Chapter 2

105 75 0
                                    

Cassandra's POV

"Maam Cassandra," Tawag sa akin ni manang Betty.

"Po?" tanong ko.

"Nakahanda na po ang uniform mo maam. Kumain na din po kayo ng breakfast," Mahinahon na sambit ni manang betty.

"Sige po maliligo lang po muna ako. Pupunta na lang ako ako sa baba pag tapos ko," Tugon ko.

"Sige po maam." Ani ni manang Betty at tuluyang lumabas sa kwarto ko.

Pagtapos kong maligo ay kumain na ako at dumiretso sa school nag pa hatid nalang ako sa driver namin.

Parehas busy ang mga magulang ko. Masyado silang tutok sa mga business namin. Wala na kaming bonding time.
Hindi kami masyadong nag uusap ng mga magulang ko. Tanging sina Yza at Sam lang ang nasasabihan ko ng problema, karamay ko, at maiiyakan ko. Sila lang yung palaging nandyan para sa akin imbis na ang magulang ko. Ni- hindi nga nila maalala na Birthday ko ngayon. Uuwi man sila ay isang beses sa isang buwan. Minsan hindi pa sila umuuwi. Nasanay na rin ako kasi may mga kaibigan naman akong nag papasaya saakin. Mga kaibigang handang mapagalitan basta magkakasama lang kami. Wala akong kapatid kaya sila Yza at Sam na rin ang itinuturing kong kapatid.

"Maam Cassandra... Nandito na po tayo," Saad ng driver namin.

Hindi ko na namalayan na nasa school na pala ako.

"Sige po. Una na po ako." Sambit ko at lumabas ng kotse namin. Nakita ko agad si Yza at Sam na nag aabang sa akin sa labas ng gate. Nag madali ako ng lakad dahil masakit na sa balat ang sikat ng araw.

"HAPPY HAPPY BIRTHDAY CASSANDRA!!!" Sabay nilang bati saakin. Sinalubong nila ako ng mahigpit na yakap.

"A-aray hindi ako m-makahinga," nauutal na sabi ko.

"Ay! Sorry sis haha. Oh para sayo hihi," Sambit ni Yza at ini abot ang hawak niyang regalo saakin.

"Thank you sis! Buti pa kayo naalala ang birthday ko samantalang ang parents ko hindi," Malungkot kong ani.

"Wag ka nang malungkot sis. Nandito lang kami ni Yza oh. Wag ka na ngang mag drama dyan. Mag pakasaya tayo ngayon dahil espesyal na araw mo 'to 'no," Pangungumbinsi saakin ni Sam.

Tumango ako at niyakap muli silang dalawa.

"Ito nga pala ang gift ko sis. Sorry simple lang ha? Alam mo namang gipit ako ngayon haha," Ani ni Sam at ibinigay ang keychain na may nakaukit na tatlong babaeng magkakahawak ang kamay at sila ay nakaupo.

"Wow ang ganda! Thank you sis. Ano ka ba hindi ko kailangan ng mamahaling regalo," Masayang sabi sabi ko at ngumiti .

"Mamaya mall tayo treat ko. Ano game?" Tanong ko.

"GAME!!!" Sabay nilang pagpayag.

Pumasok na kami sa loob dahil baka ma late nanaman kami at pag linisin pa ng corridor. Birthday na birthday ko pa naman dapat good vibes lang.

---

"Good morning class! Get one whole sheet of paper," Bati ni maam Shiela. Ano ba yan may quiz nanaman ata!

"Good morning maam Shiela," Bati namin pabalik.

Agad nama kaming kumuha ng one whole at nilagyan ng pangalan.

"Number one!" Sigaw ni maam.

"Hala maam wait lang," Ani ni Joven. Kaklase kong bakla.

"Hindi naman ako magpapaquiz pagagawin ko kayo ng essay. Ang babagal niyo kasi kumilos eh," Saad ni maam Shiela.

Friendship Never Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon