Sam's POV
Hays. Napaka sakit ng ulo ko. Nahihilo ako pero kailangan kong pumasok.
Hinahanap ng paningin ko sila Cassandra at Yza ngunit hindi ko sila makita. Kaya nag send nalang ako ng message.
To: Yza
Nasaan na kayo?
Saktong pag send ko ay nakita ko sila sa canteen. Umagang umaga nasa canteen agad. Hays. Sinalubong ko sila.
"Let's go na guys! Papunta na si Maam Shiela," Natatarantang sambit ni Cass. Inubos agad nila ang pakain. Sabay-sabay kaming tumakbo papasok sa classroom pero nahuli kami.
"Late nanaman kayo!"---Sigaw ni Maam Shiela at pinalo ng stick ang blackboard namin---"Isa pa talaga! Pag na late nanaman kayo bukas paglilinisin ko kayo ng corridor! Understand!?"
"Yes Maam," Walang ganang sagot namin.
"Sit down!" Utos saamin ni Maam Shiela.
Naupo kami at nagsimula na din sa pagka klase si Maam.
Palagi kaming tatlo ang napapagalitan. Magkakasama kasi kami lagi lalo na sa kalokohan. Para na kaming magkakapatid na hindi mo mapaghihiwalay. Mahal na mahal namin ang isa't isa. Almost 5 years na rin kaming magkakaibigan. Minsan nag kakatampuhan pero naayos din naman agad. Ako ang palaging sawi sa pag- ibig. Si Yza at Cassandra ang nag co- comfort saakin kapag broken hearted ako.
"That's all for today. Take your recess," Saad ni maam bago lumabas ng classroom.
"Tara recess na tayo," Pag aaya saamin ni Cassandra
"Punta muna akong library. Ibabalik ko muna itong mga books na hiniram ko." Ani ni Yza at naglakad papunta sa library. Nauna na kami si Cass na bumili ng snacks.
Sumunod saamin si Yza para kumain ng miryenda. Pagtapos ay dumiretso na kami sa next subject.
---
"Okay class. Bukas may long test kayo. Mag review kayo okay?" Sabi ni sir Aldrin.
"Yes sir!" Ganadong sagot ng buong klase.
Tinawag kami ni Yza.
"Cass, Sam bukas alam niyo na ah?" Ngumisi si Yza.
"Oo Haha," Sagot ko
"Sige una na ako," Ani ni Cassandra
"Kita kits nalang bukas." Pagpapaalam ko.
Pag uwi ko ay nag review na ako para bukas sa long test.
---
"Uy mga sis! Kapag letter A yung sagot kamot sa tenga ha. Kapag letter B yung sagot Kamot naman sa ilong. Kapag letter C Kamot sa kilay. HAHAHAHAHAHAHAHAHA deal?!" Natatawang saad saamin ni Yza. Pasaway to. Tumango naman si Cassandra bilang pagpayag
"Sige lang." Tugon ko.
"Tara Canteen muna tayo kailangan daw busog para may laman ang utak hahaha." Si Cassandra.
"Libre mo ba? Nagalit si mama ngayon eh.. Binawasan Allowance ko argh!!!" Pagrereklamo ko.
"Kawawa ka naman huhu.. Iiyak na yan! iiyak na yan," Pang iinis nilang dalawa.

BINABASA MO ANG
Friendship Never Ends
Historia Corta[THIS IS UNEDITED kaya mag expect po kayo ng mga typo graphical error and wrong grammar] Love or friendship? Ano ang pipiliin mo? Ipagpapalit mo ba ang pagkakaibigan niyo para lang sa lalaki? Sam Hanzen Yza Belle Cassandra Asia Ang magkakaibigang...