Sam's POV
"Wow Yza! for the first time nag P.E uniform ka Hahaha anong nakain mo?" ngumisi ako.
"Good mood ako ngayon dahil nagka usap kami ni Ken sa library," Masayang saad ni Yza.
"Hindi ka maniniwala! Hiningi ni Ken ko ang cellphone number ko tapos nag text sya na akin kagabi omg!!!" Sambit ko habang nag tatatalon sa tuwa. Napalingon naman ako kay Cassandra na ngayon at nakangiti habang naka tingin sa cellphone nya.
"Sis! Anong nginingiti ngiti mo dyan ha?" Tukso ko kay Cassandra at nilingon ang cellphone nya. Agad nya naman itong itinago.
"A-ano ka text ko si Ken my loves." Agad nyang sagot.
"Naku ang mga Ken natin haha. Sana magkita-kita tayong lahat diba? Imagine tatlong gwapong Ken tapos tatlong dyosang magkakaibigan wahhh excited na ako!" Muling saad ni Yza.
"Guys! Tawag na kayo ni sir mag vo- volleyball na! Goodluck!" Tawag sa amin ni Nestalee.
Agad kaming pumunta sa covered court at pumwesto. Si Cassandra ang captain ball namin ngayon. Hinagis nya nang mataas ang bola at pinalo ito ng malakas. Tinugunan naman ng kalaban ang tira na 'yon at---
"A-aray!" Sigaw ko dahil namimilipit sa sakit ang ulo kong tinamaan ng bola.
"Uy sam? Okay ka lang?" Tanong ng kaklase kong nakatama ng bola na tumakbo agad papunta saakin.
"Ano sa tingin mo?!" Inis kong sagot.
"Gaga ka bakit hindi mo tinira pabalik ano na-inlove ka sa bola kaya nagtitigan kayong dalawa ha?" Natatawang saad ni Yza.
"Alam nya daw yung feeling ng iniiwasan eh.." Pigil na tawang saad naman ni Cassandra.
Itong dalawang 'to natamaan na nga ako ng bola pinagtatawanan pa ako! Linte! Nahihilo ako sa tingin ko matutumba na ako ano mang oras mula ngayon.
"Sir! Pwede po ba naming dalhin sa clinic si Sam?" Tanong ni Yza kay sir. Tumango naman si Sir Rod.
"Sam hawak ka sakin," Saad muli ni Cassandra at inalalayan nila ako ni Yza papunta sa clinic.
Agad akong inasikaso ng mga nurse sila Cass at Yza naman ay bumalik na sa court dahil ipinapatawag sila ni sir Rod para itulo ang laro.
Kumikirot ang ulo ko! Ang bobo mo kasi self eh! Bakit ko ba kasi hindi iniwasan at tinira ang bola baliw lang? Ang sarap pala dito sa clinic! napaka lamig at tahimik.
"Sam? Anong ginagawa mo rito? Saka bakit may bukol ka sa ulo mo?" Gulat akong napalingon sa lalaking nagsalita mula sa likod ko! Si Ken!!! Oh My God!!! Paano ko sasabihin yung nangyari? nakakahiyaaaa!! Lamunin na sana ako ng lupa now na!
"A-a-ah a-ano k-kasi hehehe natamaan ako ng bola ng v-volleyball." Nahihiya kong usal. Nakita ko ang seryosong mukha ni Ken, bakit hindi nya tinawanan ang katangahan ko?
"Sa susunod mag iingat ka ha?" Nag-aalalang saad nya. Tila tumigil ang pag ikot ng mundo ko. Ginulo nya ang buhok ko. Omg! May naramdaman akong kuryente na biglang dumaloy sa buong katawan ko. KINIKILIG AKO! parang nawala lahat ng sakit dahil sa pag aalala at pag gulo nya sa buhok ko.
"O-oo naman Ken," matagal bago ako naka sagot sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon muli akong nakaramdam ng pagtibok ng puso ko sa isang lalaki. Tinitigan ko lang sya habang nagbabasa ng libro at naka upo sa tabi ng kamang hinihigaan ko.
Binantayan nya ako. Umalis lamang sya ng pinatawag sya ng adviser nila.
Saktong pag alis nya ay dumating sila Cass at Yza para pakopyahin ako ng mga notes na isinulat nila"Sayang mga sis! Hindi niyo naabutan si Ken, alam niyo bang binantayan nya ako kanina!?OMGGGG hindi talaga ako maka get over!" Masayang usal ko.
"Road to forever naba yan sis?" Tukso ni Yza.
"Nakasalubong ko nga si Ken ko sa locker eh," Saad ni Cassandra.
"Kayo ha? Baka mamaya kayo na pala ng Ken mo hahaha!" Saad kong muli.
"Nalilito na ako mga sis dapat may kanya-kanya tayong tawag sa triple Ken natin!" Suggest ni Yza.
"Okay ganito dahil ako ang unang nakakilala Ken version 1 akin. Sayo naman Yza Ken version 2 at ang sayo sam Ken version 3." Nakangising usal ni Cassandra. Umirap nalang ako dahil sa kabaliwang naiisip nya ano yun may sari-sariling mga version mga Ken namin? jusmeyo hindi na rin ako tumanggi dahil sila naman ang naka isip non.
"Good idea Cass!" Pagpayag naman ni Yza 'tong dalawang to talaga napaka baliw pero masaya ako na mayroon akong kaibigan na katulad nila. Pinangako namin sa isa't isa na sabay-sabay kaming aakyat ng stage dala ang diploma. Sabay-sabay naming tutuparin ang mga pangarap namin.
"Excuse me mga sis! tumatawag si Ken version 1," Saad ni Cassandra at Lumayo ng kaunti saamin nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang may kinakausap ni Cassandra.
"AHHHHHHHHHHH!!!!!!" Malakas na tili ni Cassandra. Halos mabasag ang eardrums ko lahat ng tili nya.
"Hoy babae anong tinitili-tili mo dyan?" Naiiritang na tanong ni Yza.
"Niyaya ako ni Ken version 1 mag dinner! Gora na muna ako mga sis! kailangan kong magpa ganda ng sobra sobra dahil first date namin to baka sign na to para sa forever ko?!" Masayang sambit ni Cass.
"Sige ingat! Kwento mo saamin ang mangyayari ha!" Sigaw ko dahil papalayo na sya ng papalayo mukang excited na excited na syang naka sabay sa dinner si Ken.
Nagpaalam na rin si Yza dahil mag re review daw sya. Napadaan muli ako sa tindahan ng kwek-kwek ngunit wala akong nakitang Ken version 3. Malungkot akong umuwi at dumiretso agad sa kwarto para matulog.
---
"Uyy!!! Si Cassandra nag bu-blush yieeee," Tukso ni Yza.
"Kwento mo na saamin kung anong nangyari sa dinner niyo?" Excited kaming umupo sa tabi nya para pakinggan ang kwento nya.
"Ganto kasi yon. Kumain muna kami tapos sinamahan nya akong mag grocery tapos sya rin ang naghatid saakin sa bahay. Ang gentleman nya kaya!" Pag paglalahad ni Cass sa mga nangyari kagabi.
" Shit!! Time na malalate nanaman tayo kay maam Shiela lagot!" Natatarantang usal ko nang tignan ko ang orasan naku 2 minutes nalang! Tumakbo kaming tatlo ng mabilis upang maka abot.
Nakahabol kami ngunit hingal na hingal kami nang pumasok sa classroom.
To be continued...
Author's Note:
Sorry po ngayon lang nakapag update ngayon lang kasi ako niload ni mama HAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
Friendship Never Ends
Short Story[THIS IS UNEDITED kaya mag expect po kayo ng mga typo graphical error and wrong grammar] Love or friendship? Ano ang pipiliin mo? Ipagpapalit mo ba ang pagkakaibigan niyo para lang sa lalaki? Sam Hanzen Yza Belle Cassandra Asia Ang magkakaibigang...