ARYA
Inanyayahan nila kaming magpunta sa kanilang tahanan...
Kasama si Krysta na syang host ngayon ni Hades...
"Salamat nga pala sa pagligtas mo kay Helios kanina, masyado kaming naokupa ng laban at hindi na namin nagawang unahin na iligtas sya" Pagpapasalamat ng babae na nagngangalang Hailey...
"At patawad din Krysta, sa nangyari sa apartment mo" Tanging pagngiti lang ang ginawa ni Krysta at tahimik na inilibot ang tingin sa kabuuan ng penthouse...
Nasa pinakatuktok ito ng sikat na tower na tinatawag na Albion Tower...
Napakamodern ng bawat sulok nito at mukhang inuukupa ang kabuuan ng highest floor dito sa Albion...
"Bakit ba kayo naglalaban kagabi? Hindi nyu ba alam na baka mabulabog ang mga kapitbahay ko doon?" Pagtatakang tanong ni Krysta sa kanila...
"May nadetect kasi ang sattelite namin na high energy sa mismong apartment mo, nang dumating kami doon ay nagsisiulanan ng mga kidlat sa paligid ng Zues na yun at animoy gumuguhit ng isang pentagram na may kakaibang simbolo sa gilid, at kung ano man ang giniguhit nyang iyon ay naglalabas ng napakalakas na enerhiya" Paliwanag ni Chase na syang host naman ni Ares...
"Nga pala, bakit hindi ko nakikita ang mga host nyu? Ganun din kay Zues" Tanong ko na kanina pa bumabagabag sa aking isipan...
"Yun ay dahil ang kanilang mga katawan ay nasa Olympus pa" Naalerto kaming lahat ng biglang mag lumitaw ma babae, nakahood ito at naglalabas ng kakaibang presensya...
"Gatekeeper/Astrid" Sabay na sambit nina Hades at Krysta...
"Muli tayong nagkita Arya, salamat nga pala sa paggising mo sa akin" Sabi nito saka lumapit sa akin at hinawakan ako sa pisngi, and in an instant ay nakita ko ang cocoon na nasa organization...
Nanlalaki ang mga mata kong lumayo sa kanya, ibig-sabihin sya ang nasa loob nun??
"Dahil sa boses mo ay nagising ako" Nakangiti nyang sabi sa akin saka sya bumaling sa tatlong mga kaedad ko pa...
"Kung nagtataka kayo kung bakit wala ang imahe nina Apollo, Ares, Hermes at Aphrodite sa tabi ng mga host nila tulad ni Hades, yun ay dahil kalahati ng kanilang diwa lamang ang hinayaan kong tumawid sa tarangkahan, hindi maaaring walang maiwan sa Olympus, tulad sa Underworld na hindi ko pinatawid si Persephone para sya ang humalili muna bilang pinuno sa kaharian ni Hades" Paliwanag nya...
"Si Nyx" Biglang tawag ko sa Titaness na hindi ko na nakikita...
"Alam mo ba kung nasaan sya? Simula kasi ng makita ko ang katakot-takot nyang anyo ay hindi ko na sya nakita" Paliwanag ko sa aking tanong...
"Nasa loob mo parin sya Arya, natutulog" Sagot nito saka biglang nagteleport sa couch na nakaharap sa aming lahat...
"More will come, stronger and harder to defeat, hindi lang kasi ang tarangkahan nang Olympus ang aking nabuksan, marami pang iba" Bigla nyang paliwanag at tinignan kami isa-isa...
"Bakit ba nabuksan ang tarangkahan in the first place?" Takang pagtatanong ni Krysta na sya ring kanina ko pa iniisip...
Bumuntong-hininga muna si Astrid bago inilahad ang kanang palad at lumabas doon ang isang orb na kulay itim, tumitibok ang ilaw nun at ginagapangan ng kulay lilang kuryente...
"Ang void! Paano yan napunta dito sa mundo ng mga mortal?!" Gulat na sigaw ni Hades at bahagyang lumapit dito...
"Paano nailabas ito sa Umderworld!?" Galit na sigaw nito saka namin naramdaman ang bahagyang pagyanig...
"Kumalma ka Hades, inaalam ko pa ang bagay na yan, tulad ng mga host ninyo ay isa lamang akong mortal noon, isang clone na binigyang buhay ng siyensiya na bunga ng pagkaganid ng mga mortal sa kapangyarihan" Paliwanag ni Astrid kaya kumalma si Hades ngunit bahagya paring nagvavibrate ang paligid, hinagod lang i Krysta ang likod nito na para silang magkaibigan, hindi ako nagpahalata pero lihim akong napangiti, mukhang sobrang lapit na nila sa isat-isa...
"Aksidente lamang ang pagmemerge ko sa void, ngunit bago iyon ay natatandan ko ang isang boses ng babae na tinatawag ako, at nangagaling iyon sa Void na ito" Paliwanag ni Astrid..
"Ngunit walang buhay ang Void, isa lamang itong susi para mabuksan ang sari-saring dimensyon at purong enerhiya lamang" Salungat bigla ni Hades...
Okay, tahimik na kaming lima dito at papaumaga na rin kaya ang mga itim kong pakpak ay biglang naging tinta ay sumanib sa aking anino na syang ikinatingin sa akin nung apat, nagkibit balikat lang ako saka muling bumaling sa tatlo na seryosong nag-uusap...
"Malamang ay may ginawa ang mga mortal, sa ngayon, gusto ko kayong magkaisa upang maghanda sa maaaring lumagpas sa tarangkahan, hindi kasi lahat ng nilalang ay kaya kong pigilan, gaya nina Nyx at Zues na masyadong malakas" Seryoso nya kaming tinignan lahat bago naglabas ng isang magic cricle na itinatak nya sa amin isa-isa...
"Kailangan nyung itrace ang mga nilalang na makakalampas sa tarangkahan at icontain ito sa pamamagitan ng magic circle na yan, mas malakas na nilalang mas maraming magic circle ang kailangan nyu para icontain ito, habang ako ay hahanapin ang puno nang lahat ng ito" Sabi nya sa amin, tahimik ang lahat at mukhang inaabsorb ang mga nalalaman...
"Pag-iisipan ko ang mga sinabe mo, pero sa ngayon ay kailangan ko munang bumalik sa bundok kung saan ako namamalagi, baka kasi bumalik na si Mom" Paliwanag ko at aalis na sana ng biglang magsalita si Astrid...
"Sandali, tutulungan kitang makabalik, ikaw din Krysta" Tumigil sya sa harap ko at ng oras na hinawakan nya ako ay sa isang kisap-mata ay nasa pabotirong lugar ko na naman ako dito sa bundok.....
At muli ay nasilayan ko na naman ang panibagong pagbukang-liwaway ng haring araw, ibig-sabihin ay lilipas na naman ang panibagong araw...
BINABASA MO ANG
Herrscher: The Mistress of Shadows
FantasíaIn the battle between light versus darkness, given in the circumstances, the light should always win, however not all darkness is evil, and how can a light shines when there is no darkness? Right?