FREYA (Chapter 20)

21 4 2
                                    

Halos hilain ako pabalik ng higaan ko pagkabangon na pagkabangon ko mula do'n. After what I saw last night, parang nawala na ako sa mood.

Tss, 'yong lalaking 'yon pala ang kasama niya kaya hindi niya ako natawagan kahit na isang minuto lang. Magsama silang dalawa.

Naglakad ako papalapit sa bintana saka ko walang ganang binuksan 'yon.

"Hi Zach—!" agad kong isinarado ang bintana ng makita ko siyang naka-upo sa bintana niya.

Ayoko muna siyang makita ngayon, she annoys me.

Pagkatapos niyang makipag-date sa lalaking 'yon ng halos magdamag may gana pa siyang batiin ako? Didn't she know how much effort I did staying up until malaman kong safe siyang makauwi?

Agad akong naghubad ng damit saka ako nagsimulang mag exercise, I heard my phone rang but I didn't payed much attention. Alam ko namang si Freya lang 'yan eh, I know she'll ask me why I shut the window down. Tss, manigas siya. Siya naman ang maghintay ngayon para malaman niya kung gaano kahirap 'yong ginawa kong paghihintay sa kaniya kagabi.

Pagkatapos no'n ay nagtungo ako sa banyo para maligo. Sa totoo lang I still feel sleepy kaya agad akong napamulagat ng maramdaman ang unti-unting pagbagsak ng tubig sa aking balat.

For the nth time, muli na naman akong nakaramdam ng inis nang maalala ko kung paano magyakapan si Freya and the man with the Mercedes-Benz.

Napakuyom ako ng kamao.

"Sino ba kasi ang lalaking 'yon para paglaanan niya 'yon ng ganoong oras? Mas importante ba ang taong 'yon kesa sa 'kin na mismong kaibigan niya?" pabulong kong maktol.

Pero sa totoo lang, nakonsensiya ako dahil sa ginawa ko sa kaniya kanina. I know it was inappropriate to just shut her off without saying anything, pero kasi nadala lang ako ng emosyon ko eh.

No'ng makita ko na galing lang pala siya ng date kagabi, parang nabaliwala lahat ng efforts ko. Pakiramdam ko nawala 'yong halaga ko para sa kaniya dahil natiis niya akong hindi tawagan para lang makasama ang lalaking 'yon.

Una sa lahat, nakasanayan na naming gawin 'yon to the point na naging parte na siya ng sistema ko. Pangalawa, I told her to update me about the changes she feels about her injury. At pangatlo, bilang kaibigan—deserve ko naman sigurong malaman ang kahit na anong updates sa buhay niya kahit na 'yong surface lang 'di ba?

I was so confused and sad at the same time. Pakiramdam ko, unti-unti nang nagkakaroon ng gap sa aming dalawa and I can't afford to loose her. Lalo pa't naging parte na siya ng buhay ko. I also find it unacceptable knowing na puwede niya akong ipagpalit sa lalaking kasama niya kagabi

Pagkatapos ng lahat ng mga linagsamahan namin? Dang!

When I realized what I was thingking, I was stoned. Sa unang limang segundo ay hindi ako halos maka galaw. Kaya nang mabawi ko na ang control sa katawan ko, agad kong tinapos ang pagligo ko saka ako lumabas para magpalit ng damit. Sumandal ako sa pinto ng closet ko saka inis na ginulo ang buhok ko.

N-nagseselos ba ako?

"Argh! What have you done to me Freya? Bakit nagkakaganito ako!" unti-unti akong dumausdos pababa hanggang sa mapaupo ako sa sahig.

Tumingala ako saka ko tinignan ang blangkong kisame.

The thought of loosing her suddenly made me scared. I know I was just overthingking about things but it seems so realistic kaya naapektuhan na no'n ang emosyon ko.

My face droped from frustration to sadness.

I closed my eyes.

✔FREYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon