ANNA
Hubot-hubad akong naglalakad ngayon sa kailaliman ng gabi sa gitna nang kagubatan...
Yakap-yakap ko ang aking sarili dahil sa lamig na aking nadarama, mula sa aking kinatatayuan ay nahagip ko sa isang bahagi ng kagubatan ang ilang mga tao na nakatipon sa paligid ng isang bonfire...
Iniba ko ang aking direksyon at nagpunta sa kinaroroonan nila, puro mga kalalakihan sila at nang mapansin nila ako ay bahagya silang nagtinginan at mukhang nag-usap gamit ang mga mata bago sabay-sabay na tumayo...
Pinagitnaan nila ako kaya bahagya akong yumuko, may kakaiba kasi sa mga tingin nila, hayok, uhaw at pagnanasa, yun ang mga bagay na napansin ko habang tinititigan nila ang hubot-hubad kong katawan...
"Miss anong nangyari sayo?" Tanong ng isa sa kanila at bahagya akong hinawakan na ikinatalon ko sa gulat...
"Gusto mo bang mainitan?" Tanong ng isa pa sa kanila pero kakaiba ang tono na ginamit nya at nagtawanan pa sila...
Tatlo silang lahat na nakapaligid sa akin, pero may isang lumabas sa isang maliit na kubo na yari sa hindi ko alam materyales....
"Guys anong ginagawa nyu!?" Sigaw ng lalaki na kakalabas pa lamang, unang tingin ko pa lang sa kanya ay alam ko nang may mabuti syang puso, kaya hindi ako nagdalawang isip na tumakbo at magtago sa likod nya...
"Come on Nick, don't spoil the fun, sa tingin mo ba may matinong babae ang maglalakad sa gitna ng bundok at lalapit sa amin ng nakahubad?" Tanong ng ikatlong lalaki saka dinuro ang lalaking nasa harap ko...
"She needs help! Kailangan natin syang ibaba ng bundok, baka hinahanap na sya ng mga kaanak nya" Paliwanag ng lalaki, hinawakan ko sya sa balikat na ikilingon nya sa akin, doon ko naman napansin na pumulot ng isang kahoy ang isa sa tatlong lalaki at ipapalo sana sa lalaking si Nick nang bigla kong itaas ang kamay ko dahilan para matigil ito sa kanyang balak...
"Anong ginagawa mo?!" Sigaw nito ngunit hindi ko iyon binigyan ng pansin at pinaluhod ito, ganun din ang ginawa ko sa dalawa pa nyang kasama at sa isang pitik ko ng aking mga daliri ay mabilis na umikot ang kanilang mga ulo dahilan para mabali ang kanilang leeg...
Nilingon ko ang lalaking nagngangalang Nick pero imbis na pagpapasalamat ay takot ang ekspresyon ng mukha nya habang nakatingin sa akin...
"A-Anong klaseng nilalang ka!?" Takot niyang sigaw saka pumulot ng kahoy at nanginginig na itinutok sa akin...
"Wag kang lalapit, p-pinatay mo ang mga kaibigan ko" Naiiyak nyang pahayag na ikinabusangot ko...
"Walang kaibigan ang sasaktan ang kanilang kaibigan dahil sa sinalungat nito ang kanilang balak gawin" Sa wakas ay nagsalita na rin ako...
"Pero ako ang mapagbibintangan at makukulong" Problemado nyang saad saka umiiyak na umupo...
"Ako ang bahala, wala ni sino man ang makakaalala sa kanila kung hindi tayong dalawa lamang" Paninigurado ko saka ako nagsambit ng enkantasyon habang sumasalok ng apoy sa bonfire na gawa nila...
"From the ashes we live, to the ashes we return, o fire element of destruction burn this body until their existence will no longer be remember" Sambit ko habang tinutupok ng apoy ang tatlong katawan hanggang sa itong maging abo...
Tulala lang si Nick kaya kinuha ko iyong pagkakataon at hinawakan sya sa pisngi, nagsambit ako ng enkantasyon upang mapasailalim sya sa aking kontrol, at para makumpleto ang mahika ay siniil ko sya ng halik...
Hindi ko alam kung bakit ako napadpad sa lupaing ito, ngunit aalamin ko naman kung paano ito nangyari, kailangan ko pang bumalik sa Arenvelle sa lalong madaling panahon, nanganganib na mapasailalim iyon sa kamay ng aming mga kalaban na Magu, kaya naman gagawin ko ang lahat para makabalik lang, kahit pa pumatay ako ulit o gumamit ng maraming tao....
ASTRID
Bahagya akong napatigil sa paglalakad sa gitna ng busy na daan at napatingin sa bundok sa di-kalayuan mula sa syudad...
Isang delikadong nilalang ang nakalampas sa tarangkahan...
Imbis na tignan iyon ay bumalik ako sa paglalakad, trabaho na ng mga yun ang icontain ang mga nilalang na makakalampas sa tarangkahan, yun ang plano, kaya gagawin ko arin ang parte ko...
ARYA
"Mom, may sasabihin pala ako sayo" Pagtawag ko dito habang nakaupo kami sa lilim ng isang puno...
"Ano iyon anak??" Tanong nya kaya naman agad kong kinwento ang nangyari noong nakaraang gabi...
"Sumusuway ka na sa akin Arya" Galit nyang sabi saka tumayo..
"Pero Mom, makakatulong ako gamit ang ability na toh, I can use it in a good way" Paliwanag ko sa kanya, tuloy-tuloy lang syang naglakad kaya agad ko syang sinundan...
"Tapos na tayo sa usaping ito, wala kang gagawin kung hindi sundin iyon" Matigas nyang sabi kaya humarang ako sa daraanan nya...
"Mom sinasabe ko ito dahil natatakot ako, everynight I can hear the scream of those shadows, their pain and agony while they're alive!" Nagsimula na akong lumuha dahil doon, parati na lang, hindi ko na kaya, pakiramdam ko mababaliw na ako kung sa susunod na gabi ay maririnig ko pa ang mga sigaw at ungol ng mga aninong nakapaligid sa akin...
"I need to release this power Mom! or else Im going to die keeping it" Pagod kong saad saka sumalampak sa lupa habang umiiyak...
Nilapitan nya naman ako saka niyakap...
"Hahanapan ko ng paraan, but for now hindi kita mapapayagan na gamitin ang ability na yan without understanding it" Malumanay nitong pahayag na hindi ko na kinontra, masyado na akong pagod para kontrahin pa sya sa desisyon nya kaya naman tango na lang ang isinagot ko at hinayaan ko syang dalhin ako sa kubo, inihiga ako nito sa foam at kinumutan...
"Magpahinga ka na anak, iiwan ko na lang dito ang pagkain, aalis na ako, babalik na lang ako bukas" Sabi nito pero bago sya umalis ay hinawakan ko ang mga kamay nya..
"Hindi ba pwede dumito ka Mom? kahit ngayong gabi lang" Pigil ko sa kanya...
"I can't Arya, may trabaho pa ako mamaya, sa pagabi na din, kailangan ko nang bumaba" Wala na akong nagawa kung hindi tumango...
Nang tuluyang sumapit ang dilim ay naramdaman ko naman ang pagkabuhay ng aking kapangyarihan, napabangon ako at pinagmasdan ang liwanag nang buwan....
Habang nakatitig doon ay may tatlong bagong anino na bumangon mula sa anino ng kakahuyan, lalaki ang mga ito at ramdam ko ang mga galit nila...
Hindi ko sila pinansin ngunit napalingon ako sa isang lalaking anino ng ipinakita nito kung paano sila namatay...
Si Mom agad ang naisip ko kaya inutusan ko ang mga hayop na anino na hanapin ito, habang ako ay bumulusok pataas, dito ako maghahanap sa himpapawid...
Sana lang ay ligtas syang nakababa...
BINABASA MO ANG
Herrscher: The Mistress of Shadows
FantasyIn the battle between light versus darkness, given in the circumstances, the light should always win, however not all darkness is evil, and how can a light shines when there is no darkness? Right?