Chapter 7

74 63 0
                                    

Ken's POV

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Sam.

To: Sam

Nandito na ako sa tapat ng bahay niyo. Tapos kana ba?

Narinig kong may bumaba sa hagdan nila. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Sam. Napaka ganda nya at may lalo pa syang gumanda nang mag ayos sya hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Medyo kulot ang buhok nya at bumagay 'yon sa mukha nya. Makapal ang pilik mata at pink ang labi kahit hindi na gumamit ng lipstick. Nakasuot sya ngayon ng simpleng pink na dress. NAPAKA GANDA NYA!

Aaminin kong matagal na akong inlove kay Sam simula pa lang ng una naming kita iba na ang nararamdaman ko sa kanya. Siya yung babae kayang sabayan yung trip ko at siya yung babaeng hindi maarte.

"Hoy!? Aalis ba tayo? kanina kapa nakatitig sa mukha ko may dumi ba?" Tanong nya.

"W-wala ang ganda mo kasi," Hindi ko alam kung saan nanaman ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin 'yon mahiyain kasi talaga ako. Nakita ko ang pamumula ng mga pisnge nya. Ngumisi ito at sumakay sa motor ko.

"Kapit ka ah?" Pagpapa alala ko sa kanya. Ngumisi ako ng yumakap sya sa beywang ko, dahan-dahan lang ang pagpapatakbo ko sa sasakyan baka kasi tumaas ang dress nya at mabastos pa. Nag park kami sa tapat ng Mcdo.

Ako ang nag alis ng helmet sa ulo nya mas lalong nag init ang pisnge nya dahil sa ginawa ko. Ilang segundo rin kaming nagtitigan. Nakaka attract talaga ang mga mata nya.

"T-tara order na tayo?" Pagputol nya sa magandang moment. Ngumuti ako at tumango inakbayan ko sya ngunit mas binilisan nya ang paglakad. Ang cute talaga kapag nahihiya sya.

"Anong gusto mo?" Tanong kong muli.

"Fries nalang at Mcfloat" Saad nya.

"Dinner mo na yan? hindi ka mag ri-rice?" tanong ko.

"Hindi busog pa kasi ako eh," Sagot nya. Hindi ko na sya pinilit at umorder na.

"Isang fries large at dalawang Mcfloat.." Sambit ko sa cashier.

Humanap kami nang bakanteng lamesa at nagsimulang kumain.

"Wait lng sam ah may tumatawag kasi eh," Saad ko at lumabas muna bago sinagot ang tawag.

"Hello Ken? may itatanong lang sana ako hehe! Busy ka ba?" Ani ni Cassandra sa kabilang linya.

"Ano yun?" Nagtataka kong tanong.

"P-pwede ka bang maging partner sa Js prom?"

Oo nga pala! Wala pa akong partner! Pero gusto ko si Sam ang ka partner ko... Ang hirap naman tumanggi kay Cassandra dahil kaibigan ko rin sya.

"Ayun ba? Sorry Cass ah? may partner na kasi ako eh..." Palusot ko.

"A-ah ganon ba? S-sige baka may gagawin kapa.. bye" Ramdam ko ang pagka dismaya nya. Binaba ko na ang linya at bumalik sa loob.

Nakita kong naubos na ni Sam ang fries nya.

"Ang lakas mo pala kumain haha akala ko ba busog ka?" Biro ko sa kanya.

"Onti lang naman eh.." Ngumuso sya. Ang cute cute nya talaga pag ginagawa nya yon pero basta para saakin lahat ng anggulo cute sya kahit anong ekspresyon ang cute nya sobra.

"Sam may partner ka na ba sa js prom?" Agad kong tanong.

"W-wala." Sagot nya.

"Pwede ikaw na lang ang partner ko?" Nasamid sya sa iniinom nyang Mcfloat dahil sa sinabi ko.

"Ako? Nagbibiro ka ba? Patawa ka eh no?" Natatawang saad nya.

"Seryoso ako Sam. Gusto kita maging partner sa acquaintance party," Seryoso kong sabi.

"S-sige na nga!" Lumapad ang ngiti ko dahil sa pagpayag nya. Maghahanda ako para maging espesyal ang araw na 'yon.

Inihatid ko sya pauwi pagtapos naming kumain.

"Ingat ka ah? Salamat sa pag hatid at sa libre!" Saad nya at kumaway sa akin.

Hindi mawala ang ngiti ko hanggang sa pag uwi ko sa bahay.

To: Sam

Good night! Thank you sa time at sa pagpayag maging partner ko.

---

Masarap ang tulog ko kaya 'di ko na namalayan ang oras. Nanlaki ang mata ko nang makitang alas syete na agad akong tumayo para maligo at dumiretso na agad sa school. Hindi na muna ako kakain ng breakfast.

Mabuti naman at naka abot pa ako! Halos iharurot ko ang motor ko papunta rito para lang 'di ma late dahil siguradong may parusa.

Natapos ang dalawang klase na walang lessons na pumapasok sa utak ko. Iniisip ko parin kung ano ang maari kong gawin para maging espesyal ang araw na 'yon para kay Sam.

Pumunta muna akong library dahil mas makakapag isip ako doon dahil tahimik.

"Ken pwedeng maki upo?" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Yza.

"Sige.." Sagot ko.

"Ken may partner kana ba sa js prom? Gusto mo partner tayo?" Tanong nyang muli.

"A-ah sorry may partner na ako eh..." ani ko.

"Ay sayang naman... Akala ko wala pa..." Biglang lumungkot ang mukha nya.

"Maganda ka naman kaya maraming mag aaya sayong sumayaw sa friday," Saad ko para sumaya sya kahit onti kaso walang epek.

"Sige Ken alis na ako..." Walang gana nyang sambit.

"Okay..." Tugon ko.

Nakaisip na rin ako kung paano ko gagawing memorable, the best at espesyal na araw ang acquaintance party.

___

Sam's POV

"Oh? Bakit parang antatamlay niyo?" Tanong ko kila Yza na Cassandra na ngayon ay mga nakatingin sa kawalan.

"Hindi pumayag si Ken version 2 maging partner ko dahil may partner na raw sya! akala ko pa naman dahil close na kami ay papayag sya! Gusto kong malaman kung sino ang punyetang ka partner nya siguraduhin nyang mag maganda saakin 'yon!" Nalulungkot na saad ni Yza.

"May partner na daw si Ken version 1 ilang months kaming magka text pero  hindi ko alam na tatanggi sya. Maganda naman ako diba? Bakit iba pa?" Walang ganang sambit ni Cassandra.

Ang lungkot naman ng araw niyo.
Samantalang ako nag ce- celebrate!

"Alam niyo ba mga sis niyaya ako ni ken version 3 maging partner nya! Grabe halos hindi ako nakatulog buong gabi dahil sa sobrang tuwa! tapos nag dinner pa kami kagabi alam niyo nararamdaman kong nag ca-care na rin sya saakin." Kwento ko.

"Wag mo na kaming painggitin Sam!" Saad muli ni Yza.

Ngumisi ako at niyakap silang dalawa mula sa likod.

"Hayaan niyo sa friday din ipapakilala ko sa sa inyo si Ken version 3," Ani ko.

"Andyan na raw si maam Shiela!" Natataranta kong sabi sa kanila.

Agad naman silang tumayo at sumabay sa akin sa pag takbo mabuti naman at naka abot kami bago pumasok si maam Shiela.

To be continued....

Author's note:

Hi Lyzies? Ingat palagi kasi kayo hindi iniingatan char! Sana ipagpatuloy ninyo ang pagbabasa  (kung binabasa pa Haha) l
  Enjoy reading!


Friendship Never Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon