Chapter 16

8 1 0
                                    

Sam's POV

Umuwi ako ng hating gabi hindi naman ako napansin nila mama dahil tulog na sila. Humiga na agad ako sa kama at hindi na naglinis ng sarili. Gusto ko lang ilabas lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko. Wala na yung mga taong palaging nandyan para saakin kapag nasa ganitong sitwasyon ako--Yza at Cassandra.

Hindi ko alam kung nakatulog ba ako, halos buong gabi akong umiyak sa unan ko. Sobrang sakit ng ulo ako tapos ang sakit pa ng puso ko lalo na ang mga mata ko.

Naligo ako at hindi na kumain ng almusal dumiretso na agad ako sa school. Tahimik lang akong naka upo nakatitig sa mga ibong nagliliparan sa labas ng bintana ng classroom namin.

"Guys! nag aaway si Yza at Vhianca dali tignan nyo!" Halos tumakbo ako palabas dahil biglang uminit nanaman ang ulo ko. Nakita kong hila-hila ni Vhianca ang buhok ni Yza kaya agad akong lumapit at hinila ang buhok nya dahilan para mabitawan nya si Yza.

"Aray! bitawan mo'ko wag ka ngang makisali!" Galit na usal ni Vhianca.

"Wag na wag mong sasaktan ang kaibigan ko kundi kakalbuhin kita! Wag na wag ng dadampi ang kamay mo sa kahit anong parte ng katawan at muka nya humanda ka sa'kin! Wala kang karapatang sigaw sigawan si Yza! Magsosorry ka o sasampalin kita sa harap ng mga taong 'to!" Nag aapoy ako sa galit. Sinabayan pa kasi nya ang pagka badtrip at broken ko. Ayaw na ayaw kong may masasaktan kahit sino man sa kaibigan ko. Gigil na gigil ako kay Vhianca. Pulang pula ako dahil sa galit nakita ko ang takot sa mga mata nya.

"S-sorry Y-yza.Hindi n-na m-mauulit.." Nauutal nitong saad para bang hirap na hirap syang banggitin ang mga salitang 'yon. Napangisi ako dahil napasunod ko sya. Buti nga sayo! Inirapan lang sya ni Yza at tinalikuran. Masaya ako na naipagtanggol ko si Yza sa bruhang 'yon.

Habang nagkaklase kami ay napapansin ko palihim na lumilingon saakin si Yza. Si Cassandra naman ay busy sa pakikinig sa teacher namin.

Mag isa akong pumunta ng canteen para bumili ng snacks. Nag hanap ako ng table na ma uupuan ng biglang may tumapon sa damit ko ng orange juice! Ang lamig...Wala pa naman akong pampalit. Nilingon ko ang  Tumapon saakin ng juice--Si Vhianca?! Ang bruhang 'to!

"Hindi ko mapapalampas ang ginawa mo saakin kanina!"

"Weh?" Pang iinsulto ko.

Pagkasabi ko ng mga salitang 'yon at akmang susugurin nya ako ngunit halos malaglag ang panga ko nang hinarangan ako ni--- Yza at Cassandra?!

"Subukan mong hawakan si Sam kakalbuhin kita!" Inis na usal ni Cassandra.

"Isang hakbang mo lang tapon 'tong juice na hawak ko sa mukha mo!" Galit na saad naman ni Yza.

Nakita kong nakaramdam ng pinaghalong takot at inis si Vhianca at makikita mo 'yon sa itsura nya ngayon.

"May araw ka rin saakin Sam tandaan mo yan!" Saad ni Vhianca at padabog kaming tinalikuran.

"Subukan mo lang! mag kakaroon ka rin ng araw saamin!" sambit ni Yza. Inirapan lang sya ni Vhianca at tuluyan ng naglakad papalayo. Lumapit saakin sila Yza at Cassandra. Totoo ba 'to? naguguluhan pa rin ako bakit nila ako tinulungan? Galit diba sila? Ibig ba sabihin nito....

"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Cassandra.

"O-oo s-salamat sa inyo..." Usal ko.

"Kakalbuhin ko talaga 'yon!" Inis na sabi ni Yza.

"Ahmm Sam... Eto oh may t-shirt akong extra palit ka ng damit mo, basang basa ng juice oh.." Dagdag pa nya at iniabot saakin ang kinuha nyng t-shirt sa bag nya.

"T-thank you..." Grabe nalilito ako! okay na ba kami? hindi na ba sila galit saakin sakit ng ulo ko, my god! Dumiretso ako sa cr at nagpalit ng damit. Napaka sama talaga ng ugali ng Vhianca na 'yon duwag naman! Sabay- sabay kami nila Yza at Cassandra na bumalik sa classroom tumabi na rin sila saakin.

Bumabalik na kami sa dati...

Nakikipag biruan na sila saakin at hindi na rin ako sinusungitan ni Yza. Ang sarap sa pakiramdam! Sobra-sobra ang saya ko ngayong araw na 'to. Sana magtuloy-tuloy na 'to...

"Good bye class?" Ani ng teacher namin sa Tle.

"Good bye maam! Thank you for teaching us!" Sagot namin at nagsimula nang magsilabasan ang ilan sa mga kaklase ko.

"Hmm May lakad ba kayo?" Tanong ko kila Yza at Cassandra.

"Wala naman..." Tugon ni Cassandra. Umiling naman si Yza.

"G-gusto nyo bang sa bahay na mag hapunan?" Nag aalinlangan kong tanong.

"Oo naman!"

"Game ako dyan!"

Sumilay ang ngiti sa labi ko dahil sa pagpayag nila. Nagmadali akong ayusin ang gamit ko, Sabi naman ni Cassandra sumabay nalang kami sa kanya para 'di na kami mag lakad. Habang nasa sasakyan kami ay nagkaroon kami ng onting kwentuhan.

"Sam? Narinig ko yung balita tungkol sainyo si Ken ah? Okay ka lang ba? Kung alam ko lang..." Hinawakan ko ang kamay ni Yza.

"Okay na okay lang ako. Masaya nga ako dahil ako yung nakaranas kesa ikaw.." Nakangiting saad ko.

"Group hug! Wag na kayo mag dramahan dyan! Nandito na tayo nagugutom na ako mga sis!" Natawa ako at sumali sa group hug. Namiss ko 'to-- ang yakapin sila. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko haggang sa umupo na kami sa hapagkainan. Napakasaya ko at ayos na kaming tatlo!

Pagkatapos naming kumain ay naghugas muna ako ng pinagkainan namin. Sila Yza at Cassandra naman at kausap si mama sigurado akong namiss din sila ni mama.

Pagtapos ko ay niyaya ko sila sa may upuan sa labas para makapag pahinga sila bago umuwi.

"Sam... I'm sorry," Gulat akong napalingon kay Yza.

"Ano kaba! Ako ang dapat mag sorry 'no! Saka ang mahalaga buo na ulit tayong tatlo!" Nakangiting saad ko ngunit hindi parin nawawala ang malulungkot na muka ni Yza at Cassandra--May problema ba?

"Nagsisisi kami sa lahat ng nasabi ay nagawa namin sayo dahil sa pagka desperado ko kay Ken at dahil sa galit at selos na nabuo sa puso ko hindi ko napigilan ang sarili ko...Sorry." Naluluhang usal ni Yza. Isinandal ko ang ulo nilang dalawa saakin at pare-parehas kaming naka titig sa buwan ngayon. Napaka ganda! Kasing ganda ng araw ko ngayon.
Ang ipinagtataka ko lang kung bakit bigla-bigla silang naging matamlay at parang wala sa sarili? Sobrang lungkot nila lalo na si Cassandra.

Halos kalahating oras rin kaming nagkwentuhan sa kasabay ang maliwanag na buwan. Nagpaalam na rin sila 'nong lumalalim na ang gabi.

Na-miss ko kayo...

To be continued...



Friendship Never Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon