ARYA
Matapos ang kalahating oras ay may ibinalita ang aking inutusan anino, nakita nila ang aking ina na nasa isang grocery store malapit sa entrada ng bundok, ngunit kasama nya ang babaeng pumatay sa tatlong lalaking kasama ko ngayon...
Hindi na ako nag-aksaya ng sandali at pumunta sa grocery store na tinutukoy ng aking anino...
Lumapag ako sa likod nito at tinago ang aking itim na mga pakpak...
Nabungaran ko silang tatlo na nagtatawanan, unang kita ko pa lang sa babae ay bigla na aking ginapangan ng kakaibang sensasyon ngunit hindi ko pinahalata...
Napatigil si Mom ng makita nya ako at halatang hindi nya ikinatuwa ang pagsuway ko sa kanyang bilin, but this is excemption, may on the loose na powerful entity at kasama pa nya...
"Mom I can explain" Panguna ko sa kanya pero hindi nya ako pinakinggan...
"Ilang beses mo ba akong susuwayin Arya!" Pagalit na bulong nito...
"Mom, that girl is dangerous, we need to get out of here now" Paliwanag ko at nagpanic pa ako ng makitang tumayo ito at lumabas...
"Mom please, siya ang pumatay sa mga bagong anino na napadpad sa bundok" Paliwanag at pagmamakaawa ko sa kanya...
"May problema ba Elvyra?" Tanong nito kay Mom kaya agad ko itong tinago sa aking likuran...
"Ayos lang lahat, Mom ko sya kaya kailangan na naming umuwi" Sagot ko sa kanya at tinignan sya sa mata...
Ganun din ang ginawa nya sa akin ngunit namalayan ko na lang na hindi ko na maigalaw ang aking katawan, naging pula din ang kanyang mga mata na maihahalintulad sa dugo...
"Hindi ka isang tao" Puna niya, bago pa kami magkasakitan ay inilubog ko sa Mom sa sarili kong anino, hindi ko man maigagalaw ang aking katawan pero magagamit ko pa naman ang aking ability...
"Anong klasing nilalang ka? Paano ka nakalampas sa tarangkahan?" Tanong ko sa kanya, napansin ko ang pagtataka sa kanyang mukha pero agad ding sumingkit at naramdaman ko na lang na sinasakal ko na ang aking sarili...
"Anong tarangkahan ang pinagsasabi mo? Alam mo ba kung bakit ako napunta dito? Ikaw ba ang may gawa nun?" Pagalit na ang kanyang tono pero halatang pinipigilan nya...
"H-Hindi ko a-alam, ang gatekeeper, s-siya ang tanungin mo" Sagot ko saka nya inilapit ang kanyang mukha sa akin, may sinambit syang kung anong lengwahe saka nya ako siniil ng halik...
Habang nangyayari yun ay biglang umahon ang tatlong lalaki mula sa anino ng poste at kinuyog ang babae...
Humihingal akong napaupo saka inilabas ang aking pakpak at umalis...
Dumiretso ako sa Albion tower at sa mismong glass window ako dumaan na naging dahilan para mabasag ito...
Naabutan ako nina Uriel at Hailey na humabangon habang humihingal, inilabas ko din si Mom sa aking anino na walang malay...
"What happened? bakit ka may marks nang mga kamay sa leego mo?" Pagtatakang tanong ni Hailey habang binibigyan ako ng tubig...
"Mukhang may nakalagpas na sa tarangkahan ni Astrid" Unang paliwanag ko kaya bahagya siyang nagulat...
"Anong itsura nya? Sya ba ang may gawa nyan?" Tanong niya na ikinatango ko...
"Ewan ko pero kinontrol nya ang sarili kong mga kamay at ginamit nyang pansakal sa akin, nakaalis lang ako nang kinuyog sya ng mga aninong pinatay nya doon sa bundok kung saan ako naglalagi" Paliwanag ko, hindi naman kasi telekenises yun, ewan ko pero something inside my body is reacting noong ginamit nya ang ability nya...
"Arya? Napano ka?" Pagtatakang tanong ni Krysta nang lumabas sya mula sa elevator..
Kinwento naman sa kanya ni Hailey ang kinwento ko dito, tumango lang ito saka tumabi sa akin...
"Yan din ang gusto ko sanang sabihin, naramdaman ni Hades na may pumasok na mga kaluluwa sa Underworld na sabay pinatay sa pamamagitan ng isang enkantasyon" Saad nya kaya napatingin ako kay Hades, seryoso lang din syang nakatitig sa akin kaya ako na ang umiwas mg tingin...
"Maya-maya nandito na si Helios, makakapagplano na din tayo" Singit ni Uriel, kakadating nya lang dahil sya ang nagbuhat kay Mom papunta sa isang bakanteng kwarto...
ANNA
Mabilis ang aking paglalakad kasabay si Nick, nasa kontrol ko parin sya kaya madali lang para sa akin ang pakikihalubilo sa mga taong nandirito...
Dinala kami ni Nick sa kanyang tahanan na nasa isang malaking gusali, namamangha man ay hindi na ako nagsalita, masyadong naiiba ang mundong ito sa Arenvelle, ang kanilang mga gusali ay napakataas at puro salamit, imbis na mga bato ay mga metal ang kanilang mga pader, ang kanilang kasuotan para sa babae ay sadyang napakabulgar...
Nang tuluyan kaming nakapasok ay umupo ako sa mahabang upuan na malambot at pumikit, maya-maya pa ay iminulat ko ang aking mata at nasa ibang silid na ako...
Nasa katauhan ako ngayon ni Elvyra, mabuti na lang pala at ginamitan ko sya ng enkantasyon, kailangan kong matunton ang babaeng kayang kumontrol ng mga anino, malakas ang kanyang kapangyarihan ngunit halatang hindi sya sanay gumamit nito...
Bumangon ako at saktong bumukas ang pinto, pumasok dito ang babae at nag-aalalang lumapit sa akin/ kay Elvyra...
"Mom, ayos ka lang ba? Sorry kung nagulat ka sa ginawa ko" Hingi nya ng patawad at naupo sa tabi ko...
"Tsaka delikado kasi ang babaeng iyon, mukha lang syang inosente pero may mga tao na syang pinatay, at isa pa isa din sya sa mga nilalang na lumabas mula sa tarangkahan" Paliwanag nya...
"Tarangkahan? Anong iyong pinagsasabe anak?" Painosente kong tanong sa kanya...
Magsasalita na sana sya ng pumasok ang isang babae, napatitig ako sa kanya, may kakaiba din sa babaeng ito, ramdam kong apat kami ang naririto pero tatlo kaming nakikita ko dito...
"Nasa labas na si Helios, magsisimula na taong magplano" Sabi nito saka umalis...
Ngumiti naman sa akin ang anak ng babaeng sinapian ko saka sumunod, ipinikit kong muli ang aking mga mata at bumalik na ang aking paningin sa tahanan ni Nick...
Mukhang hindi lang ang babaeng iyon ang may taglay na kapangyarihan, marami sila, ngunit kung hindi sila Warlock at hindi rin sila mga Magu, anong mga nilalang sila??
BINABASA MO ANG
Herrscher: The Mistress of Shadows
FantasiaIn the battle between light versus darkness, given in the circumstances, the light should always win, however not all darkness is evil, and how can a light shines when there is no darkness? Right?