This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is not in itself a crime, but like counterfeiting fraud can be punished in a court for prejudices caused by copyright infringement, violation of moral rights, or torts. In academia and industry, it is a serious ethical offense.
Author's Note:
Kung naghahanap po kayo ng maganda at perpektong storya 'wag niyo na po ituloy ang pagbabasa.
Ang storyang ito ay hindi edited .
Vote and comment ^_^
Enjoy reading !Prologue
Sam's POV
"Ano ba kasi ang kulang sakin?! Bakit nya ako iniwan?!" Tanong ko sa mga kaibigan kong nanliliit ang mga mata sakin. Siguradong may sermon nanaman akong matatanggap.
"Walang kulang sayo Sam. Hindi mo deserve masaktan. Marami pang ibang lalaking mamahalin mo at mamahalin ka din ng buong-buo." Saad ni Cassandra at niyakap ako.
"Tanga ka kasi pagdating sa pag ibig eh! Tapos ngayon magpapakalasing ka dahil lang sa lalaki?Come on Sam!" Saad ni Yza direkta sa mukha ko.
"Alam mo bang napakarami ng mga tao sa mundo ha? Tapos na-inlove ka sa isang walang kwentang Kian?" Sunod-sunod na tanong ni Yza. Grabe sakit na ng heart ko dumagdag pa 'to.
Sermon na naman ng sermon 'tong si Yza ginagaya ata yung mama ko. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa pagdadrama. Punyetang ghoster kasi yon naloko ako! Sayang naman yung mga niregalo ko sa kanya mang iiwan pala yun. Kaasar!
"Sam..."---Lumapit si yza at hinawakan ang kamay ko---"Kaya lang naman akong ganto kasi ayokong nakikitang malungkot ka at sinasayang ang luha mo sa isang manloloko," Sambit nito at niyakap ako. Mabuti nalang talaga at may mga kaibigan akong kagaya nila.
Nag enter sila ng numero sa videoke. Mukang may balak pang kumanta itong mga baliw kong kaibigan.
"Sa dami ng pinagdaanan Bakit ngayon mo pa naisipan, ako'y iwanan? Gabi-gabi na lang akong nalalasing, lumuluha Sa bawat oras, dahil wala ka na" Panimulang kanta ni Yza. Grabe naman 'tong kantang 'to tagos sa puso! Kainis naaalala ko si Kian. Ang manlolokong 'yon!
"Nagtatanong, nagtataka Kung bakit ba lumisan ka Gumising na ako'y nag-iisa"
"Ano ba tigilan niyo na nga 'yan..." naluluha kong saad sa kanila. Hindi nila pinansin ang sinabi ko.
" Wala na pala akong kasabay na uuwi Dati-rati, kasabay kang tatawid Wala na palang mag-aalala tuwing nalalasing Dati-rati, may nagsasabi Wala na pala 'yung dating ikaw at ako Na parating nand'yan sa aking tabi Wala na pala 'yung dating mainit na gabi Na palaging may yakap at halik.."
Umiyak ako ng umiyak. Mahal na Mahal ko kasi yung tao. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit mo'ko iniwan. Ang sakit! napakasakit. Yung nagsabi saaking papakasalan ako, wala na. Yung mga pangako nya sa akin na mamahalin nya ako hanggang dulo wala na. Yung taong minahal ko ng sobra-sobra wala na. Sinayang nya ang 4 years. Akala matatag kami eh. Akala ko lang pala. Nakakatawa diba?
"Ano wala ka bang planong umuwi? May pasok pa tayo bukas diba?" Tanong ni Yza habang inaayos ang mga gamit nya. Mukang naghahanda na paalis.
Shit! May pasok pa nga pala kami bukas! Natauhan ako at kinuha ang mga gamit ko. Sabay-sabay kaming umuwi. Naku! Lagot ako nito kay Mama inabot ako ng gabi!
Kahit na nahihilo pa ako ay naglakad pa rin ako pauwi. Muntik pa akong mabunggo ng motor. Nakakainis talaga 'tong mga manloloko na to. Sarap gilitan ng leeg at ipaakin sa manok ni papa.
Mabuti na lang at nakarating ako sa bahay ng ligtas. Dahan-dahan akong pumunta sa kwarto ko para 'di magising si mama. Dahil na rin sa kalasingan ay nakatulog agad ako.
---
"SAM HANZEN!!!" Muntik na akong mahulog sa kama dahil sa gulat sa sigaw ni mama. Ang sakit ng ulo ko. Nagulat ako ng makita ang masasamang titig ng mga mata ni mama sakin.
"Saan ka nanggaling kagabi ha?! Ikaw talagang bata ka alas syete na may pasok kapa! Kumilos kana nga dyan ma lalate kana!" Nakakabinging sermon nanaman mula kay mama.
Hindi na ako sumagot at dumiretso na sa Cr para maligo. Pagtapos ay kumain na at pumasok sa school.
To be continued...
Author's Note:
Bibitinin ko muna ako hehe.
BINABASA MO ANG
Friendship Never Ends
Storie brevi[THIS IS UNEDITED kaya mag expect po kayo ng mga typo graphical error and wrong grammar] Love or friendship? Ano ang pipiliin mo? Ipagpapalit mo ba ang pagkakaibigan niyo para lang sa lalaki? Sam Hanzen Yza Belle Cassandra Asia Ang magkakaibigang...