Sam's POV
"A-aray!" Nadapa ako sa kalsada na nilalakaran namin may bato kasing nakaharang.
"Love? Okay ka lang ba? Saan ang masakit?" Nag-aalalang tanong ni Ken saakin.
"O-okay lang ako love..." Tugon ko pero ang totoo hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Ang hirap tumayo!
"Patingin nga ako love," Saad ni Ken at tinignan ang tuhod kong puro gasgas. Naging seryoso ang muka ni Ken at tumalikod tapos ay umupo.
"Sakay." Utos nya.
"A-ano? Kaya ko namang maglakad Ken..."Nahihiyang usal ko.
"Sakay na sabi!" Wala akong nagawa kundi ang sumampa sa likod nya.
"Kumapit ka mabuti.." Paalala nito at nagpatuloy sa paglalakad.
"Bakit parang wala ka sa sarili kanina pa love?" Tanong ni Ken.
"H-hindi! Pagod lang ako love," Sagot ko.
"Pagkauwi mo magpahinga ka kaagad ah?" ani Ken hindi na ako sumagot at tumingin nalang sa kalsadang nilalakaran namin at hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa bahay ko.
"Dito nalang ako love okay na rin naman 'tong gasgas ko. Ingat ka sa pag uwi love, i love you!" Sambit ko sakanya at ginawaran nya ako nang halik sa noo ko bago umalis.
---
Yza's POV
"Cass! Uminom kapa dali!" Sinalinan ko nang beer ang baso nya.
"Yza lasing kana! Tara na umuwi na tayo!" Inis na usal ni Cassandra saakin.
"Akala ko talaga tayo yung pipiliin ni Sam pero mas gusto nya parin kay Ken!" Ani ko.
"Yza..." si Cass.
"Diba yun lang naman ang gusto ko mangyari para magkaayos na tayo? Ang piliin nya tayo gaya nang ginawa mo kaso hindi nya ginawa! Selfish sya!" Sigaw ko at nilagok ulit ang beer.
~Flashback~
Lumipat kami nang table ni Cassandra dahil sa sobrang inis ko kay Sam lalo't niyaya sya ni Ken sumayaw! Dapat ako yung nasa posisyong 'yon! Ako lang dapat!!!
"Yza? Nagtataka ako bakit saakin hindi ka galit eh parehas din naman tayong may gusto kay Ken?" Tanong ni Cassandra.
"Hindi ako magagalit sayo basta mamili ka... Ako o si Ken?" Saad ko. Nag isip muna sya nang kaunti bago sumagot. Kung sa tingin niyo masama akong kaibigan nagkakamali kayo kasi ayoko lang masaktan sya kagaya ko mabuti nang ako nalang ang gagawa nang paraan para magkaayos uli kami ni Sam or kung hindi man ayokong madamay si Cass sa kung ano mang gulo.
"Syempre ikaw Yza!" Ganadong sagot nya kaya napangiti ako at niyakap sya. Iniingatan ko lang ang puso nya alam kong masakit para sa kanya ang mamili at basta nalang talikuran si Ken-- kasi ganun din ako pero kakayanin ko. Sana maayos pa ang friendship na 'to.
~End of the flashback~
"Cass... Masama ba akong kaibigan?" Tanong ko.
"Nope! Ano bang sinasabi mo?!" Sagot nya.
"Mahal na mahal ko si Sam pero inlove na inlove ko kay Ken gusto kong magparaya pero sobrang sakit lalo't sila na! Buong akala ko ako lang ang maswerteng babaeng magiging girlfriend nya pero hindi pala! Ang masakit pa dun best friend ko pa! 'Di ko matanggap Cass eh... Si Ken lang ang unang lalaking nagustuhan ko! Nakakamiss yung pag aabot nya nang libro kapag nakalagay sa mataas, sabay kaming magbabasa at magke kwentohan tungkol sa mg nabasa namin pag napagod kami ililibre nya ako sa canteen pero letche! Bakit sa mg araw na 'yon ni-hindi lang man natin nalaman na iisa lang minamahal natin! Nakakatawa diba? Kung sana nalaman agad hindi sana umabot sa ganito ayoko lang naman makitang may kasamang iba si Ken kaya hindi ko mapigilan yung sarili ko na magalit kay Sam..." Saad ko at nagsimulang tumulo ang mga luha ko.
"Umuwi na tayo Yza, lasing kana eh..." Inalalayan ko ni Cassandra wala na sariling sumakay ako sa kotse nila dahil aminado akong 'di ko kayang umuwi sa sitwasyon ko.
Sam's POV
"Love hatid na kita sa classroom niyo," Saad ni Ken.
"Wag na love kaya ko naman eh, saka baka makita tayo nila Yza at Sam..." Ani ko.
"Wala akong pakealam sa kanila, Tara na." Sumunod nalang ako dahil baka magtalo pa kami at malate ako. Binuhat nya ang bag ko at hinawakan ang kamay ko pagkatapos ay nagsimula sa paglalakad. Habang nag lalakad kami ay nakikita ko ang mga taong akala mo kami ang principal para pagtinginan ang iba ay masasama ang titig at ang iba naman ay natutuwa sa amin. Naalala ko bigla na gwapo nga pala ang boy friend ko, Sinamaan ko nang tingin ang mga nakatitig dito at inirapan lang nila ako. Well! Nakatitig din pala kay Ken si Camille kasama si Maricris at Kaycee jusko wag na kayong mag assume dahil loyal saakin si Ken! Tinaasan ko nang kilay si maricris na akmang lalapit kay Ken pero walang epekto.
"Hi Ken? Busy kaba mamaya?" Tanong ni Maricris.
"Oo. Mauna na kami nang girlfriend ko baka malate sya eh." Saad ni Ken na nagpainit sa pisnge ko.
"Ah girlfriend mo pala yan? akala ko yaya mo eh hahaha bye!" Pangiinis ni Maricris. Abat-- Hihilahin ko sana ang buhok nya kaso hinawakan ni Ken ang kamay ko.
"Wag mo nang patulan, wag kang mag aksaya nang oras sa mga 'yan. Tara na nga..." Bulong ni Ken saakin. Kumalma ako at tumingin mula sa grupo nila Camille bago naglakad muli. Huminto kami sa tapat nang classroom ko.
"Love dito nalang ako, thank you sa pagahahatid i love you..." Saad ko.
"Sige love una na ako i love y--" Naputol ang sinasabi ni Ken nang biglang magsalita si Yza.
"At sa daan pa talaga kayo maglalandian? Ang daming dadaan oh nakaharang kayo! Pag mag haharutan kasi kayo lumugar kayo ha? nakakasuka eh! Tabi nga dyan! Harang ng harang tss!" Naiiritang saad nito.
"S-sorry Yza..." Sambit ko ngunit nilampasan nya lang ako lumingon naman ako kay Cassandra na ngayon ay naka tingin kay Ken bago tuluyang pumasok ni-hindi sya lumingon saakin kahit isang beses, ano ako multo?
Ang sarap mag ka boyfriend ng katulad ni Ken pero...
Ang hirap mawalan ng kaibigang katulad ni Yza at Cassandra.
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/222711763-288-k878828.jpg)
BINABASA MO ANG
Friendship Never Ends
Short Story[THIS IS UNEDITED kaya mag expect po kayo ng mga typo graphical error and wrong grammar] Love or friendship? Ano ang pipiliin mo? Ipagpapalit mo ba ang pagkakaibigan niyo para lang sa lalaki? Sam Hanzen Yza Belle Cassandra Asia Ang magkakaibigang...