Sam's POV
Sinagot na ba ni Lord ang wish ko? Sign na ba 'to para mag move on ako?
At bakit naman napadpad ang lalaking 'to dito sa tindahan ng kwek-kwek? Gosh!! Hindi ko 'to kailangang palampasin!!! Kakapalan ko na ang mukha ko!!!
"Hello"---Tinapik ko ang braso nya---" Ahm a-ah a-ako nga pala si Sam. Parang ngayon lang kita nakita rito?" Napalingon sya sa akin. Shit ang puso ko ang bilis ng tibok!!!
"I'm Ken. Kaka transfer ko lang kasi noong last week eh. Lumipat na kami ng bahay dyan sa village sa kabilang kanto," Saad nya. Ang b-b-boses nya !!! Lalo tuloy akong na inlove!!! Di-bale palagi ko namang madadaanan 'to kaya makikita ko sya every day hahaha.
"Nice to meet you Ken! Parehas pala tayo ng school na pinapasukan eh hehe. Sige mauna na ako baka hinahanap na ako ni Mama. Bye Ken next time nalang ulit," Pagpapaalam ko dahil lumalalim na ang gabi at baka sermonan nanaman ako ni mama.
"Sige ingat Sam." Saad ni ken at kumaway saakin. Abot tenga ang ngiti ko nang umuwi ako sa bahay. Shocks! ingat daw ako haha. Iba talaga ang ganda ko nakaka akit. Hays Sam nakakapagod maging maganda.
Ibinigay ko ang binili kong Kwek-kwek at isaw kay mama at sa mga kapatid ko tuwang-tuwa naman sila.
Ginawa ko ang mga assignment at nag isip ng iba pang steps para sa sayaw namin sa dance competition.
---
It's already 7am pero hindi pa rin dumarating ang sila Yza at Cassandra.
Bumili muna ako ng milk tea dahil naka ramdam na ako ng gutom.30 minutes pa ang inantay ko. Alam kong na stock nanaman sila sa traffic.
"Uy Sam sorry na late kami ah? Sobrang tagal namin traffic," Hinihingal na saad ni Cass. Tumango ako upang sabihin na okay lang saakin 'yon.
"Sam magsimula na tayo ng practice," Ani naman ni Yza.
Hindi na namin pinatagal at nagsimula na kami sa pag prapractice.
Nang makaramdam na kami ng pagod ay naisipan muna naming magpahinga."Oy mga sis! Akala niyo kayo lang ha may nakita akong gwapong lalaki 'don sa tindahan ng kwek-kwek malapit sa amin!!! Syempre makapal ang mukha ko kaya tinanong ko name nya hahaha! Hindi ka maniniwala Yza!! Ken din ang pangalan nya pero mas gwapo yung akin hihi," Saad ko
"Naku sis mas gwapo pa rin yung Ken ko hahaha," Saad naman ni Yza.
"Wag na nga kayo mag talo! Mas gwapo yung Mr. Perfect ko kesa sa mga Ken niyo." Singit ni Cassandra.
Natawa na lang kaming tatlo. Itinuloy na namin ang pagpapractice matapos naming magpahinga.
---
"Sige Sam uwi na kami ha? baka wala na akong masakyan eh," Sambit ni Yza. Si Cassandra kanina pa nakauwi dahil may lakad daw sya.
Halata ang pagod sa katawan ni Yza habang naglalakad palayo.Dumaan muli ako sa tindahan ng kwek-kwek baka sakaling makita ko si Ken kaso wala sya 'don. Malungkot at pagod akong umuwi at tuluyang nakatulog ng hindi kumakain ng hapunan.
---
"MGA SISSSS!!!" Nakakabinging tawag sa amin ni Cassandra.
"Ano nanamang problema mo?" Tanong ni Yza.
"NAKUHA KO NUMBER NI MR. PERFECT!!!!" Muling sigaw nito at nagtatalon na parang bata.
"Oh tapos?" Pambabara ko.
"Mga wala naman kayong support!" Kunwari'y pagtatampo nya.
"Paano mo ba nakuha sis?" Tanong ni Yza.
"Eh diba pumunta akong mall kagabi? Naabutan ko sya 'don OMG Ryan Ken daw ang pangalan nyaaa!!! Biruin mo 'yon pare-parehong may Ken ang mga crushies natin!!" Masayang saad ni Cass.
"Syempre sisters in heart tayo kaya brothers in name mga soon to be boyfriends natin hahaha!!!" Natatawang saad muli ni Yza.
"By the way mga sis mamaya na diba yung performance natin sa dance competition? Galingan niyo ha dapat manalo tayo," Pag iiba ko ng usapan.
"Hala oo nga pala! Dali mag final practice tayo!" Saad ni Cassandra.
Natapos namin ang final practice bago magsimula ang dance competition.
---
"And now let's call group number 3," Tawag sa grupo namin ng Mc.
Pumwesto kami sa Stage at sumayaw nagpalakpakan ang mga tao ng matapos kami sa dance number namin.
Tinawag naman ang iba pang grupo na mga magsasayaw aaminin kong magagaling sila.
Nang matapos ang pag sasayaw ng lahat ng grupo ay ang pag a announce na ng mananalo.
"For the second runner up... Group number... 2!!!" Saad ng Mc Nag palakpakan ang mga tao grupo nila Vrexle.
"First runner up is group number... 3!!!" Saad muli ng Mc.
Umakyat kami ng stage para kunin ang premyo.
"And our champion is... Group number 5!!!" Nakita kong tumayo ang grupo nila Camille. Inirapan ko lang sya. Sobrang sama naman ng titig ni Yza sa kanya.
"Tara mga sis! Coffee shop tayo!" Pagaaya ni Cassandra saamin.
Dumiretso kami ng coffee shop matapos ang dance competition. Gaya ng dati libre ulit ni Cass. Hindi namin afford ang coffee shop kasi hanggang nescafe creamy white lang kami ewan ko lang sila Yza.
"A-aray ko! ingat naman sis," Sabi ko kay Yza ng matapunan nya ako ng Kape.
"S-sis omg!! nakita ko si Ken!! Ayun oh!" Turo nya sa labas at nilingon naman namin ni Cass ngunit wala naman? Tanging mga sasakyan lng na naka park ang mga nandoon.
"Saan wala naman ah?" Pagtataka ni Cass.
" Tangeks umalis na ang bagal niyo kasi lumingon slowmotion pa sis, pero sure ako na sya 'yon." Saad muli ni Yza.
Nagpatuloy kami sa pagkakape at saka umuwi.
---
Napadaan uli ako sa tindahan ng kwek-kwek ang finally!!! nakita ko ulit si Ken. Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan sya."Uy Ken ikaw pala!" Saad ko.
"Oh Sam right? Tara upo ka muna dito.." He calmly said.
"Ano palang ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Napadaan lang. A-ah pwede ko bang makuha number mo? kung p-pwede lang..." Nanlaki ang mga mata ko sa tanong nya. Wala sa sariling isinulat ko sa papel ang cellphone number ko at nakangiting iniabot sa kanya.
"Bukas daan ka ulit dito ha? Wala pa din ako masyadong friends eh..." Saad nyang muli.
"Lagi naman ako dumadaan dito kasi doon ang bahay namin," Turo ko sa kulay pulang bubong ng bahay namin.
"Ah okay sige nag text kasi si mama hinahanap na kasi ako, ingat sa pag uwi Sam." Bilin nya.
"Ingat din Ken. Sige baka hinahanap na din ako ni Mama." Pagpapaalam ko.
Nakangiti akong umuwi sa bahay at kinain ang kwek-kwek na para sana kila Mama.
Hanggang sa paghiga ko ay nakangiti pa rin ako. Nakita kong umilaw ang cellphone ko at mga one message from unknown number.
From: 09*********
Naka uwi kana ba? Si ken 'to. Good night Sam.
Napatalon talon ako sa kama nang makita ang message nya. Sinave ko ang number nya at agad akong nagreply.
To: Ken
Oo naka uwi na ako. Matulog kana din. Good night Ken...
Dahil sa sobrang kilig ko kahit gabing gabi ay nag message ako kila Cass at Yza na hiningi ni Ken ang number ko at nag good night saakin!! Mukang tulog na sila dahil sa pagod kaya hindi ko na hinintay ang reply nila.
Paulit-ulit kong binabasa ang message ni Ken hanggang sa dalawin na ako ng antok.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Friendship Never Ends
Short Story[THIS IS UNEDITED kaya mag expect po kayo ng mga typo graphical error and wrong grammar] Love or friendship? Ano ang pipiliin mo? Ipagpapalit mo ba ang pagkakaibigan niyo para lang sa lalaki? Sam Hanzen Yza Belle Cassandra Asia Ang magkakaibigang...