FREYA (Chapter 25)

19 4 0
                                    

"Remind ko lang ulit sa inyo, next week na 'yong sportsfest so we have to be ready. Alam kong ilang beses ko nang nasabi sa inyo 'to but I wan't ya'll to do your best at ipanalo ang mga laban niyo. Don't let those months of training go to waste. Understood?!"

"Yes coach!"

"Okay, puwede na kayong umuwi lahat. Sandoval, stay for a bit. May kailangan tayong pag-usapan" napatango ako saka ako naglakad papalapit sa kaniya.

"Ano po 'yon coach?" taka kong tanong. He smiled and tapped my back.

"Nitong mga nakaraang araw, I'm grateful na nakakaya mo nang tapatan 'yong record na sinet mo no'ng try-outs. Kaunting push na lang, sure win ka na sa sportsfest"

"Sana nga po coach" maikli kong tugon.

"Of course you will, lalo pa't may inspirasyon ka na ngayon?" malisyosong niyang wika sabay tingin sa mga bleachers kung saan nag s-skate board si Freya. "Let her be the drive for you to win this game. Sinabi mo sa 'kin no'n na no'ng nawala ang mommy mo wala ng sumuporta sa 'yo 'di ba? But look at her, nandito siya para suportahan ka sa lahat ng mga bagay na gusto mo. Win not only for this school, win not only for your mom—ipanalo mo 'to para sa babaeng nakikita mo ngayon"

Biglang tumingin sa 'min si Freya saka siya nagbitaw ng matamis na ngiti. She raised her thumb upwards trying to ask kung okay na ba 'yong training ko. I gladly nodded.

"Yes coach, gagawin ko ang bagay na 'yan"

***

"Hoy Xander! Tara na!" malakas na sigaw ni Freya dahilan para mapalingon si Xander. He's currently sitting in the middle of the green field wearing his soccer uniform. Kakatapos lang rin kasi ng practice nila.

He grabbed his duffle bag and quickly ran towards us.

"Tuloy ba tayo bukas sa bahay niyo pre?" tanong niya saka kami nagsimulang maglakad.

"Kayo ba, malawak kasi 'yong field sa likod no'n tapos may pool rin. We can both practice there para mapaghandaan natin 'yong sportsfest"  I looked at Freya. "Ikaw, sama ka?"

"Bukas na 'yong alis ni kuya, babalik na siya ng states kaya ihahatid ko siya papunta sa airport" napangiti siya ng mapait saka siya tumingin sa 'kin. "Pero hahabol ako, makapitbahay lang naman tayo eh"

I honestly feel the pain she's bearing right now. Ilang linggo lang kasi silang nagsama ng kapatid niya after a long time at ngayon, aalis na naman siya.

I smiled back.

I choose to keep quiet dahil hindi ko naman alam kung anong klase ng pagco-comfort ang ibibigay ko sa kaniya.

***

"Pre! Tang ina'ng laki ng bahay niyo! Mansyon na ata 'to eh!" nanlaki ang singkit na mata ni Xander habang inililibot niya ang tingin niya sa paligid.

"As if naman kung hindi rin malaki 'yong bahay niyo?" napailing ako. "Patong mo na lang diyan sa couch 'yang bag mo"

"Malaki rin naman pre, kaso nasa ibang level na 'tong sa inyo eh!" napatango-tango pa siya.

"Oh, may bisita ka pala Zach?" nabaling ang pansin namin ng biglang magsalita si Beatriz habang bumababa sa hagdan.

Her baby bump gets bigger and bigger—it's so much noticeable na kahit sobrang maluwang na bestida ang isuot niya, mahahalata pa rin. Maybe in a month or two, baka kabuwanan na niya.

"Ay, mommy mo Pre?"

"She's not—"

"Hello po tita! Nice to meet you po!" I was cut off by Xander. He swiftly ran towards Beatriz saka siya nagmano.

✔FREYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon