Chapter 6

72 63 0
                                    


Sam's POV

"Grabe napaka boring talaga pag si maam Shiela yung nagtuturo lagi nalang pa quiz at pagawa ng pagawa ng essay!" Inis na usal ni Yza. Itong babaeng 'to mainitin talaga ang ulo kahit kailan.

"Hay nako sis! Onting tiis nalang ga graduate na tayo. Fighting!!" Saad naman ni Cassandra. Hanggang ngayon nahihilo pa rin ako dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko pa ren makalimutan ang pagbabantay saakin ni Ken version 3 kahapon napaka bait nya pala.

---

"Sige sis una na ako magsho shoping daw kami ni mama eh," Sabi ni Yza.

"Ako rin sis andyan na yung sundo ko..." si Cassandra.

"Sige mag iingat kayo ha? Bye!" Kumaway ako sa kanila at nag umpisa na sa paglalakad pauwi. Habang naglalakad ako ay nasalubong ko si Ken version 3.

"Uy! Ken ikaw pala! Nakalimutan kong mag thank you sayo sa pagbabantay mo saakin kahapon, thanks ah?" Sambit ko at ngumiti ng matamis kay Ken. OMG! NAMULA ANG PISNGE NYA!

"Ano ka ba wala yon," Ani nya at ngumiti pabalik sakin. Mas gwapo pala sya pag nakangiti! Lagi nalang kasi seryoso ang mukha nya.

"Tara kwek-kwek tayo libre ko.." Saad nya at bumili ng dalawang kwek-kwek.

"Salamat Ken hayaan mo babawi ako sayo," Saad ko at nag promise sign. Gosh! ang cute nya talaga aakalain mong anak mayaman pero kumakain ng kwek-kwek?

"Bakit ba ang cute mo nakaka inlove lalo..." Bulong ko sa hangin.

"Ano 'yon?" Tanong nya. Hala! narinif nya ba? antalas naman ng pandinig neto, Paano na?

"W-wala kain ka lang d-dyan Ken," Palusot ko nakita ko ang nagtatakang ekspresyon nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay tumawa nalang sya.

"Sam? Pwede ba kitang y-yayaing mag dinner bukas? 'wag kang mag alala libre ko..." Pang yayaya nya saakin.

"Magpapaalam muna ako kay mama tapos text nalang kita 'pag pumayag." Sagot ko. Tumango nalang sya.

ko"Oh? ang lakas mo pala kumain ng kwek-kwek hahaha natatawang ani," natatawang sambit nya. Nag pout naman ako bakit ba e gutom nga ako langya to.

"Ay sorry naparami," Nahihiyang saad ko.

"Haha okay lang 'yon. Ang cute mo kaya kumain..." Nagulat ako sa sinabi nya. Sinabi nya bang cute ako? Wait paki sampal nga ako! OMG totoo ba talaga? Alam ko namang cute ako matagal na pero nagula ako nang sabihin nya saakin 'yon. Uminit ang pisnge ko. Nahihiya tuloy akong tumingin sa kanya!

"N-naku bolero ka pala Ken." Nauutal kong sambit.

"Totoo ang cute mo lalo na pag nakangiti ka," Mas lalong uminit ang pisnge ko sa sinabi nya. Panaginip ba 'to? Ken wag ka namang ganyan mas lalo akong na fa-fall eh.

"Cute ka rin naman eh baliw!" Saad kong muli.

"Hahaha ikaw pala ang mas bolera sa atin eh. Sige mukang malalim na ang gabi baka hinahanap kana ng mga magulang mo." Sambit nya.

"Ay! Hindi ko napalayan 7:30 pm na pala! napasarap ata ang kwentuhan natin hahaha. Sige gora na ako bye? Text nalang kita pag pumayag si mama ah ingat sa pag uwi Ken!" Pagpapa alam ko at tuluyang naglakad pauwi. Nakita ko syang kumakaway saakin, napangiti ako. Napaka ganda ng araw na 'to.

"Hoy ikaw bata ka! Saan ka galing ha? anong oras na 'to oh!? Bakit ngayon kalang umuwi!?" Sunod-sunod na tanong ni mama. Nahihilo na nga ako mas lalo pa akong mahihilo dahil sa sermon na maririnig ko kay mama.

---

Araw-araw na kaming nag kikita ni Ken tuwing bibili ako sa tindahan ng kwek-kwek mas lalong nahulog ang loob ko sa kanya.

Sila Yza at ang Ken version 2 ay laging sabay nagbabasa ng libro sa library. Araw-araw nyang kinikwento saamin si Ken V2.

Si Cassandra naman ay nahuhulog na rin kay Ken V1. Halos lagi nya itong bukambibig saamin kesyo napakabait daw.

---

"Good morning class?" Panimulang bati ni sir Cristobal.

"Good morning sir!" Bati ng buong klase.

"Okay ngayon mag di discuss tayo about 'Electricity'. Now, What is electricity?" Tanong ni sir Cristobal sabay namang nagtaas ng kamay sila Yza at Cassandra syempre alam nila kasi nag review sila eh tinatamad nanaman kasi ako linte.

"Okay Yza! What is electricity?" Tawag ni sir kay Yza.

"Electricity is the set of physical phenomena associated with the presence and motion of matter that has a property of electric charge. In the early days, electricity was considered as being unrelated to magnetism. Later on, experimental results and the development of Maxwell's equation indicated that both electricity and magnetism are from a single phenomenon: electromagnetism. Various common phenomena are related to electricity, including lightning, static electricity, electric heating, electric discharges and many others." Mahabang paglalahad ng sagot ni Yza. Hindi na ako magtataka kung paano nya nasa ulo ang lahat ng iyon. Porsigido sa pag aaral si Yza matatas ang grade nya minsan tinatamad lang talaga sya pag wala sya sa mood or ayaw nya yung nag tuturo.

Napanganga ang lahat dahil sa haba ng explanation ni Yza. Pinalakpakan namin sya kahit kailan bilib talaga ako sa kanya.

"VERY GOOD YZA! may plus 5 ka sa quiz para bukas," Masayang usal ni sir Cristobal.

"Okay next question. What are the 4 types of electricity?" Muling tanong ni Sir. Ngayon mas marami na ang nagtaas ng kamay ngunit...

"Sam, stand up. Give me the 4 types of electricity," Tawag saakin ni sir. Kaasar sana maalala ko shit! ayoko mapahiya! Napalingon ako kay Yza na may isinulat sa ka pirasonf papel at lihim na iniharap saakin! Tama! Nakasulat sa papel na 'yon ang sagot!

"C-current electricity," Saad ko.

"And?" ani ni sir.

Muli ako lumingon kay Yza ngunit busy na ito sa pagbabasa sa libro lumingon naman ako kay Cassandra sa tabi ko na bumulong ng 'static electricity' nabuhayan ako ng loob dahil sa wakas makakaupo na ako.

"Static electricity po." Dagdag ko pa.

"Okay! Take your sit." Sambit muli ni sir at ipinaliwanag ang mga binanggit ko napalingon ako kay Yza at Cassandra at sumenyas ng 'Like sign'

"By the way class! Sa Friday na gaganapin ang  niyo kaya mag ready na kayo ah?" Nakangiting usal ni sir Cristobal.

Naalala ko kaagad si Ken baka pwede ko syang maging ka partner haha excited na ako!

Nakita kong malalim ang iniisip ni Cassandra at Yza mukang aayain na rin nila ang Ken version 1 AT Ken version 2 na maging partner nila.

Hala oo nga pala pumayag si mama na mag dinner kami ni Ken!

To: Ken

Pumayag si mama. Uuwi muna ako para mag palit text mo nalang sakin kung saang restaurant.

Ilang sandali pa at may nag pop up sa phone ko na message.

From: Ken

Susunduin nalang kita.

Pigil ako tumili dahil. Ngumiti ako at sumang ayon sa kanya.

To: Ken

Okay, ingat.

Susunduin ako ni Ken shit kailangan mag paganda ako!

To be continued...

Friendship Never Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon