Nagising ako dahil sa banayad na pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko.
Medyo masakit pa rin talaga ang ulo ko and I still feel a bit dizzy, pero hindi na ako nilalamig—pakiramdam ko nga kaya ko ng bumangon para at maglakad eh.
I slowly sat then something from my forehead fell to my lap. Bakit may towel dito?
Inilibot ko ang paningin ko at nakita ang isang babae na natutulog sa tabi ko.
F-Freya?
Napalunok ako ng makita ang maamo niyang mukha na himbing na himbing sa pagtulog. Some strand of her hair are covering her pretty face. Muli akong bumalik sa pagkakahiga ko saka ko siya pinagmasdan.
Nakatagilid siya paharap sa 'kin habang nagpapakawala siya ng mahihinang tunog ng paghinga. Unti-unti kong inilapit ang kamay ko sa mukha niya saka ko inayos ang buhok niya.
Sa totoo lang hindi ko alam kung paano siya napunta dito, wala rin kasi akong maalala kagabi. All I can remember is that I'm extremely sick and I can't move. Then someone called on my phone, we talked for a bit at wala na akong iba pang maalala.
Nanlaki ang mga mata ko ng marealized kong naka-sarado lahat ng pintuan sa baba kagabi. S-saan naman kaya naglakad ang babaeng 'to?
I saw the window wide open.
Don't tell me....
"Gising ka na pala Zach" agad akong napatingin kay Freya ng bigla siyang magsalita.
My eyes met two brown orbs that I can't help but stare into. Para akong hinihigop nito papunta sa kalawakan, for a moment I was stoned.
Ngumiti siya.
"Sorry dito na ako natulog, hindi kasi kita maiwan kagabi dahil sobrang taas ng lagnat mo. Ano, okay na ba 'yong pakiramdam mo? May masakit pa ba sa 'yo? Ano ba kasing ginawa mo kagabi para magkasakit ka?"
Dang, how could someone's morning breath smell this good?
Bakas sa mata niya ang pag-aalala dahilan para makakuha ako ng pagkakataon para umiwas at bumangon mula sa pagkakahiga ko.
"I-I'm okay now" I assured. "Salamat nga pala sa ginawa mong pag-aalaga sa 'kin kagabi. Baka nilalagnat pa rin ako ngayon kundi dahil sa 'yo"
Bumangon siya sa higaan saka siya nag-inat ng katawan.
"Ahalanghan namhan na whoah... Hayaan lang kita dito knowing na may sakita ka pala? Alam mo bang sobrang nag-alala ako no'ng bigla ka na lang nanahimik no'ng tinawagan kita kagabi? Sobrang lakas ng ulan no'n kaya hindi kita halos masilip dito sa kuwarto mo, so I decided na pupuntahan na lang kita dito. Tapos nadatnan kita dito kagabi—nanginginig ka tapos sobrang taas ng lagnat mo"
"Pero paano ka nakapasok dito sa kuwarto ko? The doors are locked and you don't have a spare key to our house" kunot noo kong tanong.
"I have my ways Zach" tinaas baba niya ang kilay niya. "Pag nakasarado ang pinto, edi sa bintana ka dumaan!" tumawa siya.
Nanlaki ang mga mata ko.
So ibig sabihin tama nga 'yong conclusion ko kanina na sa bintana nga siya dumaan kagabi? Nasa second floor ang kuwarto ko and damn! Is she even real?
"Ibig mong sabihin sa bintana ka dumaan?" napahilamos ako sa mukha ko, then I frowned. "Damn Freya! Umuulan kagabi! What if your hand slippped o kung nadulas ka? Puwede kang masaktan! Hindi mo ba iniisip 'yong mga posibilidad na 'yon Freya?!Hinayaan mo na lang sana ako dito! " I shouted out of frustration.
Hindi ba siya nag-iisip? I know shes a dare devil but she shoud've thinked about possibilities!
Her face became furious.
BINABASA MO ANG
✔FREYA (COMPLETED)
Romance"And her name is Freya..." Ang kuwentong ito ay isang boring na adventure ng isang anti-social na lalaki at ng babaeng baduy na naka-tira sa tapat ng bintana niya. Date started: April 22, 2020 Date finished: July 05, 2020