FREYA (Chapter 39)

20 3 0
                                    

Naka-upo ako sa study table ko habang naka-tulala sa bintana ng kuwarto ni Freya.

Alam ko namang kahit na kailan hindi na 'yon magbubukas pero nandito pa rin ako ngayon, nagpapakatanga at umaasa sa wala.

Isang linggo na rin pala ang nakakaraan pero ang sakit pa rin talaga, hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon na wala na si Freya.

Napasinghap ako saka ko pinunasan ang mga luhang lumalabas mula sa mga mata ko.

"Zach, wag kang matakot dahil kahit wala na ako sa tabi mo-palagi mong tatandaan na nasa puso mo lang ako"

Napahawak ako sa dibdib ko saka ako napahagulgol.

I'll try Freya, I'll try to become brave for you. Alang-alang sa mga ala-ala mong nakatago sa puso ko.

Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng tatlong beses na pagkatok sa pinto, ilang saglit lang ay bumukas na 'yon. Agad kong pinunasan ang mukha ko saka ko siya nilingon.

It was mom. And Freyanne.

Mom has a very concerned look in her face, naglakad siya papalapit sa kama ko saka siya naupo do'n.

"M-mom, what brought you here?" I faked a smile and walked towards them. Naupo ako sa tabi niya at agad na nilaro si Freyanne.

"Hey little Freya, how are you?" tumingin ako sa bata saka ako ngumiti.

She giggled.

Then I smiled bitterly.

I named her Freyanne in memory of Freya, gusto ko na kahit hindi nagkaroon ng chance si Freya na makita ang kapatid ko ay maging konektado sila sa isa't-isa.

And she will also remind me that I once loved the most amazing girl that ever existed.

"Hay nako anak, alam mo bang halos hindi mabuhat ng dad mo 'tong si Freya? Bigla kasi siyang umiiyak maski hawakan lang siya kaya walang choice ang dad mo kundi lumayo" mom giggled. "Pero kapag ikaw 'yong nakikipag-usap sa kaniya, just look at her expression-akala mo nakikita ka na niya"

Napatingin ako kay mom saka ako nagsalita.

"I don't know mom" napabuntong hininga ako. "Siguro na si-sense na niya na magkakasundo talaga kaming dalawa in the future" tumawa ako ng pagak.

But for a moment bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot at napatulala sa isang sulok ng kuwarto ko.

I really miss Freya. Life is not the same anymore without her. Parang may kulang, parang kahit na kailan hinding-hindi na ako magiging masaya ulit.

The scar made by our departure was so deep that I can't even imagine if I'll be able to move on someday.

"Zach" mom tapped my shoulder, agad akong napalingon sa kaniya. "Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong magpanggap na okay lang ang lahat kahit na hindi naman. Normal lang na malungkot ka, normal lang na umiyak ka-nawalan ka eh nasaktan ka" ngumiti siya.

"Kung kailangan mo ng taong makikinig sa 'yo, nandito lang kami ng dad mo. Makikinig kami sa 'yo, handa kaming patahanin ka. Just don't punish yourself by keeping all the pain, hindi 'yon makakabuti sa 'yo. At alam kong hindi rin 'yan ang gusto ni Freya na mangyari"

Napakagat ako ng labi ko, namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako.

"I-I just miss her so much, hindi ko na alam kung kaya ko pa talagang maging masaya ngayong wala na siya" napapikit ako. "Masyado na kasi akong nasanay na palagi ko siyang kasama eh, masyado na akong nasanay na gabi-gabi kaming nag-uusap-na nakikita ko siya palagi sa bintanang 'yan" I gazed at the window.

✔FREYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon