Chapter 3

88 71 2
                                    

Yza's POV

"Nay alis na po ako," Nagmano ako kay mama at nag abang na ng masasakyan papunta sa school.

"Ingat ka nak ha..." Bilin ni nanay. Tumango ako bilang tugon.

---

"Narinig ko sa ibang section may dancing compet---- A-aray!" napakahawak ako sa braso kong sinadyang sagiin ni Camille. Ang feeling reyna sa buong school.

"Oops! natamaan ka pala? Sorry sadya," Taas kilay na ani nito.

"Abat--- Hoy ikaw bruha! Ang kapal naman ng face mo no! Ikaw kaya itong nam bangga sa akin!" Pagtataray ko kay Camille.

Lumapit agad sila Sam at Cass para umawat pero sumenyas ako na wag.

"Alam mo girl? Maganda ka sana kayo yung attitude mo sagad hanggang bed rock! Ayus ayusin mo yang ugali mo makakatikim ka ng sampal ng di oras," Pagbabanta ko.

"Oh really? wait. Everyone?! Attention please! Alam niyo ba na 'tong babaeng 'to nakita ko kanina nakasakay sa isang cheap na tricycle, iww. Paano naka pasok ang mga slapsoil na yan dito?" Tawag nya sa mga tao at ipinahiya ako.

"For your fucking information scholar ako! Ibig sabihin mataas ang grades ko. Kesa naman sayo pumasok lang dito para magpasikat. Eh kung isampal ko sayo grades ko ha? Ano palag?" hamon ko na nagpatahimik kay Camille.

"Barssss"
"Boommm"
"Scholar naman pala!"
"Idol!"

Sigaw ng mga tao sa paligid.

Ngumisi ako at tinaasan sya ng kilay

"Aish! May araw ka rin sakin Yza! Tara na nga girls!" Banta nya at umalis kasama ang mga alagad nya.

Humarap ako kila Sam at Cassandra na ngayon at pumapalakpak.

"Tara pasok na tayo." Pag aaya ni Sam sa amin. Dumiretso muna kaming library at pumasok na sa classroom.

---

"Okay class mayroon tayong gaganapin na dance competition hip-hop dance competition. Kayo na ang bahalang pumili ng magiging ka grupo niyo," Panimulang sambit ni sir Cristobal.

Tatlo kami nila Sam at Cassandra ang magkakagrupo.

"Mamayang hapon practice na tayo mga sis!" Ani ko at pumayag naman sila

"Okay discussion ulit tayo. Wait-- Yza paki kuha pala muna yung isang libro na nakapatong sa table ko sa faculty Thank you." Utos ni sir.

Agad akong tumakbo papunta sa faculty. Kinuha ko ang libro na sinasabi ni sir.

Tumakbo muli ako pabalik sa classroom pero natisod ako at naramdaman kong may kamay na nakahawak sa bewang ko bilang alalay upang hindi ako matumba.
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at tila naka kita ako ng isang angel na bumaba dito sa lupa. Napaka gwapo nyaaaaaa!!!! Wahhhh ang mga mata nya ang ganda!!!! Ikaw na ba si mr. Right? Ikaw na ba love of my life!!!!! (Bat mo kinanta?)

"Miss oh,"---Inabot nya yung libro---"Nahulog mo,"

"Ah t-thank you btw I'm Yza," Saad ko

"I'm ken," He said.

"Sorry I have to go. May klase pa ako eh." Saad muli nito at tuluyang umalis. Ako naman ay naiwang nakanganga hindi ako maka get over sa gwapong yon shocks!

Tumakbo ako agad papunta sa classroom nang maalala ko ang ipinapakuha ni sir Cristobal.

Nang makarating na ako sa classroom ay iniabot ko agad kay sir ang libro. At nag simula na syang mag discuss.

"Modals (also called modal verbs, modal auxiliary verbs, modal auxiliaries) are special verbs which behave irregularly in English. They are different from normal verbs like "work, play, visit..." They give additional information about the function of the main verb that follows it. They have a great variety of communicative functions. Modal verbs or modal auxiliary verbs are a type of verbs that indicates modality, i.e., likelihood, permission, ability and obligation. Some of the common modal verbs are can, could, may, might and must. Let us understand them briefly." Mahabang paliwanag ni sir Cristobal pero ang utak ko ay parang walang natatandaan kahit isa.

Natapos ang Klase na walang lesson na pumapasok sa utak ko.

"Hoy Yza! Lutang ka sis? tinatawag kita kanina hindi moko pinapansin!" Naiiritang saad ni Sam.

"Alam niyo ba? May nakabangga ako kanina sa tapat ng faculty shit!!! Napaka gwapo Ken daw ang pangalan nya myghad!! Ang boses nya hindi maalis sa isip ko!!" Masayang sambit ko.

"Edi kayo nang may nakakabunggong gwapo tapos pupulutin yung mga nahulog niyo na gamit. Iww laos na 'yon. Tara na nga sa canteen nagugutom na ako,'' Pangongontra ni Sam.

"Asusss!!! Palibhasay iniwan ka ni kian my loves mo. Bitter kana sis? Hayaan mo mag pray ka kay lord na biyayaan ka din ng gwapong nilalang gaya ng nangyari saamin hahaha!" Pang iinis ni Cassandra kay Sam. Umirap si Sam at nag patuloy sa paglalakad papunta sa canteen. Sa aming tatlo si Sam talaga ang pinaka malakas kumain. Si Cassandra naman ay alagang alaga ang katawan nya. Bumili kami ng snacks at mga dagdag miryenda mamaya sa practice namin para sa dance competition. Dahil dancer si Sam at mahilig sa mga hiphop sya na ang ginawa naming leader.

---

"Cass kailan daw pala uuwi ang parents mo? halos dalawang buwan na rin silang wala ah?" Tanong ni Sam.

Nakita ko ang pagbabago ng expression ni Cass. Naaawa ako sakanya. Ni-minsan hindi nya naramdaman na may magulang sya.

"H-hindi ko alam kung kailan eh... Baka nga hindi pa sila umuwi ngayong month na 'to," Cassandra answered. Nakita ko ang unti unting pamumuo ng mga luha sa mga mata ni Cassandra.

"Nandito lang kami palagi Cass. Wag ka nang malungkot okay? Tara practice na tayo!" Saad ko.

Tumango si Cassandra bilang tugon. Nag ayos na kami ng formations namin at nagsimula sa pagtuturo si Sam.

"Step! close step! then forward," Turo ni Sam. Grabe nakakapagod pala 'to? Nagpatuloy ang pag papractice namin hanggang 7pm at naisipan na naming umuwi. Sobrang napagod ko pero ginawa ko muna ang mga homework ko at naisipang magpahinga.

---

Sam's POV

Pauwi na ako nang may madadaanan akong Ihawan at may kwek-kwek naisipan kong bumili nito para ipasalubong kay mama at sa mga kapatid ko pero....

Shit?! OH MY GOD!!!!!!

To be continued...

Author's Note:

Hello Lyzies! bibitinin ko ulit kayo HAHAHA please vote and comment thank you so much!!! enjoy reading my lyzies.

Friendship Never Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon