Chapter 9

69 58 0
                                        

Sam's POV

Suot ko ngayon ang gown na binili namin kahapon habang nagme-makeup saakin ang baklang kakilala ni mama.

Excited na ako! Makakasayaw ko mamaya si Ken at maipapakilala ko na rin sya kila Yza at Cassandra.

*Phone ringing*

Nakita kong tumatawag si Cassandra saakin kaya agad ko itong sinagot.

"Hello sis?" Panimulang usal ko.

"Sis! Sunduin ko nalang kayong dalawa ni Yza sabay-sabay na tayong pumunta sa school..." Saad nya sa kabilang linya.

"Sige! Ingat sis! message mo lang ako pag malapit kana." Saad ko at ibinaba na ang tawag.

Kalahating oras din akong inaayusan ng kaibigan ni mama. Saktong pagkatapos akong ayusan ay na received ko na ang message ni Cassandra.

Tumingin muna ako sa salamin bago lumabas. Maski ako nagagandahan sa sarili ko.

"Thank you po! Ang ganda po!" Masayang sambit ko kay kuya Owen, kaibigan ni mama.

"Ang ganda-ganda mo na Sam! sige rumampa kana at andyan na ang kaibigan mo sa labas!" Sabi ni kuya Owen. Lumabas ako at nakita ko ng dalaw kong napaka ganda kaibigan! Seryoso! Ang gaganda nila!

"Wow sis! Ang ganda mo..." Saad ni Cassandra. Ngumiti ako at sumakay sa kotse si Yza ay badtrip pa rin dahil hindi nya kapartner si Ken version 2.

Simula pa lang noong unang pinakilala nya saamin si Ken version 2  gustong-gusto nya na 'yon. Kaya hindi maiiwasang hindi sya masaktan sa pag tanggi nito.

"Yza..."---Hinaplos ko ang kamay nya---"Wag kanang malungkot, Ipagdarasal ko na sana maging boyfriend mo na si Ken version 2 haha," Nakita kong napangiti sya. Kung sino man ang babaeng kapartner ni Ken version 2 naku! mag iingat sya mamaya! badtrip pa naman si Yza. Si Cassandra naman ay hindi masyadong mahilig sa away pero kung magsalita 'yon tagos! Hahaha.

"Andito na tayo! ingat sa pagbaba baka matipalok kayo," Paalala ni Cassandra. Naunang bumaba ng kotse si Yza at sunod ako inalalayan kami ng driver ni Cassandra.

"Tara sis pasok na tayo! Humanap na tayo ng table natin..." Saad ko.

Pumasok kami sa loob. Napaka dami nang tao at ang gaganda ng gowns nila kasama na nila ang kanya-kanya nilang partners. Agad na pumasok sa isip ko si Ken. Nasaan na kaya sya? Inikot ko ang mata ko sa paligid ngunit bigo akong makita sya. Siguro mamaya ko nalang sya hahanapin. Kumuha kami ng wine na maiinom habang hindi pa nagsisimula. Mukang marami pang inaantay.

"Oh Sam asan na yung partner mo?" Tanong ni Yza.

"Wala pa nga eh.. Baka mamaya pa darating..." Malungkot na usal ko.

"Hoy babae mauubos na agad yung pagkain hindi pa nagsisimula yung Prom!" Natatawang sambit ni Cassandra kay Yza na kanina pa binabakbakan yung cake.

"Pagbigyan mo na ako sis!" Ngumisi si Yza.

Umakyat na sa taas ang Mc at nag simulang magsalita.

"Allow me to introduce my name Aliyah Rentoy" Nagpalakpakan kami.

"We are here right now this unforgettable moment in your precious life, the heavens and earth are witnessing to see you in timeless story of your journey. Because life is full of happiness. First of all, I would like to extend a sincere welcome to all of you who joining this wonderful night a beautiful and fabulous event."
Masayang sabi ng Mc.

"To our goal-driven and understanding Principal,  Ms. Alice Velinia Batayon. Maam Andy Tuelan for undying support this program,  dear seniors, fellow juniors, valued guests, and  friends, an evening of wonders to one and all." Saad nitong muli.

Friendship Never Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon