HELIOS
Kasalukuyan akong nanonood ng telebisyon ng makaramdam kami sa loob ng karenderia ng malakas na pagyanig ng lupa, halos magpanic ang lahat pati na ako na mabilis na sumuot sa ilalim ng mesa kung saan ako kumakain...
Tumagal ang pagyanig ng isang minuto bago tumigil, matapos iyon ay nagkaroon ng komusyon at lahat ng tao ay nagtungo sa labas na animoy may gustong makita...
Buhat ng aking kuryusidad ay lumabas din ako at nagpatianod sa daloy ng mga tao...
Sa unahan ay marami ang nagkukumpulan, pinilit kong siniksik ang sarili ko upang makita ang kanilang pinagmamasdan, nang tuluyan kong makita ang kanilang pinagtitipunan ay halos hindi ako makapaniwala...
Ang isang buong establishment kasi ma noon ay nakatayo sa harap namin ay tanging hukay na lamang ang natira...
Masyadong malinis ang pagkakakuha dito na animoy hiniwa ng matalim na kutsilyo bago kunin....
"Ano pong nangyari?" tanong ko sa kapwa ko usisero....
"Hindi namin alam, basta ang nakita namin ay habang lumilindo ay dahan-dahan na lumalabo ang establishment na nakatayo dito kanina hanggang sa tuluyan na nga itong nawala" Paliwanag nito saka may mga helicopter na dumating at pinaalis kaming lahat sa lugar...
Habang naglalakad ay gumawa ako ng mensahe na agad kong sinend sa mga kasamahan ko...
Ilang minuto na byahe ay bumaba ako sa isang mataas na building at umikot sa likod, may sikretong elevator ang nandoon kung saan agad akong pumasok...
Ang elevator na ito ay para lang sa top floor kung nasaan ang isang penthouse...
Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas at sa living room ay nakita ko ang mga taong pinadalhan ko ng mensahe kanina...
"As usual late ka na naman" Bored na sabi ni Hailey habang nakaupo sa couch at nakalingon sa akin...
"Anong meron at nagtipon tayo ngayon?" Tanong ni Chase habang nagsasalin ng tubig sa baso...
"We have a serious case right now" Panimula ko saka sumamdal sa kitchen counter di kalayuan sa living room...
"Is this about sa establishment na bigla na lang nawala na parang bola?" Tanong ni Uriel na syang ikinatango ko...
"Mukhang may bagong entity ang gumagala sa city at syang may gawa ng aksidente kanina" Saad ko saka pinaglaruan ang bola ng apoy na lumitaw sa aking palad...
"We need to identify this entity and capture it, hindi natin alam kung ano pa ang mawawala kapag nagpakita ulit ito" Paliwanag ko...
"So whats the plan?" Tanong ni Hailey...
Agad naman naming tinungo ang silid kung saan naroroon ang one of a kind computer na may sariling server at sattelite...
"Kailangan muna natin malaman kung ano ang nasa establishment na iyon" Sabi ko saka inencode ang address ng establishment at agad na lumitaw ang lahat ng information na nasa street na iyon...
Cinlick ko ang picture ng establishment na hinahanap namin at agad na lumitaw ang ang lahat nang impormasyon patungkol sa establishment...
"Isang commercial building, bakit naman magkakainteresan ng isang entity ang isang commercial building??" Nakakunot na tanong ni Chase...
"Base sa pagkilos ng militar kanina ay mukhang isang pantakip lang ang commercial building sa kung anong nangyayari sa lugar na yan" Komento ni Uriel kaya agad kong hinanap ang structural map ng establishment at doon namin nalaman na maraming palapag pa pala ang nasa underground nito, kaya pala napakalalim ng hukay kanina oara sa isang one storey commercial building...
BINABASA MO ANG
Herrscher: The Mistress of Shadows
FantasyIn the battle between light versus darkness, given in the circumstances, the light should always win, however not all darkness is evil, and how can a light shines when there is no darkness? Right?