ARYA
Hawak ko ang ulo ko habang bumabangon, ng tignan ko ang paligid ay mabilis kong kinapa at binalya ang salamin na nagkukulong sa akin....
"Palabasin nyu ako dito!"
Sigaw ko habang kinakalampag ang makapal na salamin...
"Kahit anong gawin mo hindi mo mababasag yan" Napalingon ako sa magsalita at nakita si Nyx na nakaupo at nakasandal sa opposite side ng cube kung nasaan kami..
"Kung tulungan mo na lang kaya ako!" Singhal ko sa kanya...
"I can't, may kung ano sa ininject nila sayo lara issurpress ang kakayahan mo, pati na rin dito sa loob ng cube, pero kahit pa na kaya kitang tulungan ay hindi ko pa rin gagawin" Pahayag nya saka tumingin sa malaking itim na cocoon...
"It will soon be hatch" Sabi nya kaya napatingin na rin ako doon..
"Ano ba ang bagay na yan?" Tanong ko sa kanya saka tumabi ng upo sa kanya na mukhang hindi nya gusto pero hinayaan nya lang ako...
"The gatekeeper" Matipid nyang sagot na ikinakunot ng noo ko...
"Really? gatekeeper? How I supposed to understand that?" Reklamo ko sa kanya, inirapan nya lang ako saka muling nagsalita...
"Natatakot kasi akong baka hindi maintindihan ng utak mo ang mga sasabihi ko" Sa oras na iyon ay ako naman ang napairap sa kanya...
"Anyways, mas mabuti ng ngayon ko ipaliwanag sayo kesa mas maging matigas pa ang ulo mo" Reklamo nya saka huminga ng malalim...
"Did you know about the Greek Mythology?" Tanong nito na ikinatango ko...
"Kung natatandaan mo ang pagsabog noong nakaraang buwan, sa pagsabog na nangyaring iyon ay nabuksan ang isang dimension, dimension kung saan kaming mga greek god and goddesses ang nag-eexist" Paliwanag nya...
"At ang cocoon na iyan ay magsisilang ng isang gate keeper upang bumalik ang balanse sa bawat mundo" Dagdag nya...
"Kung ganun ikaw si Nyx? ang Titaness of the Night?" Tanong ko saka biglang napalayo sa kanya, sa pagkakaalala ko ay tahimik at walang pakialam si Nyx sa mga nangyayari, ngunit kahit ganun ay kinatatakutan sya ni Zues na syang hari ng mga diyos at diyosa sa greek mythology....
Napangisi sya saka biglang nagbago ang istura, mula sa desinte nyang itsura ay dahan-dahan syang naging parang itim na usok na inaalon ang itim na itim na buhok, ang balay nya ay mas naging maputi na para kumikinang na bituin sa langit at ang mga mata nyang naging purong puti, naging matulis din ang kanyang mga kuko saka sya parang isang isda na lumangoy-langoy sa ere....
Napasigaw ako at pilit na kinalampag ang glass cube...
Hindi ko malaman ngunit matinding takot ang aking naramdaman...
"Umalis ka! Wag!" Sigaw ko ngunit isang nakakakilabot lamang na ngiti ang kanyang ginawa...
"Pakawalan nyu ako dito, ayaw ko na dito please!!" Pagmamakaawa ko habang kinakalampag ang glass cube kung nasaan ako...
"Moom!"
ASTRID
Isang palahaw ang aking narinig, ngunit nang lingunin ko kung saan ito nanggagaling ay purong kadiliman lamang ang aking nakikita...
Tinatawag ako ng boses na ito at humihingi ng tulong ngunit hindi ko ito matukoy kung saan nagmumula, para kasing nasa buong paligid ito...
Lumakas nang lumakas ang palahaw hanggang sa nabingi ako at hindi ko napigilang mapasigaw...
ELVYRA
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa narinig ko sa aking telepono...
Nagmadali akong pumunta sa observatory kung saan nakaconnect ang containment room...
"What is happening!" Bulyaw ko sa mga tauhan ko at napansing ang isa sa mga camera na nakakabit sa mga glass cube, mababanaag ang sobrang takot sa mukha ng aking anak na parang may nakikita sya sa loob ng cube at gustong makalayo dito...
"Hindi po natin alam doctor, pero may nadedetect kaming malakas na energy mula sa cube ni Arya" Paliwanag ni Karen na syang assistant ko...
"Hindi lang po iyon, mas lumalakas din ang radiation pulse na sinasagap ng cocoon" Dagdag nya...
"Kung ganun ano pang ginagawa nyu? Release them!" Pagalit kong utos ngunit nag-aalangan syang kumilos...
"Those people and my daughter are important subject for this research! Hindi natin alam kung anong mangyayari kapag nakasagap na nang sapat na radiation ang cocoon na iyan!" Mukhang natauhan naman sya kaya sumunod nadin, nagpadala din ako ng mga security personell para abangan ang mga lalabas mula sa containment room..
"Nakalabas na po lahat ng subject, iaactivate na po namin ang security sa loob ng containment room" Tumango ako sa nagsalita saka mataman na tinignan ang cocoon ng ngayon ay naglalabas ng nakakasilaw na liwanag...
Bumilis ng bumilis ang pagtibok ng liwanag hanggang sa bigla itong tumigil at namatay, pigil hininga ang aming ginawa habang hinihintay ang susunod na mangyayari...
Nakarinig kami ng pagcrack sa audio na nasa loob ng containment room hanggang sa nakita namin ang paggapang ng mga crack sa buong cocoon...
Nakarinig kami ng matinis na sigaw mula dito kaya napatakip kami ng aming tenga, ngunit hindi lang pagkabingi ang naramdaman namin kundi pati na pagkahilo, napakapit ako sa isang monitor at napatingin sa malaking screen na nakatutok sa cocoon, mula doon ay dahan-dahan na lumabas ang isang pigura ng hubad na babae, kulay lila na ang buhok nito na noon ay kulay itim pa lamang, tumitig sya monitor at sa isang iglap ay nasa mismong harap ko na sya, hindi man lang iniisip na hubot-hubad sya...
"Doctor Elvyra" Matamis ang ngiti nito ng sambitin nito ang aking pangalan...
"A-Astrid" Nahihirapan kong tawag sa pangalan nya na ako mismo ang nagbigay sa kanya...
"Wag kang mag-alala, ililigtas ko kayo nang anak mo kasama ang mga taong inosente na naririto ngayon" Malumanay nitong sabi saka nya ako hinawakan sa aking pisngi...
"Run away from the organization doctor, magtago kayo lalong-lalo na si Arya" Babala pa nito bago umilaw ang buo nyang katawan at kumalat ang liwanag na iyon sa buong lugar...
Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasa isang dalampasigan ako at sa di kalayuan ay ang pamilyar na pigura nang aking anak...
Nagmadali akong puntahan sya at tignan ang kalagayan, mukhang nawalan lang ito ng malay....
Napangiti ako sa kawalan habang yakap ang walang malay na si Arya...
ASTRID
Walang emosyon akong nakatingin ngayon sa mag-ina na tangi kong ipinadala sa ligtas na lugar, ang buong establishment kasi kung nasaan kami kanina ay inilipat ko sa ibabaw ng isang gising na bulkan, alam kong hindi lang iyon ang research facility na inoopera ng organization, alam kong marami pa silang research facility na katulad ng sinira ko, ang layunin ko lang ay bigyan sila ng babala, na kayang-kaya ko silang wasakin sa isang kisap-mata....
Ngunit marami pang mangyayari, at isa na doon ang paghahanda kay Arya, isa sya sa mga nilalang na magpapabago ng mundo, naging gate keeper man ako ay hindi pa rin tuluyang naging balanse ang mundo nang sinilang ako, kailangan ng isang malaking reset sa mundo, at ang mga katulad ni Arya ang magiging kasangkapan para mangyari iyon....
BINABASA MO ANG
Herrscher: The Mistress of Shadows
FantasíaIn the battle between light versus darkness, given in the circumstances, the light should always win, however not all darkness is evil, and how can a light shines when there is no darkness? Right?