Chapter 8

74 60 0
                                    


Sam's POV

Pinakopya saamin ni maam Shiela ang mga idi-discuss nya bukas. Napakahaba ang sakit na tuloy ng kamay ko nakita ko ang mga kaklase ko habang nakatalikod si maam Shiela ay pinipicturan ang blackboard.

Para paraan talaga.

"Its already time, good bye." Saad ni maam at lumabas ng classroom.

"Good bye and thank you maam Shiela. Thank you for teaching us," Walang ganang sambit namin.

"May damit na ba kayong susuotin?" Napalingon ako kay Cassandra.

"Wala pa eh? kayo meron ng susuotin?" Tanong ni Yza.

Umiling kaming dalawa ni Cass.

"Wala pa rin, gusto niyo punta tayong mall mamaya?" Panghihikayat ni Cassandra.

"Sige hihingi nalang ako kay mama ng budget pambili," Saad ko.

---

"Good morning class," Nagulat ako ng magsalita sa harap si maam Roby. Hindi ko napansin na nandyan na pala si maam Roby. Agad na nag si balikan sa kanya-kanyang upuan ang mga kaklase ko.

Bigla-bigla kasi sumusulpot 'tong si maam.

"Our topic for today is all about Failure!" Usal ni maam Roby.

"How to do define failure?" Tanong ni maam. Nagtaas ng kamay si Cassandra.

"Yes Cassandra, stand up..." Nakangiting usal ni maam.

"For me failure is when you consider those words from these wise and successful people, you'll truly begin to understand the power of failure. The truth is, you only fail when you give up..." Taas noong saad ni Cassandra.

"Very good!" Pinalakpakan namin si Cassandra.

"Good morning po maam Roby ? Pinapatawag po kayo sa faculty may meeting daw po." Saad ng isang estudyanteng pumasok.

"Okay class paki kopya nalang 'tong nasa libro page 201 i check ko notebook niyo." Utos ni maam Roby.

Tahimik ang buong klase habang isinusulat ang pinapakopya ni maam. HIMALA.

"Guys ipalagay niyo nalang dito sa armchair ko yung mga note book niyo tapos pwede na kayong umuwi.." Sambit ng class president namin.

"Noted!" Ani ng pasaway naming kaklase na si Paulo. Nagtawanan ang mga kaklase namin at ipinagpatuloy ang pagsusulat.

Sabay-sabay kaming nag pasa nang papel at umuwi muna para mag bihis at humingi ng pambili ng susuutin ko sa Js prom.

---

"Ano sa tingin mo? bagay ba sakin sis?" Tanong ni Yza habang sinusukat ang Violet long gown nya.

"Bagay na bagay sis!" Saad ko.

Pinili ko ng pink na long gown at kay Cass naman ay Dark blue. Pare-parehas kami ng piniling gown.

"Kain muna tayo! naguton ako sa pagsusukat eh!" Ani ni Cass.

"Tara sa coffee shop," Sabi ni Yza.

---

"Order kana Yza, ako nalang magbabayad." Sambit ni Cassandra.

Dumiretso si Yza sa counter at umorder ng Coffee at cake namin.

"Alam mo Sam nalungkot talaga ako nung malaman kong may ka partner na sya tapos double kill noong tanggihan nya ako..." Panimulang kwento ni Cassandra.

"Don't be sad sis andito lang kami lagi! mag enjoy lang tayo sa friday! smile kana ah? sayang ang ganda ng mukha mo tapos nakasimangot ka!" Sambit ko sa kanya at ngumiti.

Dumating si Yza dala ang mga kape at pambara namin.

"Kamusta kayo ni Ken version 2 Yza?" Tanong ni Cassandra.

"Ayon... Tinanong ko nga diba sya kung pwede ko ba syang maging partner kaso may partner na raw sya. Naiinis talaga ako! Akala ko papayag sya kasi close na rin kami at sa tingin ko ay nahuhulog na rin sya saakin palagi kaming nasa library nagtatawanan pero bakit hindi sya ang magiging partner ko. Na cu- curious tuloy ako kung sino yung babae! Dapat ako yung masaya ngayon eh! Feeling ko kasi parang kami na dahil sobrang caring nya tapos ang sweet pa. Malaman laman ko lang kung sino yung babae kahit wala akong karapatan hahambalusin ko mukha nya!" Nanggigigil na usal ni Yza.

"Easy kalang sis! Handa kaming rumesbak!" Natatawang saad ko.

"Baliw! Maawa ka sa babae kay Yza palang talo sa 'yon." Ngumisi si Cassandra.

"Sana all Sam makaka partner yung crush! Sana all talaga! ikaw na ang bagong reyna!" Saad ni Yza at Kunwari ipinasa saakin ang krona nya. Natawa nalang ako. Kahit mga baliw ang mga kaibigan ko thankful parin ako kasi nakilala ko sila!

Ilang oras din kaming nag kwentuhan pagkatapos ay umuwi na rin dala ang mga susuutin naming gown para bukas.

---

Ken's POV

Nagsusukat ako ngayon ng black tuxedo.

"Ano pre bagay ba?" Tanong ko kay Miko.

"Oo pre gwapong gwapo! Sure akong mafafall si Sam sayo hahaha," Natatawang ani ni Ken. Napangisi ako. Napansin kong umilaw ang cellphone ko at may 1 message.

From: Yza

Hi Ken? Nag dinner kana ba? Kain ka ng marami. Ingat!

Araw-araw syang nag tetext saakin umaga, tanghali at gabi... Minsan kung hindi sya ay si Cassandra naman ang mag tatadtad saakin ng message.

Tinext ko si Sam.

To: Sam

Good evening! Kumain kana? Kamusta ang araw mo?

Tanong ko kay Sam. Ilang sandali pa ay nag reply na sya.

From: Sam

Hello Ken! Good eve! Okay lang ako! Bumili kami ng susuotin para sa prom.

Hindi ko na kayang mag reply dahil sobrang antok na ako malaman ko lang na okay lang sya ay kampante na ako.

Nangako ako sa sarili ko na sya lang ang babaeng mamahalin ko kahit hindi pa kami parang girlfriend na ang turing ko sa kanya. Sya lang ang nagparamdam saakin na may nagmamahal pa sa akin. Si Sam lang...

Gusto ko syang maging girlfriend...

To be continued...

Author's Note:

Thank you po sa mga vote! Keep safe.

Friendship Never Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon