Dedicated to LuisaBalanga, ito na hahaha
***
"Son, just wait here. Babalikan ko lang ang mommy mo at 'yong mga gamit na naiwan sa dati nating bahay" wika ni Dad habang naka upo siya sa drivers seat.Seryoso lang akong tumingin sa kaniya saka ako sarkastikong ngumiti.
"You mean Beatriz? Matagal nang patay ang mommy ko, pinalitan mo pa nga siya hindi ba?" diretso kong wika saka kinuha ang malaking box na nasa tabi ko.
"Lyndon Zachary Sandoval, please huwag na naman sana nating pag-awayan ang bagay na 'to. Minahal ko ang mommy mo, pero sana tanggapin mo na lang ang katotohanan na wala na siya at kailangan ko na ng kaagapay sa buhay at kasama sa pagma-manage ng negosyo natin" bakas ang pakikiusap sa tono niya ngunit hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin.
"And you think you can do that by marrying your secretary?" napatawa ako ng pagak.
"Watch your words! I'm still your father!" malakas na sigaw nito. Bakas sa boses niya ang galit ngunit nagtitimpi ito.
"Fine, kelan ba ako mananalo sa inyo eh anak lang naman ako?" binuksan ang pinto ng backseat saka ko sinalpak ang blue beats headphones ko, I increased the volume to its limit saka ko pabugtak na sinarado ang pinto ng kotse. Hindi na ako nag abalang lumingon pa sa kaniya, naramdaman ko na lang na umandar na paalis ang sasakyan.
Bumagsak ang balikat ko, hindi ko mapigilang malungkot. Saktong nagplay ang paboritong kanta ni mom.
Moon River...
I miss mom, sobra.
Kasalukuyan akong naka tayo sa daan ng bagong gawa naming bahay, it was much bigger than our old house but I know I'll feel empty living inside that house. Walang ala-ala si mom diyan, walang tinig niya habang nagluluto at nagdidilig ng mga halaman, at wala ring kantang magpapatulog sa akin habang hinahawi-hawi niya ang buhok ko.
Hindi ko mapigilang maiyak but I tried to avoid it, kaya habang kaunting luha pa lang ang lumalabas sa akin ay maagap ko nang pinunasan 'yon.
Mabagal akong naglakad sa madamong lote na nasa harap ng bahay, nasa isa kaming exclusive na village. Mula sa main road ay may dalawang kanto ng kalsada na kumokunekta sa bawat bahay.
Ayaw ko naman talagang lumipat dito in the first place eh, but dad told me to move on at ang bahay na 'yon lang ang magpapaalala sa akin sa nakaraan. So he decided to build a new house, an empty place where we can create new wonderful memories with each other.
New memories my ass.
Pero ang hindi maintindihan ni Dad ay hindi na mangyayari 'yon, hindi na kami makakabuo ng magagandang ala-ala dahil wala na si mommy.
"Shit!" inis kong sigaw ng bigla. akong banggain ng kung sino. Bumagsak ang hawak kong box sa semento at lumabas doon ang lahat ng mga underwear ko.
Madali kong isinabit sa leeg ang headphones ko saka ako maagap na lumuhod para ayusin ang mga 'yon.
Kunot noo akong napatingin sa bumangga sa akin. Na-paupo siya sa lupa habang ang skate board niya naman ay nakabaliktad sa tabi niya.
Hindi ko mapigilang kilatisin siya.
Naka suot ito ng isang fitted na black jeans at checkered na long sleves, may flat cap din na naka suot sa ulo niya and to be honest-she looks hideous.
"Aray!" inda niya kasabay ng pag-asim ng mukha niya.
"Hoy miss! Hindi ka ba marunong tumingin sa harapan mo? Didn't you see that I am walking?" inis kong sigaw sa kaniya saka ko siya inis na tinignan.
BINABASA MO ANG
✔FREYA (COMPLETED)
Romantizm"And her name is Freya..." Ang kuwentong ito ay isang boring na adventure ng isang anti-social na lalaki at ng babaeng baduy na naka-tira sa tapat ng bintana niya. Date started: April 22, 2020 Date finished: July 05, 2020