Epilogue

9 1 2
                                    

Yza's POV

Halos hindi ako makausap ng maayos hanggang sa makauwi kami ni Cassandra. Hanggang ngayon iniisip ko parin ang sinabi saamin ng mama ni Sam. At alam kong mas lalong naapektuhan si Cassandra dahil sa mgakinikilos nya bakit kaya?

FLASHBACK

"Mabuti naman at naisipan ninyong gumala rito!" ani ng mama ni Sam.

"Ngayon lang po kasi kami nag karoon ng time hehe." Saad ko.

"A-ah mga bata..." ---Lumingon muna ang mama ni Sam sa paligid bako nagsalitang muli.---" May sasabihin sana ako pero sana sikreto muna natin? pwede ba?" Mahinang sambit nito. Tumango kami bilang tugon.

"Nung naospital si Sam ay kinausap ako ng doctor sabi nya ay may sakit raw si Sam...Sa mata na damage raw ang cornea nya at ngayon hindi ko alam kung saang lupalop ako hahanap ng eye donor nya, Kapag hindi agad 'yon naagapan maaaring hindi na m-makakita pang m-muli si Sam.." Nagsimula ng mag unahan sa pagtulo ang mga luha nya. Napalingon ako kay Cassandra na ngayon ay nakatulala lamang sa isang tabi, ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ng mama ni Sam. Kasalanan ko ba 'to? Natatakot ako na baka ako ang dahilan...

Tumayo si Cassandra at nagsalita "Magpapahangin po muna ako sa labas..."

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano ko ba matutulungan si Sam.

Nanlalambot ang mga tuhod ko alam kong hindi matatanggap ni Sam na mawalan sya ng paningin miski ako rin naman ay hindi matatanggap 'yon.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa narinig ko.

END OF FLASHBACK

Kasalukuyan kaming papunta sa bahay ni Sam. Kasama ko si Cassandra mukang balisa sya at 'di mapakali. Kumatok kami sa gate nila ngunit walang sumasagot at nagbubukas mukang walang tao sa bahay nila Sam. Naisipan kong tanungin ang kapitbahay nila.

"Ate? Pwede po bang magtanong? Nasaan po yung mga tao rito?"

"Naku! Kaaalis lang nila dyan ineng.." Sagot nito.

"Alam nyo po ba kung saan sila pumunta?"

"Ang narinig ko ay sa ospital dahil nahimatay nanaman yung anak nyang babae na si Sam.." Nagulat ako sa sinabi nito. Hinila ako ni Cassandra at sumakay agad sa taxi. Hindi ko maintindihan dahil nagmamadali sya. Ano bang problema?

"Uy! Nasa ospital naman na saka may mga doctor naman na doon bakit parang hindi ka mapakali?" Ano bang nngyayari sayo?

"W-wala tara na sa ospital! puntahan na natin si Sam.." Saad nya kaya nagmadali narin akong sumakay sa kotse nila.

Cassandra's POV

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating narin kami sa ospital at agad naming nakita ang mama ni Sam kaya lumapit agad kami roon ngunit mukhang di pa namin ito makakausap ngayon.

Hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin pero buo na ang desisyon ko. Hindi ko na rin sasabihin kila mommy at daddy dahil wala naman silang pake saakin wala na rin akong magagawa kasi 'yon na talaga ang kapalaran ko.

Lumabas na ang doctor at agad na lumapit sa mama ni Sam. Lumapit rin ako upang marinig ang pinaguusapan.

"Ma'am kailangan napo talagang maoperahan ang inyong anak sa lalong madaling panahon kundi..." Malungkot na saad ng doctor.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendship Never Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon