok ang isipan ni Elvyra...
Mukhang nalaman ng kanyang anak na kaya kong pasukin at kontrolin ang katawan ng kanyang ina...
Pakiramdam ko rin ay parang may nakamasid sa akin palagi, sinabe lang ni Nick na baka cctv iyon o isang gamit ng mga mortal upang bigyan seguridad ang isang gusali tulad nito...
Pero kahit ganun ay hindi parin nawala ang ganoong pakiramdam sa akin, sa huli ay hinayaan ko na lang ito at baka guni-guni ko lamang...
BINABASA MO ANG
Herrscher: The Mistress of Shadows
FantasyIn the battle between light versus darkness, given in the circumstances, the light should always win, however not all darkness is evil, and how can a light shines when there is no darkness? Right?