Chapter 15

36 19 0
                                    

"Lagi nalang ikaw! Lahat nalang inaangkin mo! Mang aagaw ka!" Hinila ni Yza ang buhok ko at dahil may mga food sa gilid ng stage hinila nya ako papunta roon at nginudngod ang mukha ko sa spaghetti.

"Dapat lang yan sayo mang aagaw!" Nagsilapitan ang mga natitirang tao at ang iba ay kinukuhanan pa kami ng pictures. Nakita kong tumingin lang si Cass sa ginagawa ni Yza at tila natutuwa pa.

"Tama na Y-yza..." Halos wala na akong boses dahil sobrang nanghihina ako. Nahihilo ako halos di ko kayang tumingin sa kanya dahil parang umiikot paligid ko ang huli ko nalang nakita at papalapit si Ken saakin at tinanggal ang kamay ni Yza.

---

A-aray kumikirot ang ulo ko pero ang sakit parin ng nga mata ko. Nakakalisaw na liwanag ang tumambad saakin. Nasaan ba ako?

"Sam! Mabuti at gising kana! Doc! Doc! " Narinig kong tinatawag ni mama ang doctor. Nasa ospital ako! Teka paano ako napunta rito?

Chineck ako ng doctor at hindi ko alam kung anong ginagawa nya basta may mga kinakabit saakin.

"Maam pwede kopo ba kayong makausap?" Tanong ng doctor nauna siyang lumabas bago si mama na nagpaalam muna saakin dahil chismosa akong anak kahit medyo mahina pa ako at masakit ang mga mata ko iika-ika akong naglakad papunta sa pinto at inilapit ang tenga ko rito.

"Tatapatin ko na po kayo maam..." Medyo kinabahan agad ako sa sinabi nang doctor.

"Ang cornea po ni Sam ay na damage at maaring hindi napo sya makakita." Saad nito.

"May magagawa po ba tayo para maagapan d-doc?" Tanong ni mama at nagsimula sa paghikbi.

"Kailangan po natin ng eye transplant. Sa ngayon po wala kaming eye donor kung pwede po ay humanap din po kyo dahil bibihira lang talaga ang gusto mag donate ng cornea nila." Napaluhod ako sa mga narinig ko bumalik na ako sa kama at tahimik na umiyak.

Hindi na ako makakakita?

At saan lupalop naman kami hahanap ng eye donor?

Makalipas ang isang araw ay na discharge na rin ako sa ospital. Hindi pinahahalata sa akin ni mama na may alam sya at alam kong masakit para sa isang ina na malaman na hindu na mamakita ang anak nya. Napaka malas ko!

"Ma.. Papasok na po ako bukas, magpapahinga napo ako sa kwarto ko..." Tumango lamang sya at pumunta sa kusina para ihanda ang hapunan.

7:00am

"Good morning ma pasok na po ako,"

Kagabi ko pa tinetext si Ken pero hanggang ngayon wala parin akong natatanggap na reply. Ni-hindi nya lang man ako pinuntahan sa ospital.

Pumasok ako sa classroom ng hindi nagpapaapekto sa mga taong nagbubulungan habang naglalakad ako kanina. Nagsalubong ang mga mata namin ni Yza ngunit ang mga mata nya ay kalmado at parang may gustong sabihin. Umupo ako sa upuan at nagtanong sa ibang kaklase ko kung ano ang mga assignment.

Sa ngayon medyo maayos pa ang paningin ko ngunit siguro pag nagtagal unti unti na itong nag bablack.

Uwian na pero walang Ken na nagpakita saakin. Uuwi na sana ako ngunit dumaan muna ako sa cr para mag ayos.

Lalabas na sana ako nang may marinig akong boses ng isang babae.

"Ken..." Malambing na boses nito.

Sumilip ako sa pinto ng CR ng mga boys para malaman kung anong nagyayari sa loob. Tila binagsakan ako ng langit at lupa sa nakita ko napaluhod ako at nagsimulang bumuhos ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko!

Si ken may kahalikang babae!!! Hindi ko na alam ang gagawin ko sunod-sunod ang mga problema ko hindi ko akalaing magagawa 'to saakin ni ken! Galit at sakit ang nararamdaman ko wala ako sa sarili at sinipa ang pinto ng cr at dumiretso agad sa haliparot na babaeng 'yon hinila ko ang buhok nya. Hindi ko maipaliwanag ang galit na nararamdaman ko halos tanggalin ko na ang buhok nya pero si Ken ay inaawat kami.

"P-paano mo 'to n-nagawa saakin Ken.." Naluluha kong sambit.

"M-magpapaliwanag ak---"

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Tapusin na natin 'to...Pagod na pagod na ako..." Hindi ko alam kung saan ako kumuha nang lakas ng loob para sabihin 'yon.

"Wag naman ganto Sam... Pag usapan natin ito sam." Tinalikuran ko sya dahil ayokong makita nyang iniiyakan ko sya.

"Sam," Pinigilan nya ako. Hinila nya ang kanang kamay ko.

"Ayoko na Ken. Sinira mo ang tiwala ko sayo. Tapusin na natin ang relasyong 'to.." Direktang saad ko sa kanya at tinatikuran syang muli nakita kong tumulo ang luha nya at napayuko nalang. Lumingon ako sa babaeng kahalikan nya na ngayo'y nakangisi saakin. Pare-parehas lang kayo.

Sobrang sakit! nagsisisi ako na sinagot ko sya pero masaya ako na ako ang nakaranas ng sakit at hindi si Yza. Mas mabuti nang ako ang masaktan kesa sa mga kaibigan ko.
Namamaga ang mata ko habang pauwi ako pero naisip kong pumunta muna sa bar at magpakalasing.

Yza's POV

"Cass! umorder kana ng drinks natin." Utos ko kay Cassandra.

Kinakain parin ako nang konsensya ko. Hindi ko alam ang gagawin ko noong nahimatay si Sam. Halos hindi ako makatulog sa mga gabing 'yon iniisip ko kung okay lang ba sya. Sinisisi ko parin ang sarili ko kung bakit nangyari sa kanya 'yon. Takot na takot ako noong araw na 'yon.

"Uy! tulala ka nanaman! Parang tanga 'to!" Usal sakin ni Cassandra at iniabot ang drinks. Nandito kami ngayon sa bar.

"Y-yza...Si Sam 'yon diba? Anong ginagawa nya rito nang mag isa? magang maga ang nga mata nya," Napalingon ako sa direksyong itinuro ni Cassandra. Hindi ko matagalan ang pagtingin sa nakaka awang itsura ni Sam.

"Wala akong pake sa kanya..." Pagsisinungaling ko.

"Hindi mo talaga sya mapapatawad?" Hindi ko pinansin ng tanong na 'yon ni Cassandra. Lumingon muli ako sa kinaroroonan ni Sam ngunit nagulat ako nang humahagulgol sya. Iyak sya ng iyak. Ano kaya ang nangyari? napansin kong namumula ang mata nya parang hindi normal pero iniwas ko nalng ng tingin ko ang ipinagpatuloy ang pag inom.

Gusto ko syang damayan.

Gusto ko syang sermonan.

Gusto ko syang patawanin para mabawasan ang lungkot nya pero paano?

Galit ba sya sa akin? Masama na ba ako sa paningin nya?

Miss na miss na kita Sam.

Sana...

Sana mapatawad moko...

To be continued...

Friendship Never Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon