Dedicated kay cheenaii_bess!
***
"Pass your assignments" puno ng awtoridad na wika ng English teacher namin. I immidiately oppened my bag and grabbed my 4-paged essay na naka silid sa isang brown envelope.Siguro napagtanto na ni Jologs kung ano ang ibig kong sabihin kaya hindi na siya ulit nagpatugtog ng rock na music. Naging pabor 'yon sa akin dahil nakapag focus ako sa pagtitipa sa laptop ko kaya nagawa ko ng maayos ang assignment ko.
"I wan't you to pass your folders one by one para organized" paalala muli ng guro, nagsimula ng lumapit isa-isa ang mga nasa front row. Napalingon ako sa katabi ko.
Pakamot-kamot sa ulo si Jologs at mukhang balisa. Namamawis na rin ang noo niya. Napakunot noo ako.
Hindi niya ba ginawa ang assignment niya? Naalala kong nakatulog pala siya kahapon ng ina-anounce 'yon. Napangisi ako.
Serves her right, tutulog-tulog kasi. Baka karma niya na rin 'to sa lahat ng pamemerwisyo niya sa gabi ko.
Hanggang sa ako na ang magpasa. Hindi ako nakatakas sa mga mapag-asam na tingin ng nga babaeng nadaraanan ko.
"He looks good on the uniform ah?"
"You're right girl. He looks like an anime character with it, ang pogi niya talaga!"
"But he doesn't seem like he's interested sa kahit isa sa atin?"
"Maybe nahihiya lang siya, but I'll make sure na mapapa sa 'kin siya"
I heard them murmuring ngunit wala akong naintindihan na kahit na ano sa mga 'yon. Hinayaan ko na lang sila at nagpatuloy sa paglalakad.
Inilahad ko ang brown folder kay mrs Agcaoili. Maglalakad na sana ako pabalik sa upuan ko ng pinatigil niya ako.
"Stop mister Sandoval" nakita kong binabasa niya ang essay na ginawa ko. "Your grammar is great, I like how you play with your words... Let's see" binuklat niya sa pangalawang page 'yon.
"You also has a wide range of deep vocabularies, and your idea is broad. Your essay is also very informational, pero hindi ako naniniwalang ikaw ang gumawa nito" he blankly looked at me saka inayos ang salamin niya. Napangisi ako.
Minamaliit niya ba ang kakayahan ko? Hindi pa nga niya ako kilala hinuhusgahan na niya ako? O baka nalamangan ko ang kakayahan niya kaya siya gumagawa ng paraan para mainis ako?
"I can write a new one right now if you don't believe me maam" paninigurado ko.
Napangisi rin siya.
"I like your attitude, pero hindi mo na kailangang gawin 'yon dahil baka maipahiya mo lang ang sarili mo sa harap ng mga kaklase mo. You can go back to your seat now" hindi na ako nagsalita pa at utos niya na agad ko namang sinunod. A person like her doesn't deserve my time. Kung ayaw niyang maniwala bahala siya sa buhay niya.
Alam kong rinig ng buong klase ang naging pag-uusap namin at halatang nasa akin ang simpatya nila.
"And lastly, miss Del Mundo. Your essay" alangan namang napatayo si Jologs.
"Maam, I-I..." halos hindi siya maka-kapa ng salitang sasabihin niya.
"Hindi mo na kailangang tapusin miss Del Mundo, alam kong hindi mo nagawa. I know that kind of behavior at nagawa na 'yan ng lahat ng mga estudyante dito and I am strongly experienced with those kind of approach" taas kilay na wika ni mrs Agcaoili. "I hope you're ready to face the consequenses of your actions miss del Mundo" matigas ang pag eeglish ni miss Agcaoilo, she has a French accent which makes her sound intimidating and deep.
BINABASA MO ANG
✔FREYA (COMPLETED)
Romance"And her name is Freya..." Ang kuwentong ito ay isang boring na adventure ng isang anti-social na lalaki at ng babaeng baduy na naka-tira sa tapat ng bintana niya. Date started: April 22, 2020 Date finished: July 05, 2020